WALANG naging problema sa pagpapairal ng liquor at gun ban sa kapistahan ng Sto. Nino De Tondo at sa Pandacan, Manila nitong Linggo. Ayon kay Police Major Philip Ines, Manila Police District (MPD) PIO chief, tagumpay ang programa ni MPD Director Brigadier General Andre Perez Dizon upang matiyak na payapang maidaraos ang selebrasyon kahapon. Kapansin-pansin aniya na sumunod ang mga residente kaya walang nakitang nag-iinuman sa kalye kundi sa loob lang ng kani-kanilang bahay. Naging masaya sa kabuuan ng pista sa magkabilang lugar. Dahil dito, pinasalamatan ni General Dizon ang…
Read MoreAuthor: admin 2
SEGURIDAD SA PISTA NG STO. NIÑO KASADO NA – MPD
BUONG pwersa ng Manila Police District, mga miyembro ng Bureau of Fire Protection, mga tauhan ng Manila Metropolitan Development Authority at mga pribadong grupo ng bikers sa Divisoria ang magbabantay sa kabuuang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño de Tondo at sa Sto. Niño de Pandacan. Nauna nang nagtipon-tipon ang mga tauhan ng 14 istasyon ng MPD sa harap ng simbahan ng Tondo bandang alas-4:00 ng hapon noong Biyernes, sa pangunguna ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon. Inatasan ni Dizon ang kanyang mga tauhan na huwag kaligtaan…
Read MoreMWP SINILBIHAN NG WARRANT SA MANILA CITY JAIL
HINDI akalain ng isang 22-anyos na inmate sa Manila City Jail na madidiskubre ang isa pa niyang kaso nang silbihan siya ng mga tauhan ng Manila Police District – Sta Mesa Police Station 8, ng warrant of arrest sa kasong attempted murder. Kinilala ang suspek na si Mark Jefferson Castro, binata, ng Muñoz Street, Malate, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionnelle Brannon, station commander, bandang alas-1:00 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest kay Castro sa selda ng Manila City Jail. Isinilbi ang nasabing warrant of…
Read MoreGUN BAN, LIQUOR BAN IPATUTUPAD SA PISTA NG STO. NIÑO
NAGPALABAS ng kautusan si Manila Mayor Honey Lacuna- Pangan sa mga tauhan ng Manila Police District hinggil sa dalawang araw na pagpapatupad ng gun ban at liquor ban sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño de Tondo, at Sto. Niño de Pandacan. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, hepe ng MPD Public Information Office, ang kautusan ni Lacuna ay magsisimula ngayong Sabado, Enero 14, hanggang sa araw mismo ng kapistahan ng Sto Niño sa linggo. Aniya, mahigpit na ipatutupad ang gun ban at liquor ban sa Tondo at…
Read MoreMAGDYOWA TIMBOG SA P1-M SHABU
LUCENA CITY – Timbog ang isang babae at ang live-in partner nito matapos makumpiska sa mga ito ang tinatayang P1 milyong halaga ng illegal drugs sa buy-bust operation sa lungsod na ito, noong Huwebes. Kinilala ng Lucena Police ang mga arestado na sina Leira Silverio, 42-anyos, at si Ericacio Sebuc, 47-anyos, kapwa nakatala bilang high value individuals (HVIs) sa drug watchlist ng Quezon Provincial Police Office. Napag-alamaan na si Sebuc ay dati nang may kaso ng pagtutulak ng ilegal na droga. Ayon sa report, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan…
Read More3 NIGERIAN NATIONALS BINITBIT SA ESTAFA
CAVITE – Arestado ang tatlong Nigerian nationals na may kasong estafa, sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng warrant of arrest, sa Imus City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina Chinaesom Nwadike y Fedrick, 31; Bright Okoro y Chingoron , 32, at Chileta Iwunze y Justine, 32-anyos, pawang Nigerian nationals. Ayon sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon, nagsagawa ng Oplan Pagtugis ang mga operatiba ng CIDG-Cavite PFU sa Brgy. Palico IV, Imus City Cavite kung saan naaresto…
Read MoreJEEPNEY DRIVER BINAUNAN NG BALA
CAVITE – Humantong sa kamatayan ang pagmamalasakit ng isang 35-anyos na jeepney driver nang pagbabarilin ng dalawa katao matapos paalalahanan ang mga ito hinggil sa umiiral na curfew sa lugar sa Trece Martires City, noong Huwebes ng gabi. Naisugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Mel Aubrey Mijares y Cabugnason, 35, may live-in partner, ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa tatlong tama ng bala sa dibdib. Arestado naman ang mga suspek na sina Roland Marquez Magpuri, 44, at Ariel…
Read MoreBASAG-KOTSE GANG UMATAKE SA RIZAL
RIZAL – Tatlo katao ang nabiktima ng Basag-kotse gang noong Huwebes ng gabi sa magkakahiwalay na insidente sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito, Rizal. Unang dumulog sa himpilan ng Taytay Municipal Police Station ang biktimang si Norman Ray Eleazar bandang alas-10:59 ng gabi. Ayon sa kanya, bandang alas-7:30 ng gabi nang iparada niya ang kanyang gray na Mitsubishi Mirage Hatchback sa harapan ng Bahay Kawayan Restaurant sa Ilog Pugad Manila East Road, Brgy.San Juan upang kumain ng hapunan kasama ang kanyang pamilya. Matapos ang hapunan ay nagpasya silang dalhin…
Read More3 MOTORCYCLE RIDERS PATAY SA AKSIDENTE
CAVITE – Patay ang tatlong motorcycle riders sa aksidente sa kalsada sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Isinugod sa Las Piñas General Hospital and Trauma Center ang biktimang si Jomar Diolata y Abellano, 31, ng Western Bicutan, Taguig City, habang sa Gen. Trias Medicare Hospital isinugod si Yrish Kate Arajo Lumagui, 22, ng Brgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias, City subalit kapwa idineklarang dead on arrival dahil sa mga pinsala sa katawan. Samantala, dead on the spot si Victorico Galit y Deguia, 53, isang barangay…
Read More