VILLAR, PASCUAL NAG-IKOT SA GUADALUPE MARKET

MAGKASAMANG nag-ikot ngayong Biyernes sina Senator Mark Villar, Senate committee chairman on Trade, Commerce and Entrepreneurship at DTI Secretary Alfredo Pascual sa palengke ng Guadalupe sa lungsod ng Makati. Layon nitong matiyak na natutupad ang tamang timbang at makita ang presyo ng mga pangunahing bilihin katulad ng karne at gulay partikular ang sibuyas na nananatiling mataas ang presyo. (DANNY BACOLOD) 358

Read More

WANTED SA TONDO, NATUNTON SA BULACAN

ARESTADO sa ikinasang Oplan Galugad at Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation ng pinagsanib na puwersa ng DID-SMaRT at ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District (MPD), ang isang 30-anyos na wanted sa Tondo, Manila na may kasong murder at attempted murder, makaraang matunton sa Pulilan, Bulacan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na sina Rene Boy Golias, ng Barangay 105, Vitas, Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) bandang alas-5:30 ng hapon nang…

Read More

Ilapit ang mas maraming Kadiwa Centers sa mga mamimili – Gatchalian

Iminungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagtatatag ng mas maraming Kadiwa Centers upang mailapit ang mga produktong pang-agrikultura sa mga mamimili at mapababa ang mga presyo ng pagkain sa mas abot-kayang antas. “Para matugunan nang maayos ang problema sa mataas na presyo at kakulangan ng produktong pang-agrikultura, tulad ng sibuyas, kailangang mabigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatatag ng mas marami pang Kadiwa Centers,” ani Gatchalian. “Ang paglikha ng mas maraming farm-to-market retail centers, tulad ng Kadiwa, ay inaasahan nating magbibigay ng kapangyarihan sa mga…

Read More

PAGGAMIT NG BASTOS NA KARATULA SA PUVs BAWAL SA BULACAN

ISANG ginang sa Bulacan na nagmamay-ari ng pampasaherong jeepney ang inimbitahan sa Kampo Heneral Alejo Santos sa Lungsod ng Malolos at posibleng maharap sa kasong libelo dahil sa bastos na katagang nakasulat sa estribo nito na nag-trending sa social media. Noong Miyerkoles ay napukaw ang atensyon ng Bulacan provincial government dahil sa kumalat na larawan sa social media ng isang public utility jeep hinggil sa “monologue” na nabanggit sa estribo, na ayon kay Governor Daniel Fernando ay isang uri ng pambabastos sa dakilang lalawigan ng Bulacan. Agad na ipinag-utos ng gobernador…

Read More

MAG-AMIGA NABITAG SA P3-M SHABU

CAVITE – Siguradong walang iwanan sa dalawang babaeng mag-amiga dahil magsasama pa rin sila kulungan matapos na maaresto sa buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Sarah Salong y Taguranaw, at Rojean Mae Capuno y Tumagma, kapwa nasa hustong edad, at residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-IVA RSET 1 at 2, PDEA Cavite PO, Cavite RDEU at Bacoor City Police matapos…

Read More

MIYEMBRO NG PHIL. ARMY NANGHOLDAP NG PAWNSHOP

CAVITE – Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng isang dating miyembro ng Philippine Army (PA) makaraang maaresto dahil sa pagholdap sa isang pawnshop sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Sa bahay ng isa niyang kamag-anak nasundan ang suspek na si Michael Comutohan y Padilla, 47, dating miyembro ng PA, nagtatrabaho bilang VIP security, at residente ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang pasukin ng suspek ang RD Pawnshop sa Brgy. Gabriel GMA, Cavite at nagdeklara ng holdap. Tinangay…

Read More

3 PULIS HINATULAN NG ‘DOUBLE LIFE’ SA PAGPATAY SA ANAK NG MAYOR

QUEZON – Hinatulan bilang guilty sa kasong double murder ng Lucena RTC nitong Huwebes ng umaga ang tatlong dating pulis na pangunahing akusado sa pagpatay sa anak ng mayor ng bayan ng Sariaya na si Christian Gayeta at sa kasama nitong si Christopher Manalo noong March 13, 2019. Ayon kay Atty. Crisanto Buela, legal counsel ng pamilya Gayeta, hinatulan ni Judge Dennis Orendain ng Branch 53 ng Lucena  RTC, sina dating Tayabas Police chief, Lt. Col. Mark Joseph Laygo, Cpl. Lonald Sumalpong at Pat. Robert Legaspi ng double life imprisonment dahil sa pagpatay sa dalawang biktima. Hindi…

Read More

‘Di marunong sumunod sa due process – Rep. Teves ABALOS HINDI FIT NA DILG CHIEF

(JOEL O. AMONGO) PINASARINGAN ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos dahil ipinakikita umano nitong hindi ito karapat-dapat sa kanyang tungkulin. Kamakalawa ay pinuna ng mambabatas ang estilo ng Kalihim sa programa nito laban sa droga. Para kay Teves ang courtesy resignation na apela ni Abalos sa mga top brass ng PNP ay isang uri ng shortcut sa paglilinis sa hanay ng pulisya. Hindi aniya ito makatarungan sa mga opisyales na hindi sangkot sa ilegal…

Read More

4Ps BENEFICIARIES TURUANG MAGHANAPBUHAY

SA halip na sanayin laging nakaabang sa buwanang ayuda mula sa gobyerno, mas angkop na turuan maghanapbuhay ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sa pagdinig ng House Committee on Poverty Alleviation, target ng House Bills 2422 at 4366 (na kapwa nagsusulong na amyendahan ang Republic Act 11310) na gawing bahagi ng 4Ps ang isang mekanismong pagbibigay kaalaman at gabay sa mga benepisyaryo sa larangan ng kabuhayan. Kabilang sa isinusulong na pagbabago sa RA 11310 ang probisyong nagtutulak sa mga benepisyaryo na sumailalim sa iba’t ibang livelihood seminars…

Read More