LUCENA CITY – Kinuyog at pinagtulungang bugbugin ng limang hindi kilalang kalalakihan ang isang food delivery rider sa isang gasolinahan sa lungsod. Noong Lunes hapon, nagharap ng reklamo sa Lucena Police Station ang biktimang si Reynaldo Calisay, 30, Food Panda delivery rider. Ayon dito, bago ang pagbugbog sa kanya noong Linggo ng tanghali ay may nakasagutan siya sa kalsada dahil sa simpleng traffic incident habang sakay ng kanyang bisikletang ginagamit sa pag-deliver ng pagkain. Nabatid sa imbestigasyon ng Lucena Police at base sa kuha ng CCTV ng gasoline station, nakahinto ang biktima sa…
Read MoreAuthor: admin 2
MANAGER, STAFF HULI SA PAGBEBENTA NG LOTE
CAVITE – Arestado sa ikinasang entrapment operation ang dalawang opisyal ng isang development company makaraang magbenta at tumanggap ng bayad sa mula sa kanilang buyer sa kabila na hindi lisensyado ang kanilang kumpanya sa Imus City noong Lunes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 957 (The Subdivision and Condominium Buyers’ Protective Decree) at swindling/estafa sa ilalim ng Art. 315 ng Revised Penal Code, sina Allan Fresnido y Alvarez, 39, manager ng Dahum Builders and Development Corporation (DBDC), at Marife Robinos y De Belen, 46, admin staff ng DBDC,…
Read MoreManila Water Foundation and BPI Foundation bring expertise to support communities in Dinagat Islands and Cardona, Rizal
Technical volunteers of Manila Water visited the Dinagat Islands to provide training on water supply operations and proper chlorine handling and safety to employees of San Jose Dinagat Island Water District. Manila Water and BPI Foundation are set to provide P1.5-M for the recovery and improvement of water supply in the Dinagat Islands, which was ravaged by Typhoon Odette in 2021. As part of its corporate social responsibility to bring Manila Water’s water and sanitation expertise to marginalized communities beyond its concession areas through its Water Access, Sanitation and Hygiene…
Read MoreMGA DEBOTO KUNTENTO KAHIT WALANG TRASLACION
MASAYA ang mga deboto ng Itim na Nazareno na nakibahagi sa selebrasyon ng Pista ng Quiapo kahit walang traslacion. Sa ikatlong taon, mula nang pandemya dulot ng COVID-19, itinuloy ang Misa Mayor sa Quirino Grandstand. Pahayag ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, nalulungkot ang mga deboto dahil hindi pa rin naidaraos ang “Traslacion” na pangatlong taon ngayon ngunit ipinaalala niya na si Hesukristo ay palaging nasa buhay ng bawat Kristiyano. “Ang Traslacion ay hindi lang taon-taon kundi araw-araw na karanasan sapagkat ang Mahal na Poong Hesus Nazareno ang Siyang nagpuprusisyon…
Read MoreCentino sumabak na sa trabaho ‘WHITE PAPER’ DEDMA SA AFP
KASABAY ng agad na pagsabak sa trabaho ng bagong talagang Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff, ipinagkibit-balikat lang ng hukbong sandatahan ang intrigang kalakip ng white paper na kumakalat sa punong himpilan ng AFP. Sa halip na patulan ang mga patutsada hinggil sa di umano’y paggamit kay retired AFP chief Lt. Gen. Bartolome Bacarro, nanindigan ang pamunuan ng AFP na suportado nila ang pagbabalik ni Gen. Andres Centino bilang AFP chief-of-staff. Normal din anila ang sitwasyon sa kabila pa ng mga ulat hinggil sa di umpano’y nilulutong destabilisasyon ng mga…
Read MoreMIYEMBRO NG PCG, 2 PA BINITBIT SA DROGA
BINITBIT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang kanilang kabaro makaraang makumpiskahan ng hinihinalang shabu, kasama ang dalawang sibilyan. Kinilala ni PCG Admiral Artemio Abu ang natimbog na isang Seaman First Class na si alyas “Bernabe”, at ang dalawa nitong kasamahan. Ayon sa ulat, noong Sabado, Enero 7, nang isagawa ang buy-bust operation sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng P11,628 halaga ng umano’y shabu. Inihayag ni Admiral Abu na kapag napatunayan sa ilegal na droga ang suspek ay agad itong…
Read More2 robbery suspects tinutugis P500K SHABU NASAMSAM SA MANHUNT OPERATION
CAVITE – Imbes na mahuli ang dalawang robbery suspect sa follow-up operation, nadiskubre ng Cavite Police ang tinatayang mahigit P500,000 halaga ng umano’y shabu sa tinutuluyang bahay ng mga ito sa Gen. Trias City noong Linggo ng gabi. Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec. 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (illegal possession of ammunitions) sina Lovely Luayon, 22, at Aljon Canlas Tongol, 31, na siyang naabutan sa nasabing bahay sa Barangay Navarro, General Trias City. Ayon sa ulat, dakong alas-8:20…
Read MorePANGULO NG KOOPERATIBA PATAY SA AMBUSH SA LAGUNA
LAGUNA – Patay ang pangulo ng isang kooperatiba ng mga magsasaka sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigang ito, matapos tambangan ng apat na mga suspek habang sakay ng kanyang AUV sa Marilaque Highway, Sitio Silangan, Brgy. Juan Santiago sa nasabing bayan noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Sta. Maria Police ang biktimang si Harrison Diamante, pangulo ng Juan Santiago Agriculture Cooperative. Batay sa report ng Sta. Maria Police, tinatahak ng biktima ang Marilaque Highway sakay ng kanyang Adventure AUV nang harangin at tambangan ng apat na mga suspek na sakay sa isang puting…
Read MoreMAG-ASAWA, 2 ANAK PATAY SA TRUCK
BILIRAN – Pawang binawian ng buhay ang apat na miyembro ng isang pamilya nang ang kanilang sinasakyang motorsiklo ay mabangga ng isang truck sa bayan ng Caibiran sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa report ng Caibiran Municipal Police, minamaneho ng padre de pamilya na si Jimmy Agosto ang motorsiklo habang angkas ang asawa at dalawang anak, nang masalpok ito ng kasalubong na canter truck sa Sitio Taloto, Brgy. Maurang, dakong alas-6:20 ng gabi. Nabatid sa imbestigasyon, nag-overtake umano sa isa ring motorsiklo ang truck kaya nasakop nito ang linya ng…
Read More