ACCOMPLISHMENTS SA US VISIT NI PBBM IBINIDA NI ROMUALDEZ

BUKOD sa milyon-milyong dolyar na investment pledges at libo-libong trabaho na mag-aantay sa mga Pilipino, natugunan din ang problema sa external security ng bansa sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay US Pres. Joe Biden, ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. “The president has accomplished so many things in just a very short time,”  ayon kay Speaker Romualdez. Aniya, “milyon-milyong dolyar ang asahan natin na investments, na pangako ni Pres. Biden”. “Bukod pa riyan yung libo-libong trabaho na available partikular sa ating mga seaman sa mga US…

Read More

E-AUDIT PLANO NG COA SA PAGLABAN SA MGA ANOMALYA

NAIS ng Commission on Audit (COA) na gawin nang digital ang proseso ng pag-audit nito sa susunod na pitong taon. Ito ang sentro ng mga natalakay sa ginanap na planning conference ng COA kamakailan na pinangunahan ni Chairperson Gamaliel Cordoba at nilahukan ng nasa 140 senior COA officials. Nabatid sa nasabing pagtitipon, ibinahagi ni Cordoba ang kanyang 10-point agenda para maisulong ang pagsasa-digital ng pag-audit ng gobyerno. Kabilang dito ang pagbuo ng government accounting system na nakasusunod sa international standards, paggamit ng e-audit, at pagpapabuti pa ng audit techniques. Samantala,…

Read More

PH-UK TRADE PARTNERSHIP PALALAKASIN NI PBBM

PALALAKASIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang economic relations at trade partnership sa pagitan ng Manila at London. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), makikipagpulong si Pangulong Marcos kay British Prime Minister Rishi Sunak matapos ang “hectic” subalit mabunga na five-day official visit ng Chief Executive sa Washington, DC. Sinabi ng PCO na inimbitahan si Pangulong Marcos sa London para sa Grand Coronation ni King Charles III ng Britanya, na gagawin ngayong Sabado, Mayo 6, ayon kay UK Ambassador Laura Beaufils. “Makikipagkita ako sa kanilang bagong Prime Minister, Prime…

Read More

‘STRONGER ALLIANCES’ SA MAS MARAMING BANSA INAASINTA NI PBBM

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na bumuo ng “stronger alliances” at patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang bansa para lutasin ang tumitinding tensyon sa Taiwan. Sa isang kumperensya na ang host ay ang Center for Strategic and International Studies sa Washington, DC, ipinaliwanag ng Pangulo na, “Patuloy ang pagpatibay natin ng ating pagsasama at pagpa-partner dito… iba’t ibang bansa na hindi lamang ‘yung mga nakapaligid sa Pilipinas. Hindi lamang ang ating karatig bansa kung hindi pati na ang mga bansa na dati hindi naman natin nakakausap…

Read More

7 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA NORTHERN SAMAR

MAKARAANG walang kumuhang mga kaanak, inilibing na ng mga awtoridad ang labi ng apat sa pitong napaslang na sinasabing mga miyembro ng News People’s Army matapos ang engkwentro noong Abril 30 sa Barangay Santander, Bobon, Northern Samar. Noong Huwebes ay binigyan ng disenteng libing mga tauhan ng military at Bobon PNP ang napatay na mga NPA sa Bobon public cemetery. Subalit ilang residente ang sinabayan ng rally ang libing at kinokondena ang umano ay patuloy na paghahasik ng takot ng mga NPA sa kanilang lugar. Matatandaan na pitong rebelde ang napatay sa…

Read More

MAG-ASAWA KAPWA PATAY SA AWAY SA PERA

CAVITE – Kapwa namatay ang mag-live-in partner nang pagsasaksakin ng lalaki ang ginang saka nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na magtalo dahil sa problema sa pera sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Parehong isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mag-live-in partner na sina Te lmo Notaryo y Mojica, 51, at Michele Amulong y Panganiban, 47, kapwa residente ng Brgy. Palangue Central, Naic, Cavite subalit kapwa idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni Corporal Robinson Tercia ng Naic Police Station, dakong alas-5:00 ng umaga nang…

Read More

LALAKI ITINUMBA SA ONSEHAN SA DROGA?

DEAD on the spot ang isang 42-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa Quiapo, Manila noong Huwebes. Kinilala ang biktimang si Muhamud Ibrahim Macud, may asawa, jobless, ng Arlegui Street, Quiapo. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-7:55 ng gabi nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Norzagaray at Linao Streets sakop ng Barangay 384, Quiapo. Agad na kinordon ang lugar ng mga tauhan ni Mupas, bago ipinagbigay alam sa tanggapan ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD-…

Read More

MASTERMIND, 3 PA TIMBOG SA ‘PLANADONG HOLDAP’

SA tulong ng mamamayan, nabuslo ang apat na indibidwal, kabilang ang isang babae na umano’y mastermind, sa panghoholdap sa panulukan ng Andalucia at Malabon St., Sta. Cruz, Manila. Nauna rito, patuloy ang 24/7 ‘sincere police presence’ ng mga tauhan ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, kabilang si Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez PCP. Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad na may inilatag na “planadong” krimen ang mga suspek sa naturang lugar. Bunsod nito, agad na kumilos ang mga tauhan ng PCP katuwang ang…

Read More

WANTED PERSON NABINGWIT SA CAVITE

NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang most wanted person habang nagtatago sa Cavite City. Kinilala ang suspek na si Rodolfo Onaro Jr., wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rexson Layug, commander ng MPD-Meisic Police Station 11, bandang alas-2:50 ng hapon nang mamataan ang suspek sa Summerfield Subdivision, Trece Martires City, Cavite. Sa bisa ng warrant of arrest, binitbit ng mga tauhan ni Layug, kasama si Patrolman Dela Cruz ng Regional Mobile Force…

Read More