SA inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng baybaying bayan ng Binangonan, isang satellite office sa Tagpos Public Market Compound ang inilaan sa Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) kung saan maaaring mag-apply o mag-renew ng lisensya ang mga nagmamay-ari ng baril. Kabilang sa mga inaasahang makikinabang sa bagong tanggapan ng PNP-CSG ang mga pribadong indibidwal, gun clubs at security agencies na karaniwang naghahain ng bagong application para sa lisensya ng baril, permisong magmay-ari, pahintulot magdala at maging ang proseso ng renewal. Nagbahagi rin ng kaalaman ang mga opisyal…
Read MoreAuthor: admin 2
P1-M DROGA, BALA AT BARIL NASAMSAM SA 3 TULAK
ANTIPOLO CITY – HULI ang tatlong kilabot na tulak umano ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu, bala at baril sa anti-drug operation sa Antipolo City. Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A-Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala ang mga arestado na sina Roger Telan y Lopernes alyas Roger, David Angeles y Gonzales, at Andrew Malbas y Bico, kapwa residente ng Purok-4, Zone-8, Brgy. Cupang sa lungsod. Dakong alas-2:15 ng hapon noong Hunyo, nagkasa ng anti-drug operation ang…
Read MoreCOMELEC SPOX, NAGPAALAM NA RIN
HINDI na nagawang palawigin ng higit pa sa isang buwan ang panunungkulan ni Commission on Elections (Comelec) acting spokesman John Rex Laudiangco bilang tagapagsalita ng poll body makaraang ma-bypass ng Commission on Appointments (CA) ang mga opisyal na nagtalaga sa kanya sa pwesto. Ani Laudiangco, yaman din lamang hindi nakumpirma si Chairman Saidamen Pangarungan na nagtalaga sa kanya at si Commissioner George Garcia kung saan siya nag-uulat at nakikipag-ugnayan bilang bahagi ng kanyang trabaho, angkop lamang aniyang bumaba na rin siya sa pwesto. Bukod kina Pangarungan at Garcia, kabilang din…
Read MorePOSPORO, LIGHTER BAWAL NA SA MRT-3
SA hangaring tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero, mahigpit na ipatutupad ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 ang pagbabawal na magdala ng posporo at lighter sa kanilang mga istasyon at maging sa mga bagon ng tren habang bumibiyahe patungo sa kani-kanilang destinasyon. Sa kalatas ng MRT-3, alinsunod anila ang naturang reglamento sa direktiba ng Office for Transportation Security na siguruhing istriktong ipinatutupad ang security plan ng transport operators sa bansa matapos ang magkakasunod na pambobomba sa Mindanao. Ipinatutupad na rin ang masusing pagsusuri ng bagahe, inspeksyon at pagsamsam ng mga…
Read MoreTWEET NG JOURNALIST PINALAGAN NG SOLON
TINULIGSA ni Kusug Tausug Representative Shernee Tan-Tambut ang investigative journalist na si Raissa Robles sa kanyang Twitter post kaugnay sa plano ni Cebu Mayor Christina Garcia-Frasco na nakatakdang maupo bilang Kalihim ng Turismo. Sa kanyang bukas na liham sa Facebook, labis na nagpahayag ng pagkadismaya si Rep. Tan-Tambut sa tinuran ni Robles sa kanyang Twitter account na naisapubliko noong Hunyo 2 kaugnay sa plano ni Mayor Frasco na maging isa ring sentro ng turismo ang Mindanao. Ayon kay Tan-Tambut, nagulat siya sa sarkastikong pahayag ni Robles na dadami lamang ang…
Read MoreTAUMBAYAN TALO SA ‘DI NAIPASANG REPORT SA PHARMALLY INVESTIGATION
NANINDIGAN si Senador Richard Gordon na ang taumbayan ang lugi o talo sa kabiguan ng Senado na maipasa ang committee report hinggil sa imbestigasyon sa umano’y anomalya sa transaksyon ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. Aminado si Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na dismayado siya na ilan sa mga senador ang tumangging lumagda sa kanilang report bunsod ng pagkakadawit ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Puwede nilang sabihin, ‘I dissent,’ ‘I disagree,’ o ‘I will interpellate’ dahil dadalhin ‘yan sa plenary ‘pag pumasa para pag-usapan,” pahayag ni Gordon. “Tapos sasabihin…
Read MoreGuilty sa graft case NBN-ZTE DEAL WHISTLEBLOWER SUMUKO SA NBI
KUSANG-LOOB na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si NBN-ZTE deal whistleblower Rodolfo “Jun” Lozada at ang kanyang kapatid kaugnay ng hatol na guilty ng Korte Suprema sa kasong graft. Nabatid sa NBI, matapos maglabas ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban kay Lozada at sa kapatid nitong si Jose Orlando, ay sumuko sila noong Huwebes. Napag-alaman, makaraang pagtibayin ng Supreme Court ang hatol na guilty sa magkapatid na Lozada sa kasong graft, ang dalawa ay makukulong ng mula anim hanggang 10 taon. Partikular ito sa pag-award ni Lozada sa kanyang kapatid…
Read MoreTumangay sa ayuda ng tindero 6 CALOOCAN KOTONG COPS IPINASISIBAK
PAGSIBAK sa serbisyo ang naging rekomendasyon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa anim na kasapi ng Caloocan Police na sinasabing tumangay ng P14,000 cash ng isang tindero noong Marso, iniulat nitong Biyernes. Nabatid kay IAS chief, Atty. Alfegar Triambulo, ang nasabing rekomendasyon ay ipinadala na noong Martes sa Directorate for Personnel and Records Management-Discipline, Law, and Order Division. Ang mga dawit na pulis ay sina Police Corporals Noel Espejo Sison, Rommel Toribio, Ryan Sammy Gomez Mateo, Jake Barcenilla Rosima, Mark Christian Abarca Cabanilla, at Daryl Calija Sablay ng…
Read MoreSalpukan ng barko sa Palawan KASO KONTRA TRIPULANTE, BARKO EMBARGO MUNA
HINDI muna pinahihintulutan ng pamahalaan na maglayag sa karagatan ang isang barkong sangkot sa isang malagim na insidente sa karagatang sakop ng bayan ng Agutaya sa lalawigan ng Palawan nito lamang nakaraang Sabado. Ayon kay Philippine Coast Guard Admiral Artemio Abu, nakapaghain na rin ng asuntong “reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple injuries and damage to property ang kanyang tanggapan sa Antique Prosecutors Office laban sa mga kapitan at tatlong tripulante ng barkong MV Happy Hiro. Aniya, pitong kataong lulan ng nasabing bangkang pangisda ang hindi pa rin natatagpuan…
Read More