MAGTATALAGA ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit sa 60 newly-hired immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para makatulong sa bilang ng personnel na nagsasagawa ng pangunahing inspection ng international travelers na parating at palabas sa pangunahing port ng bansa. Ayon sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, ang kabuuang 63 immigration officers ay matatapos na sa susunod na linggo sa isang buwang pagsasanay sa immigration laws, rules and procedures sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga. Sinabi pa ni Morente, ang 63 personnel ay kabilang sa 195 recently-hired BI…
Read MoreAuthor: admin 2
BOOSTERS SHOTS SA MINORS, PAGHANDAAN – GATCHALIAN
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga paaralan at mga lokal na pamahalaan na paghandaan na ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine booster shots sa mga menor de edad o ‘yung nasa 12 hanggang 17 taong gulang. Ito ay matapos aprubahan ng Department of Health ang paggamit sa Pfizer-BioNTech vaccine bilang booster dose sa naturang age group. Ayon kay Gatchalian, dagdag proteksyon ang naturang booster shots sa mga menor de edad, lalo na’t pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang ganap na pagbabalik ng face-to-face classes. Binigyang diin din ng…
Read More2 NPA NALAGAS SA SAGUPAAN SA AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL NORTE – Dalawang kasapi ng New People’s Army ang napatay ng militar sa sagupaan sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City, Metro Manila, nakasagupa ng mga tauhan ng 23rd Infantry (Masigasig) Battalion ng Army 402nd Infantry (Stingers) Brigade ang isang pulutong ng communist terrorist group sa Sitio Little Baguio, Brgy. Consorcia, Las Nieves, ng nasabing lalawigan. Napag-alaman, nagsasagawa ng routine combat patrol operation ang tropa ng 23IB na nasa ilalim ng 402Bde, na pinamumunuan ni BGen.…
Read More58 TULAK BINITBIT SA BUY-BUST
CAVITE – Umabot sa 58 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang binitbit ng mga tauhan ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-5:45 ng hapon noong Huwebes hanggang alas-5:00 kahapon ng umaga sa pitong lungsod at siyam na bayan sa Cavite. Nanguna sa listahan na may pinakamaraming hinihinalang tulak ng ilegal na droga na naaresto ang Dasmariñas City, 11; sumunod ang Lungsod ng Imus, 7; tig-anim…
Read More7 PATAY, 6 SUGATAN SA LAW ENFORCEMENT OPS
MAGUINDANAO – Pito katao ang namatay habang anim na iba pa ang nasugatan, kabilang ang isang pulis, sa isinagawang joint law enforcement operation noong Miyerkoles ng madaling araw sa bayan ng Rajah Buayan sa lalawigang ito. Ayon sa inisyal na ulat na natanggap ni PNP Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Police Director, Brig. Gen. Arthur Cabalona, isang joint law enforcement operation ang ikinasa bandang alas-4:00 ng madaling araw sa Barangay Mileb na nauwi sa engkwentro. Ayon kay BGen. Cabalona, magsisilbi ng warrant of arrest ang pinagsanib na pwersa…
Read MoreHYBRID ENERGY NG LGU: BAYARIN BAWAS NG 25%
ANGONO, Rizal — Tumataginting na 25% ang kagyat na natapyas sa singil ng Meralco sa buwanang konsumo ng munisipyo, matapos umpisahan ng lokal na pamahalaan ang paggamit ng hybrid energy sources. Sa isang kalatas, ibinida ni Municipal Administrator Alan Maniaol ang aniya’y malaking natipid ng munisipyo muna nang magkabit ng mga solar panels sa ibabaw ng bahay pamahalaan nitong nakaraang Marso. Aniya, sa mga unang buwan ng implementasyon ng hybrid energy system, pumalo agad sa P40,000 ang nabawas sa buwanang singil ng Meralco. Sa datos ng lokal na pamahalaan, lumalaro…
Read MoreHUNYO 24 IDINEKLARANG HOLIDAY SA MAYNILA
IDINEKLARA ng Malakanyang ang Hunyo 24, 2022, araw ng Biyernes bilang special non-working day sa lungsod ng Maynila. Ito’y kaugnay ng pagdiriwang sa ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod. Ang holiday declaration ay nilagdaan noong Hunyo 22 ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang kopya ay ipinalabas ng Malakanyang nitong Miyerkoles. “It is but fitting and proper that the people of the city of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with the appropriate ceremonies, subject to the public health measures of the government,” ang nakasaad…
Read MoreGINANG KALABOSO SA INVESTMENT SCAM
SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation ang isang ginang na umano’y sangkot sa investment scam makaraang arestuhin sa Kawit, Cavite. Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang suspek na si Mary Ann Tee Hernandez. Base kay Director Distor, nag-ugat ang pagdakip sa ginang dahil sa mga reklamo ng mga biktima nito sa investment scam sa pamamagitan ng pag-solicit at pagtanggap ng pera bilang investment sa kanyang “non-existent business.” Sa social media umano nakakukuha ng bibiktimahin si Hernandez na nagpapakilalang may-ari ng Frontier Freight Forwarders (Frontier), isang lehitimong negosyo na humahawak ng…
Read MoreGUANZON AYAW TANTANAN
TILA ayaw tantanan ng kanyang mga kritiko sa Kamara si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon matapos bakbakan ang kanyang panunumpa bilang kinatawan ng P3PWD party-list. Si Guanzon ay pormal na nanumpa kay Court of Appeals Justice Edwin Sorongon kahapon bilang kinatawan ng party-list organization ng mga people with disabilities (PWD) sa Kamara. Ang panunumpa ni Guanzon ay ginawa ilang oras bago ibasura ng Comelec ang tangkang pagharang ni National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema sa kanyang substitution. Sa kabila nito, kinuwestiyon ni Duterte Youth party-list Rep.…
Read More