‘LAKBAYAW’ SUSPENDIDO SA PISTA NG STO. NIÑO

ILANG araw na lamang ay ipagdiriwang na ang pista ng Sto. Niño De Tondo at Sto. Niño De Pandacan ngunit malungkot ang ilang deboto dahil sa pagsuspinde sa ‘Lakbayaw’. Ayon sa Direktiba ni Manila Police District Director, Police B. Gen. Andre P. Dizon kina Police Lieutenant Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD-Moriones Police Station 2; Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Raxabago Police Station 1, at Police Lieutenant Colonel Jonathan Villamor, commander ng Jose Abad Santos Police Station 7, na sumasakop ng pista ng Sto. Niño sa Tondo, pag-iibayuhin…

Read More

10K TRABAHO MALILIKHA SA DURIAN IMPORTATION SA CHINA

MAKALILIKHA ng 10,000 trabaho ang durian importation sa China. Ito ay makaraang aprubahan ng Chinese government ang importasyon ng durian mula sa Pilipinas. Ayon kay Chinese Ambassador to Manila His Excellency Huang Xilian, nasa 9,996 direct jobs at umabot sa 1,126  indirect jobs ang malilikha matapos aprubahan ng China ang durian importation nitong buwan ng Enero. Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa China, kabilang sa mga kasunduang nilagdaan nila ni Chinese President Xi Jinping ang “Protocol of Phytosanitary Requirements for Export of Fresh Durians From the Philippines to…

Read More

GINANG SINAKSAK NG 300 BESES NI MISTER

PANGASINAN – Nahaharap sa kasong parricide ang isang security guard makaraang walang-awang pagsasaksakin ng napakaraming beses ang kanyang misis sa bayan ng Mangaldan sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Mangaldan PNP, patay sa multiple stab wounds ang 39-anyos na ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang mister. Base umano sa medico legal examination, umabot sa 300 ang sugat ng biktima mula sa nasabing pananaksak. Ayon kay Police Lt. Col. Benjamin Zarate Jr., base sa police report, nangyari ang pamamaslang sa loob ng isang inn sa Barangay Bantayan ng nasabing bayan. Inaalam pa…

Read More

PENTECOSTAL CHURCH PINURI SA SENADO

SA pagkilala sa kanilang pag-aalaga sa ‘holistic well-being’ ng mamamayan, kinilala ni Senator Cynthia A. Villar ang Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC) 4th Watch sa pagdiriwang ng kanilang International Missionary Day. Idadaos ng PMCC 4th Watch ang kanilang International Missionary Day sa January 15, 2023 na dadaluhan ng kanilang kapatid sa pananampalataya at ministro na nasa bansa at ibang lugar sa mundo. “Through this online event, PMCC 4th Watch affirms its missionary mandate notwithstanding the restrictions imposed due to COVID-19,” ani Villar. Sa Resolution 407 ni Villar, binati nito…

Read More

10 PATAY SA LOW PRESSURE AREA

SAMPU na ang iniulat na namatay habang apat ang sugatan bunsod ng naranasang epekto ng Low Pressure Area  sa bahagi ng Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Mimaropa, Northern Mindanao, Davao at BARMM. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umakyat na sa halos 300,000 indibidwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng Low Pressure Area ngayong Enero. Nabatid mula sa NDRRMC, apektado ng masamang panahon ang 69,308 pamilya o 291,826 indibidwal sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Mimaropa, Northern Mindanao, Davao at…

Read More

‘TERORISTA’ NAHULI SA PISTA NG NAZARENO

NAHULOG sa bitag ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14 ang isang 43-anyos na top 2 most wanted person dahil sa kasong murder at frustrated murder sa Basilan, nang matunton ito sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pista ng Nazareno sa Quiapo, Manila. Kinilala ang suspek na si Lajid Jayanna y Mustamin, may asawa, jobless, tubong Sumisip, Basilan, at umano’y kasapi ng Yakan ethnic group at nanunuluyan sa Maharlika Village, Taguig City. Ayon sa impormante, ang suspek ay sangkot sa iba’t ibang krimen kabilang ang mga karumal-dumal na gawain. Kasapi rin…

Read More

WANTED NA DAYUHAN TIKLO SA NAIA

NA-INTERCEPT ng Immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang isang Belarus national na wanted ng mga awtoridad sa kasong rape with sexual assault na isinampa ng kanyang naging biktima sa lalawigan ng Cavite. Kinilala ang suspek na si Aliaksei Rudakou, 31-anyos, nadakip noong Enero 5 makaraang bumaba mula sa Emirates Flight galing Dubai. Batay sa impormasyon, si Rudakou ay gumagamit ng alyas na Ali at Aliak, at naninirahan sa isang condominium unit sa Quezon City. Nakarating sa kaalaman ng Bureau of Immigration na ang suspek ay…

Read More

265 TONS NG BASURA NAHAKOT SA PISTA NG QUIAPO

HALOS umabot sa 265 metriko tonelada ng mga basura ang nahakot ng mga tauhan ng Department of Public Safety ng Maynila, na iniwan ng mga deboto sa ilang araw na selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand at sa Quiapo, Manila. Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna, katumbas ito ng 99 truck ng basura na nahakot mula Enero 6 hanggang 9. Mas marami ito sa nahakot na basura noong 2021 na may 196 metriko tonelada o 57 truck ng basura, at noong 2022…

Read More

PAKIKIPAGTULUNGAN NG AIRLINES HINILING NI TANSINGCO

HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco nitong Miyerkoles ang lahat ng mga ahensya na may kinalaman sa airport operations, gayundin ang mga airline, na magtulungan para maresolba ang airport lines. Ginawa ni Tansingco ang panawagan matapos na makatanggap ng mga reklamo kaugnay sa long lines sa immigration area, kasunod ng post-new year glitch sa pangunahing mga paliparan ng bansa. “All counters were manned, but the lines remained long,” ani Tansingco. “While passengers were processed expeditiously, more can be done to improve this,” dagdag pa niya. Ayon kay Tansingco,…

Read More