BINATA ARESTADO SA INTERNET TAPPING, THEFT

ARESTADO sa bisa ng dalawang warrant of arrest ang isang 27-anyos na binata dahil sa kasong paglabag sa Cable Internet Tapping Act of 2013 at theft, nang matunton sa piitan ng Sta. Ana Police Station 6 sa Maynila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si John Victor Aquino, jobless, ng Onyx Street, San Andres Bukid. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jason Aguillon, commander ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-5:00 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad ang dalawang warrant of arrest sa…

Read More

FIELD MARSHAL PATAY SA HIT & RUN

PATAY ang isang 25-anyos na field marshal makaraang mabiktima ng hit and run habang lulan ng motorsiklo sa Velasquez St., Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Christian Darren Isla ng Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo. Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na driver ng closed van. Ayon sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Unit ng MDTEU, bandang alas-5:10 ng madaling araw nang masagi ng closed van ang minamanehong motorsiklo…

Read More

INA PINATAY DAHIL SA LUPA

NALAMBAT ng pulisya ng Malabon City ang isang lalaking sinasabing pumatay sa sariling ina dahil sa usapin sa lupa. Kalaboso si Donard Suan, nasa hustong gulang, nahaharap sa kasong parricide. Noong Setyembre 19, 2022, lasing na tinungo ni Suan ang ina at nagtalo ang dalawa hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima at napatay.  Magmula noon ay nagtago na ang si Suan. Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rosario Santos Carrieda ng Regional Trial Court Branch 75, Negros Occidental. (ALAIN AJERO) 224

Read More

Valenzuela, DA Pinangunahan ang Pagbubukas ng AMVA Kadiwa Store sa Barangay Ugong.

Pormal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian at ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Assistant Secretary Christine Evangelista ang Kadiwa Store ng Alyansa ng mga Mamamayan ng Valenzuela (AMVA) Multipurpose Cooperative sa Barangay Ugong noong Mayo 9, 2023. Ang Kadiwa Store ng AMVA Multipurpose Cooperative ay nabuo sa pamamagitan ng PhP 1,000,000 financial grant na ibinigay ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita program. Ito ay naglalayong magbigay ng puhunan sa iba’t-ibang mga organisasyon…

Read More

Namamayagpag sa Oriental Mindoro GEN. DORIA BULAG-BULAGAN SA BINGO NG BAYAN CUM JUETENG

BINABANTAYAN ng mga taga-Oriental Mindoro kung uubra sa hanay ng lokal na pulisya sa kanilang lalawigan ang paglilinis na gagawin ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Benjamin Acorda, Jr. laban sa mga tauhan nito na nasasangkot sa iba’t ibang kontrobersiya. Sa kanyang speech sa isinagawang Change of Command Ceremony kamakailan, nagpasalamat si Acorda kay dating PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa pagseserbisyo sa PNP at pagsisilbing inspirasyon upang mabalik ang moral at tiwala ng publiko. “Rest assured, Sir, that I will continue your advocacy in…

Read More

BANTAY BAYAN SINAGASAAN NG SINITANG RIDER

CAVITE – Sugatan ang isang 73-anyos na miyembro ng Bantay Bayan nang sagasaan ng isang motorcycle rider matapos siyang sitahin sa inilatag na Oplan Sita sa General Mariano Alvarez (GMA) nitong Linggo ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa CARSIGMA Hospital ang biktimang si Jovencio Aurelio y Rufon, biyudo, miyembro ng Bantay Bayan ng Brgy. Poblacion 1, GMA Cavite, at residente ng GMA, Cavite. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries ang driver ng isang motorsiklong KeyBlade Euro na si Reymart Tama y Narciso, 22, binata, construction worker, ng Barangay Bancal, Carmona, Cavite. Ayon…

Read More

PULIS PATAY SA PAGRESPONDE SA ROAD RAGE

QUEZON – Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin nang magresponde sa insidente ng alitan sa trapiko sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado. Sugatan din ang dalawa pang biktima kabilang ang isang bata sa nasabing insidente. Kinilala ang namatay na pulis na si Police Corporal Reniel Marin na nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Peter Paul Hospital sa Candelaria, Quezon, dakong alas-6:00 ng gabi. Ayon sa report ng Candelaria Police, ang biktima ay nagresponde sa away-trapiko na kinasasangkutan ng dalawang tricycle driver na sina Morfie Azul at Teodolo Rustia na…

Read More

LIVE-IN PARTNERS PINATAY HABANG NATUTULOG

LAGUNA – Patay ang isang magsasaka at ang live-in partner nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, habang natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. San Jose, San Pablo City, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Edgardo Dayag at Elaine Ciolo. Batay sa report ng San Pablo City Police, natutulog sa kanilang kuwarto ang mag-asawa ngunit dakong alas-9:30 ng gabi nang paulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek ang kanilang bahay. Tumagos ang mga bala sa dingding ng bahay na yari sa light materials at nasapul ang mag-asawa.…

Read More

Panawagan ng Globe: I-register agad ang inyong SIM para sa inyong proteksyon

Nakapag-paregister na ba kayo ng inyong SIM? Kung hindi pa, mag-register na, now na! Paalala sa mga Globe at TM subscriber na huwag nang hintayin ang last minute para magpa-register ng SIM. Dahil ang registered SIM, mas protektado! Bakit ika niyo? Kung registered ang SIM, maaari mo itong ipa-block kung sakaling mawala o manakaw ang inyong cell phone. Sa ganitong paraan, hindi maa-access ng mga kriminal ang personal information na nasa inyong SIM at mga account at apps na nasa inyong device. Maiiwasan niyo rin na maging biktima ng mga…

Read More