RIZAL – Sa kulungan na bubunuin ng dalawang kabataan ang kanilang buhay makaraang mahulihan ng 23.7 gramo ng umano’y shabu sa Brgy. Darangan, sa bayan ng Binangonan sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Alfonso Saligumba, chief of police ng Binangonan MPS, ang mga suspek na sina Darius Leal y Fullantes alyas “Goods”, at John Vincent Lanara y Dela Cruz alyas “Talong”, pawang nakatira sa Brgy. Darangan. Ayon kay P/Capt. Gady Mabanto, dakong alas-11:30 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation at hindi na nakaalma pa ang mga suspek nang…
Read MoreAuthor: admin 2
MWP SA MURDER NASAKOTE SA CALOOCAN
NALAMBAT sa Caloocan City ang isang lalaking kabilang sa most wanted persons ng lungsod dahil sa kasong murder. Huli ang suspek na si Jeffey Arfon y Salcedo alyas “Bokbok”, 24, ng Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City. Natimbog ang suspek sa operasyon sa Tierra Nova, Barangay 171, Bagumbong, ng lungsod, dakong alas-11:30 ng umaga noong Enero 6. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Elvin Lobina Siosana, ng RTC Branch 128, Caloocan City dahil sa kasong murder. (ALAIN AJERO) 332
Read More2 TINEDYER, 1 PA TIKLO SA P.8-M SHABU
KALABOSO ang tatlo katao makaraang makuhanan ng halos P.8 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Caloocan City. Dakong alas-2:05 ng gabi noong Enero 6 nang dambahin sa Tala, Barangay 188, ng lungsod ang mga suspek na sina Farok Carnabal alyas “Amo”, 18, at Akim Basher y Toledo alyas “Polpol”, 18, matapos makumpiskahan ng 105 gramo ng umano’y shabu na may presyong ₱714,000, boodle money at isang asul na pouch. Dakong alas-9:40 naman ng umaga sa nasabi ring araw nang matimbog sa operasyon sa C3 Road, Barangay…
Read MoreKABILANG SA DRUG LIST, HULI SA MANDALUYONG
NATIKLO ang isang 42-anyos na kabilang sa Unified Drugs Watchlist makaraang makumpiskahan ng 21.8 gramo ng umano’y shabu sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Eastern Police District sa Mandaluyong City. Ayon sa ulat ni Eastern Police District (EPD), director, P/BGen. Wilson Asueta kay NCRPO Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo, kinilala ang nadakip na si alyas “Jorge”, 42-anyos, residente ng Brgy. Addition Hills, sa lungsod. Dakong alas-12:40 ng madaling araw makalipas ang isang linggong surveillance ng mga operatiba ng EPD, isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek…
Read More‘WALK OF FAITH’ MAPAYAPANG NAIRAOS
MAPAYAPANG nairaos ang “Walk of Faith” ng mga deboto at mananampalataya ng Itim na Nazareno na nagsimula ng bandang alas-1:35 ng madaling araw sa Quirino Grandstand sa Luneta hanggang sa simbahan ng Quiapo, Manila nitong Linggo, bisperas ng pagdiriwang. Labing-siyam na mga kalsada ang pansamantalang isinara para sa daraanan ng imahe ng Mahal na Hesus Nazareno. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office ng Manila Police District, umabot sa 247,000 miyembro ng Philippine National Police, tulad ng mga tauhan ng MPD, Northern Police District, Eastern Police…
Read More1.9K LITRONG KEROSENE, BULILYASO SA TACLOBAN
SA halip na magbakasyon, ginugol ng mga kawaning nakabase sa tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Tacloban City ang buwan ng Disyembre sa pagtugis sa mga negosyanteng pinaniniwalaang sangkot sa pandaraya sa pamahalaan. Bitbit ang Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na pirmado ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, tinungo ng mga operatiba mula sa Port of Tacloban (BOC-Tacloban) ang isang gasoline station sa Barangay Cabalawan, Tacloban City. Sa ulat na isinumite ng Enforcement Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kay Ruiz, umabot…
Read MoreDumaguete Subport, inulan ng papuri P2-B SURPLUS, NAITALA NG MALIIT NA SUBPORT
HINDI dahilan ang maliit na teritoryong sakop ng Subport of Dumaguete para mapag-iwanan pagdating sa paglikom ng pondo. Ito ang pinatunayan ng Subport of Dumaguete matapos magtala ng tumataginting na P22-bilyong pasobra sa itinakdang collection target sa nakalipas na taon. Batay sa datos ng Financial Service Office ng Bureau of Customs (BOC), pumalo sa P8.591 bilyong ang nalikom na koleksyon ng Dumaguete Subport sa nakalipas na 12 buwan – malayo sa P6.451 bilyong 2022 collection target. Sa pagtataya, lumalabas na mas mataas ng 38.76% ang aktwal na koleksyon kumpara sa…
Read MoreNATITIRANG BALIKBAYAN BOXES, NAIPAMAHAGI NA
ALINSUNOD sa direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ganap nang inihatid sa mga tahanan ng mga kaanak sa Cebu Central Luzon ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasa 254 Balikbayan boxes na natengga sa Maynila mula pa buwan ng Abril ng nakalipas na taon. Sa Cebu, umabot sa 185 Balikbayan boxes na lulan ng dalawang 20-footer container vans ang ganap nang inihatid sa Lapu-Lapu City, Cordova, Dumaguete City at Bohol, ayon mismo kay BOC-Port of Cebu acting deputy collector for operations Mario David Luminarias Jr. Aniya, karamihan ng…
Read MoreINSENTIBO, GARANTISADO SA MGA IMPORTERS NA TUTULONG – PBBM
SA hangaring pasipain ang kalakalan at tiyakin ang sapat na supply ng pagkain, isang kasunduan ang nilagdaan ng Pilipinas at karatig bansang Tsina para sa garantisadong insentibo sa mga importer na makikipagtulungan sa Bureau of Customs (BOC). Partikular na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang kanyang paglagda sa Mutual Recognition Arrangement (MRA) na naglalayong paigtingin ang Authorized Economic Operator (AEO) Program sa pagitan ng BOC at General Administration of Customs of the People’s Republic of China. Sa isang pahayag, tiniyak ng BOC na malaki ang maitutulong ng pinaigting na…
Read More