TIMBOG sa drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Labo MPS at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit ang isang regional recalibrated data base on illegal drugs high value individual sa P-3, Brgy. Gumamela, Labo, Camarines Norte.
Ayon sa report mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, kinilala ang arestado na si Ma. Laura Salvador y Valeros 46, residente ng Brgy. 1, Daet, Camarines Norte.
Nakumpiska ng mga operatiba mula sa suspek ang 11.4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P77,500 ang street value.
“Ang laban sa droga ay laban ng komunidad at ang PNP Bicol at kaisa ang bawat Bicolano upang tuldukan at tapusin na ang suliraning ito na isang patunay na hadlang sa pagkamit ng isang maunlad at mapayapang lipunan,” ayon kay P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, PNP-PRO5. (JESSE KABEL)
103