MAHIGIT P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang 23-anyos na binata, at dalawang kasabwat nito sa ikinasang buy-bust operation noong Linggo ng gabi sa panulukan ng Claro M. Recto at Delpan streets, Tondo, Manila. Kinilala ang target ng operasyon na si John Derick Jasmin, alyas “Boss”, jobless, ng Blk. 5, Barangay 649, Zone 68, Baseco Compound, Port Area, Manila. Samantala, dalawa sa kasabwat nito ang binitbit din ng mga operatiba na kinilalang sina “Benjie”, 30, ng nasabing lugar, at Jan Oliver, 22, binata, tambay, ng Asuncion Street, Tondo.…
Read MoreAuthor: admin 2
UE NAGLULUKSA SA PAGKAMATAY NG ESTUDYANTE
PATAY ang isang 19-anyos na estudyante matapos umanong mahulog mula sa ikasiyam na palapag ng isang gusali sa loob ng University of the East (UE) campus sa Caloocan City noong Lunes ng umaga, Enero 23. Ayon sa Caloocan City Police Station (CCPS), nakarinig ng malakas na kalabog ang isang school utility personnel dakong alas-6:25 ng umaga at kalaunan ay nadiskubre niya ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa drainage. Base sa Facebook post ng UE Dawn, publication ng UE, nahulog ang biktima mula sa Lucio C. Tan Building sa loob…
Read MoreDALAGA TUMUNGGA NG ASIDO BAGO TUMALON SA CONDO
SINIGURADO ng 23-anyos na dalaga ang kanyang pagpanaw sa paraan ng paglaklak ng asido bago pa man lumundag mula sa ika-5 palapag ng condominium na tinutuluyan. Kinilala ang biktima sa pangalang Iris Kyle Catacutan ng Chi Building, Unit 513 Redwoods Condominium, Brgy. Pasong Putik, Quezon City. Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 12:00 ng hatinggabi nang matagpuang wala ng buhay ang biktimang nakahandusay sa hardin sa baba ng gusaling tinitirhan. Ayon kay PSSG Angel Pascasio III, isang Jelmer Lapider, security guard…
Read MoreAirAsia Philippines reminds guests of the strict eTravel requirement compliance
Manila, Philippines, 24 January – AirAsia Philippines is reminding all arriving international guests to fill out the Philippine One-Stop Electronic Travel Declaration or the eTravel card three days or 72 hours before their scheduled departure to facilitate a hassle-free entry to the country. The eTravel platform which replaces the One Health Pass is the only travel requirement for fully vaccinated Filipino and international travelers. It is available online via etravel.gov.ph. AirAsia Head of Communications and Public Affairs Steve Dailisan shares, “During the recent months, we monitored around 20% of arriving…
Read MorePUGANTENG JAPANESE TIMBOG SA ILOILO
INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Iloilo ang puganteng Hapon na wanted sa Tokyo bunsod ng pagkakasangkot nito sa kasong robbery, extortion at telecommunications fraud. Kinilala ang suspek na si Yohhei Yano, 43-anyos, nahuli ng BI operatives noong Enero 17 sa Guimbal Port sa Iloilo. Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, si Yano ay mayroong nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng Summary Court ng Yakkaichi sa Japan noong pang Agosto ng nakaraang taon. Si Yano ay pansamantalang nakakulong sa BI Warden Facility sa Camp…
Read MorePinangakuan ng kasal kapag nabuntis13-ANYOS GINAHASA NG 2 TINEDYER
BATANGAS – Kasama ang kanyang nanay, nagharap ng reklamo sa pulisya ang isang 13-anyos na dalagita laban sa dalawang tinedyer na gumahasa umano sa kanya sa bayan ng Taal, sa lalawigang ito. Ayon sa biktimang si alyas “Joy”, Sabado ng gabi nang magkasunod siyang pagsamantalahan ng mga suspek na sina alyas “Ivan”, 16-anyos, Grade 9 student, at alyas “Paul”, 18-anyos, Grade 11 student, habang ang mga ito ay nag-iinuman sa isang bahay sa kanilang barangay. Una umanong gumahasa sa kanya si Ivan at sumunod si Paul. Kapwa umano nangako ang dalawang…
Read MoreDATING MATAAS NA LIDER NG NPA SUMUKO
QUEZON – Sumuko sa mga awtoridad ang isang dating pinuno ng mga rebeldeng New People’s Army sa lalawigang ito. Ayon sa report ng Quezon Provincial Police Office (QPPO), sumuko sa headquarters ng Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) sa Camp Soledad L. Dolor, Brgy. Bukal Sur, Candelaria, Quezon ang ex-rebel na si Domingo Mercado alyas Rodney. Si Mercado ay dating platoon leader ng grupong Apolonio Mendoza Command ng CPP-NPA na nakabase sa Quezon at Laguna. Naengganyong sumuko ang rebelde matapos na mabigo itong makakuha ng pinansyal na suporta mula sa Underground…
Read MoreBARKO SUMADSAD SA MASAMANG PANAHON
SORSOGON – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at iba pang ahensya ng pamahalaan sa posibleng naging pinsala sa pagsadsad isang cargo vessel sa mababaw na bahagi ng dagat sa bayan ng Barcelona sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga dahil sa masamang panahon. Noong Linggo ay inalam ng PCG, kasama ang Marine Environmental Protection Group Sorsogon, SPDRRMO Sorsogon, MDRRMO Barcelona at mga tauhan ng Philippine Army, kung may posibilidad ng oil spills mula sa sea vessel na LCT Regent 101 na sumadsad sa bahagi ng sea water ng Sitio Boracay, Barangay…
Read MoreMISTER NAWALAN NG TRABAHO, SINILABAN SI MISIS
CAVITE – Naburyong matapos mawalan ng trabaho, binuhusan ng thinner saka sinindihan ng isang 46-anyos na lalaki ang kanyang live-in partner sa bayan ng Silang noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong frustrated murder, arson at paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act) ang suspek na si Mervin Chiongco Batiancila matapos nitong sunugin ang kanyang live-in partner na si Annabelle, 52. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Glenn F. Soriano ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-10:30 noong Sabado ng gabi nang mangyari ang insidente sa…
Read More