IBINIDA ni President Ferdinand R. Marcos Jr. noong Sabado na nangunguna ang Pilipinas sa pagbangon at pagganap ng ekonomiya hindi lamang sa Asia-Pacific kundi sa buong mundo. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang arrival speech matapos ang kanyang matagumpay na paglahok sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland. “Our WEF engagement has enabled the many leaders and experts in government, in business, civil organization and in the academe that were in attendance to receive the good news that the Philippines is leading economic recovery and performance not only…
Read MoreAuthor: admin 2
DALAGANG FRAT MEMBER ITINUMBA
NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isang 19-anyos na dalaga makaraang malapitang baunan ng bala sa ulo ng hindi kilalang suspek sa Block 1, Dubai Street, Barangay 649 , Baseco Compound, Port Area, Manila. Linggo ng hapon, dakong ala-1:00 nang ideklarang patay na ang biktimang si Maica Salapate ng nasabing lugar. Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek habang nangangalap ng testigo ang mga awtoridad para sa ikalulutas ng kaso. Noong Enero 20, bandang alas-5:00 ng…
Read More3 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NA-INTERCEPT SA NAIA
NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong biktima ng human trafficking bago makasakay sa kanilang flight palabas ng bansa. Ayon sa report, nakatakdang mag-board ang tatlong ito sa kanilang Air Asia flight patungong Bangkok, Thailand ngunit naharang ng Immigration officers dahil sa kaduda-dudang kinikilos ng mga ito. At makaraan ang isinagawang question and answer, inamin ng tatlo na natanggap sila bilang mga Customer Service representatives ng isang kumpanya sa Vientiane, Laos. Ayon kay BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU)…
Read MoreCOVID CASES BUMULUSOK SA NCR
BUMULUSOK sa 2.4% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) bagama’t bahagyang mas mataas ang kabuuang naitala na 2.7%, ayon sa OCTA Research Group kahapon. Ayon sa ulat ni OCTA fellow Dr. Guido David, naitala ang 2.4% rate sa Metro Manila noong Enero 21, na higit na mas mababa sa 3.7% na naitala noong Enero 14. Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa Covid test. Samantala, iniulat din ni David noong Linggo ng gabi, bahagya…
Read More2022 BOC anti-smuggling ops P24B KONTRABANDO SWAK SA GOBYERNO
PARA sa Bureau of Customs (BOC), patuloy na iniinda ng mga sindikato sa likod ng mga malawakang modus na puslit-kargamento ang dagok na dulot ng agresibong operasyon ng kawanihan laban sa illegal smuggling para sa taong 2022. Batay sa datos na inilabas ng ahensya, pumalo sa tumataginting na P24.28 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kargamento sa kabi-kabilang operasyon ng intelligence at enforcement groups ng BOC mula Enero hanggang Disyembre ng nakalipas na taon. Kabilang sa mga nasamsam ng ahensya sa 709 operasyong inilunsad ng kawanihan ang nasa P12-bilyong…
Read MoreMODUS PUSLIT-YOSI BIGO SA TAGOLOAN
BINULAGA ng mga operatiba mula sa tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Cagayan de Oro ang isang sindikatong pinaniniwalaang sangkot sa malawakang cigarette smuggling sa katimugan ng bansa. Sa isinagawang spot-check examination ng BOC-Cagayan de Oro, bistado ng nasa P160-milyong halaga ng imported na sigarilyong laman ng dalawang containers na nakalagak sa Mindanao Container Terminal Port sa Phividec Compound sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental. Batay sa dokumentong kalakip ng mga nakatenggang containers na idineklara bilang “personal effects” mula sa bansang Tsina, Disyembre 16 pa ng nakalipas na taon…
Read More25,000 TONELADANG NICKEL ORE TIMBOG
MATAPOS masungkit ng isang Chinese firm na una nang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pahintulot ng Palasyo, bulilyaso agad ang bumungad sa pagbabalik ng operasyon ng kumpanyang nagmamay-ari ng isang minahan sa lalawigan ng Zambales. Sa pahayag ng Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-Manila), isang dambuhalang sasakyang-dagat na naglalaman ng nasa 25,000 metriko toneladang nickel ore ang pinigilang maglayag nito lamang nakalipas na linggo. Base sa ulat ng BOC-Manila, isang ulat ang natanggap ng kawanihan hinggil sa isang barkong nakadaong sa karagatan sa…
Read MoreACTION CENTER BUBUKSAN NA SA KONGRESO – SPEAKER ROMUALDEZ
BUBUKSAN ng Kongreso ang isang action center para sa mga tao na walang mahingan o malapitan ng tulong sa oras ng kanilang pangangailangan. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, pagamot, palibing, legal problems, illegal dismissal, biktima ng pang-aabuso ng mga nasa puwesto, at iba pa ay pwedeng ilapit sa action center ng mababang kapulungan. “Kung lumapit ka sa ahensya ng gobyerno at hindi ka pinansin o pinag-antay o pinababalik-balik kayo, magsumbong kayo sa amin at kami ang tutulong sa inyo,” aniya. “Tatawagan namin ang mga concerned agencies at tatanungin kung…
Read MoreBATAS PARA SA MGA MAY ANAK NA PWD PINOPORMA NG ACT-CIS SA KAMARA
MAGHAHAIN ng isang panukalang batas ang ACT-CIS Party-list na tutulong sa mga pamilya na may miyembrong persons with disability (PWD). Paliwanag ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, ang naturang batas ay isang financial aid para sa mahihirap na pamilya na may mga anak o miyembro na PWD. “Nakita ko yung pag-aaral na ginawa ng DSWD at lumalabas na mas malaki ang gastos ng pamilya na may PWD na miyembro o anak,” ani Cong. Yap. Aniya, “napupunta na lang halos higit sa kalahati ang kita ng isang pamilya sa gamot, check-up, o…
Read More