SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang top 3 sa Priority Database on Illegal Drugs (PDID), matapos matimbog ng pulisya sa buy-bust operation sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela Police chief, P/Col. Salvador Destura Jr. ang mga suspek na sina Bravery De Juan alyas “Ching”, 27, top 3 PDID, station level, at Jerdean Merluza alyas “Dindin”, 20, kapwa residente ng lungsod. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., sinabi ni Col. Destura na dakong alas-6:00 ng…
Read MoreAuthor: admin 2
2 MWPs NASILO SA VALENZUELA, MALABON
ARESTADO sa mga awtoridad ang isang lalaking nasa most wanted list ng lalawigan ng Aurora, sa kahabaan ng Encarnacion St., Barangay Dalandanan, Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela City Police chief, Col. Salvador S. Destura Jr., inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS), at Maria Aurora Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si Elmerchor Coro, 42-anyos. Si Coro ang sinasabing number 5 most wanted person sa municipal level at number 10 sa provincial level. Ang pagkakadakip kay Coro ay bunsod ng ipinalabas na warrant of arrest…
Read More6 NALAMBAT SA DROGA SA MAYNILA
ANIM na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog ng mga awtoridad sa ikinasang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District sa Malate at sa Quiapo, Manila. Unang naglatag ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Malate Police Station 9 sa Taft Avenue, malapit sa Castro Street sa Malate. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander, bandang alas-9:40 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa pangunguna ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Anti-Illegal Drug Enforcement Unit (SDEU), sa…
Read More‘POLICE ASSET’ ITINUMBA NG ‘DRUG PUSHER’
TINADTAD ng bala ang isang 26-anyos na tricycle driver ng hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa loob ng isang bahay sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Martes ng hapon Kinilala ang biktimang si Joel Garciano, habang tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si alyas “Blondie”, nasa 25 hanggang 30-anyos , huling nakitang nakasuot ng orange na T-shirt at maong na short pants. Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-4:00 ng hapon mangyari ang pamamaril sa loob ng isang bahay…
Read MoreMARAMING BILIB KAY NCRPO CHIEF JONNEL ESTOMO
BALYADOR Ni RONALD BULA NALALAGAY ngayon sa balag ng alanganin o kontrobersya ang hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos na manawagan si Department of The Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ng ‘courtesy resignation’ sa mga general at colonel para sa pinaigting na internal cleansing sa police organization dahil sa isyu ng lumalalang problema sa droga. Binuo ang 5-Man Committee ni Sec. Abalos na siyang mag-iimbestiga sa mga sangkot sa kalakalan ng ilegal droga ng mga sindikato, maging ang tinatawag na “ninja cops” at “scalawags” na nagsisilbing…
Read MoreMGA KASO NG PANGHAHALAY NA INILAPIT SA AMIN MAY LINAW NA
NAARESTO na at naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang suspek sa isa sa dalawang rape case na aming hinawakan nito lang nakaraang taon. Ang suspek na tiyuhin pa man din ng dalawang biktima, ay nasampahan ng kasong rape at act lasciviousness sa Bataan Provincial Prosecutor’s Office sa tulong ng Women’s and Children’s Desk ng PNP sa Samal, Bataan, kung saan naganap ang krimen. Ang dalawang kaawa-awang magkapatid na biktima ay mga menor de edad palang nang maganap ang krimen at inabot ng ilang taon bago nakapagsabi ang mga…
Read MoreHUMAN RIGHTS WATCH BA KAMO?
ANG tanong, kailan ba nag-report ng pabor sa gobyerno ‘yung grupo ng human rights watch. Ang ‘di ko lang maintindihan bakit ang grupong ito ay laging pinupuntirya ang pamahalaan? Bakit kaya hindi nila tingnan din kung ano ang mga ginagawa ng mga kriminal o sindikato na siyang talagang puno’t dulo ng kaguluhan at patayan sa ating bansa. Bakit palagi na lang nilang sinisisi ang gobyerno kung mayroong napapatay na mga sangkot sa ilegal na droga? ‘Di ba nila naiisip na kaya patuloy ang mga patayan kapag sangkot ang ilegal na…
Read MoreMASS WEDDING HANDOG NI MAYOR MAX ROXAS
LAGING busy sa trabaho ang mag-amang Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas ng Paniqui, Tarlac. Marami nga ang nagtatanong kung natutulog pa ba sila. Well, ipinanganak kasi silang public servants kaya ganyan sila. Pagtulong sa mga nangangailangan at kababayan nila ang kanilang prayoridad. Sunod-sunod ang mga programa at proyekto nila ngayong taon para sa kanilang constituents. Siyempre, kasama na riyan ang Libreng Mass Wedding. “Nalalapit na naman ang araw ng mga puso, kung kaya ang Pamahalaang Bayan ng Paniqui ay muling magsasagawa ng Libreng Mass Wedding na gaganapin…
Read MoreSangkaterbang bitbit na alipores pinuna ng solon PINOY ‘DI MASAYA SA BIYAHE NI PBBM
(BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING na ng mga ordinaryong Pinoy ang madalas na pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama ang sangkaterbang alipores na luho sa gitna ng matinding hirap na dinaranas ngayon ng mamamayan. Kinatigan ni ACT party-list Rep. France Castro ang opinyon ng masang Pinoy dahil tuwing bumibiyahe ang Pangulo ay napakarami nitong kasama na hindi aniya biro ang gastos. “Ang madalas na foreign trips ni Pres. Marcos Jr. lalo pa at palaging napakaraming bitbit na mga alipores ay nakikitang luho ng ating mga kababayan dahil sa tindi ng…
Read More