ANDREA BRILLANTES EXPLAIN TO DEATH SA ISYU NG BABY TALK

MARAMI ang naartehan sa “baby talk” ni Andrea Brillantes, bagay na hindi pinalampas ng bashers kaya dinumog ito ng puna at kutya sa social media. Kumalat kamakailan ang isang video habang bumibili sa isang tindahan sa Siargao, nagsalita ng tila paslit si Andrea kung saan kasama niya ang dyowang si Ricci Rivero. Agad nagpaliwanag ang aktres kaugnay sa kanyang viral “baby talk” video. Ayon kay Andrea, hindi niya ito sinasadya at natural na ito sa kanyang boses. Paliwanag pa ng aktres, hindi niya naranasan ang normal childhood at kulang siya…

Read More

MAGGIE WILSON KINASUHAN NG ADULTERY

KINASUHAN NG adultery o pakikiapid ang beauty queen na si Maggie Wilson at ang rumored bf nitong si Tim Connor sa Regional Trial Court noong June 30, 2022, pero ang court document nagsimulang kumalat noong July 15. Lumitaw ang mga kopya ng demanda laban sa sinasabing magkalaguyo ilang oras matapos na ipost ni Maggie sa kanyang Instagram ang video tungkol sa umano’y iligal na pagpasok ng mga opisyales ng VCDC at DMCI sa kanyang tahanan, mga kompanyang parehong pagmamay-ari ng kanyang estranged husband na si Victor Consunji. Nagulat ang ex-beauty…

Read More

BEA ALONZO GUSTO PA RIN MAGKA-DIPLOMA

MAITUTURING si Bea Alonzo na isa sa hottest female star sa showbiz ngayon. Matatag pa rin ang kanyang showbiz career at sa kasalukuyan gumagawa ng isang malaking Pinoy adaptation serye katambal ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, ang ‘Start Up.’ Masasabi ring lucky in- love si Bea sa present bf na si Dominic Roque dahilan sa all out support ang boypren sa kanyang showbiz career. Pero beyond all those years of success na tinatamasa ay may isang personal frustration pala si Bea na nais niyang tugunan. Isang pangarap…

Read More

COVID CASES SA BULACAN, TUMATAAS

covid

NANAWAGAN si Gobernador Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na magpabakuna ng booster shot bilang karagdagang proteksyon sa COVID-19 kasabay ng pagharap ng lalawigan sa tumataas na bilang ng mga positibong kaso. “Nananawagan po ako sa ating mga kalalawigan na huwag nang hintayin na lumala pa ang sitwasyon ng COVID bago tayo umaksyon. Bukas po ang ating mga vaccination sites upang makapagpa-booster tayo, at bigyan ang ating mga sarili ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19,” wika ni Fernando. Ang panawagan ay bunsod ng naitalang 660 aktibong kaso sa Bulacan noong Hulyo…

Read More

CLAIMANT NG P5-M ECSTASY LAGLAG SA PDEA, BOC

NATIMBOG ang claimant ng 2,984 pirasong ecstasy sa ikinasang controlled delivery operation sa Cebu City ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ng Bureau of Customs. Ayon sa report, nagmula ang mga ito sa bansang Netherland at idineklara bilang mga damit pambabae o women’s clothes na umabot sa P5,072,800 ang halaga. Nadiskubre ang mga droga matapos ang isinagawang physical examination ng mga taga PDEA at Customs Examiner ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kahaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA…

Read More

INFANTA VM RUANTO, 5 PA ABSWELTO SA KASO

IBINASURA ng Department of Justice – Office of the Provincial Prosecutor ang mga kasong Frustrated Murder at Attempted Murder na isinampa ni incumbent Infanta Mayor Filipinas Grace America laban kina Vice Mayor Lord Arnel (L.A.) Ruanto at sa limang iba pa. Ang kaso kaugnay ng tangkang pananambang sa alkalde ay ibinasura matapos ang mahigit tatlong buwan na pagdinig. Base sa sampung (10) pahinang resolusyon na inilabas ng panel of prosecutors na inaprubahan ni Provincial Prosecutor Rodrigo Domingo noong ika-27 ng Hunyo, 2022, pinapawalang-bisa ang mga naturang kaso laban kina Vice…

Read More

PAGLIPOL SA CPP-NPA PATAPOS NA – AFP

TIWALA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patapos na ang panliligalig ng Communist Party of the Philippine at ng kanilang armadong galamay, base sa kanilang datos, sa sunod-sunod na pagkagapi ng mga nalalabing communist terrorist group at pagsuko ng kanilang mga kasamahan. Sa ulat ni Major General Roberto S Capulong, Acting Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa AFP Headquarters, nasusupil ng kasundaluhan ang mga planong paghahasik ng terorismo ng makakaliwang hanay sa pagkakadiskubre sa taguan nila ng mga armas. Ayon…

Read More

Laban sa pulitikal na pagkakawatak-watak GRUPONG SUSUPORTA SA PANAWAGANG PAGKAKAISA NI PBBM INILUNSAD

NAGSAMA-SAMA ang grupo ng mga mambabatas, mga dati at kasalukuyang opisyal ng lokal na pamahalaan, at mga makataong grupo sa paglulunsad ng pagkilos para suportahan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pagkakaisa at tanggihan ang pulitikal na pagkakawatak-watak upang makamit ang mithiin ng pamahalaang magkaroon ng pag-unlad. Ang grupo na tinaguriang Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino ay lumantad sa publiko sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Marquee Tent, Edsa Shangri la Hotel at dinaluhan nina dating Senate President Vicente Sotto III, Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos gayundin…

Read More

NORTH CALOOCAN RESIDENTS INAYUDAHAN NI SEN. MARCOS

NAGPASALAMAT si Caloocan City Mayor Along Malapitan kay Sen. Imee Marcos sa tuloy-tuloy na pagtulong sa mga Batang Caloocan. Noong Hulyo 19, nabenipisyuhan ang mga taga North Caloocan sa programang Assistance for Individuals/Families in Crisis o AICS na naglalaan ng P3,000 cash assistance sa kwalipikadong mga residente. Magugunitang noong nakaraang linggo, pinangunahan din ng alkalde ang distribusyon ng nasabing tulong pinansyal sa mga residente ng South Caloocan. “Malaking bagay po ito sa ating mga kababayan,” ani Malapitan. (ALAIN AJERO) 435

Read More