CAVITE – Matapos akuin ng isang guardian ang responsibilidad sa pangangalaga sa isang taong gulang na baby girl, pinabayaan nito na nagresulta sa pagkamatay ng paslit sa Imus City sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 6, Paragraph 3 at 4 ng RA 7619 (Negligence) ang suspek na si alias “Ellaine”, guardian ng biktima, dahil sa kapabayaan sa pag-aaruga sa paslit sa kanilang bahay sa Green State Subd., Brgy. Malagasang 1F, Imus City, Cavite Ayon sa ulat ni P/SSgt. Anthony Macario ng Imus City Police, dakong ala-1:30…
Read MoreAuthor: admin 2
RIDER NASUNOG NANG MASAGASAAN NG CARGO TRUCK
BATANGAS – Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang motorcycle rider matapos na masagasaan ng isang 14-wheeler cargo truck sa National Road, sa Brgy. Poblacion 1, sa bayan ng San Jose sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Marlon Derama, 35-anyos, residente ng Brgy. Namuco, Rosario, Batangas. Ayon sa report ng San Jose Police, dakong alas-5:45 ng hapon nang mabanggga ng Isuzu Giga cargo truck na minamaneho ni Basilio Fabro, taga Peñaranda, Nueva Ecija, ang motorsiklo ng biktima. Nawalan umano ng preno ang truck na kargado ng mahigit…
Read MoreTaliwas rin sa aral ng Panginoon K-10 CURRICULUM NG DEPED LABAG SA SALIGANG BATAS
PARA sa isang kongresistang higit na kilala sa larangan ng pananampalataya, hindi lamang ang umiiral na 1987 Constitution ang nilalabag ng K-10 Basic Education Curriculum na binalangkas ng Department of Education (DepEd) – kundi maging ang aral ng Panginoon. Partikular na binatikos ni CIBAC partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva ang ‘gender fluidity, same sex union at same sex marriage’ na nakapaloob sa narepasong sipili ng K-10 Basic Education Curriculum ng DepEd. “We are shocked to discover that the promotion of gender ideology, same sex union and same-sex marriage is slowly…
Read MoreRETIRADONG ARABO TIMBOG SA RAPE
KATAKAWAN sa laman ang naging hudyat sa mahabang panahon ng pagtatago ng isang banyagang wanted sa patong-patong na kasong rape. Kinilala ang suspek na si Abdulrahman Alderaan, isang Arabong nagpakilalang retiradong empleyado ng gobyerno sa bansang Saudi Arabia. Sa ulat ng Manila Police District (MPD), dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 33 ang Arabong target ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya. Sa ipinamalas na dulas ng suspek sa batas, kinailangan pa magpanggap na saleslady sa hindi tinukoy na…
Read MoreBABY GIRL PATAY SA RAPE?
CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite police ang pagkamatay ng isang taong gulang na baby girl na hinihinalang namatay dahil sa pang-aabuso sa Imus City nitong Lunes ng madaling araw. Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Imus ang biktimang natuklasang may dugo sa kanyang ari. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Anthony Macario ng Imus City Police, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang isugod sa ospital ang biktima dahil umano sa pang-aabuso subalit hindi umabot nang buhay. Nakitaan ng pagdurugo ang ari ng biktima kaya inaalam kung ginahasa ito. Ayon…
Read MoreRIDER TODAS SA MINI BUS
CAVITE – Patay ang isang motorcycle rider nang banggain ng isang mini bus habang papatawid sa isang intersection sa bayan ng Kawit, sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Alvin General Ferrarin, nasa hustong edad, habang kinilala ang driver ng Isuzu RB mini bus na may plakang DWY 476, na si Michael Aplacador, nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Nelvin Trajico ng Kawit Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Rusi habang binabagtas ang Centennial Highway dakong alas-5:20 kamakalawa ng…
Read MoreDATING SANGKOT SA DROGA ITINUMBA NG TANDEM
LUCENA CITY – Patay ang isang lalaking dating nakulong dahil sa illegal drugs, matapos na pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa noong Linggo ng gabi. Nalagutan ng hininga habang nakaupo sa minamanehong tricycle ang biktimang si Randy Arguiñoso Baldonado, 33, residente ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City. Batay sa report, dakong alas-11:45 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle sa Old Maharlika Highway patungong Lucena City proper nang habulin ito ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Pagtapat sa biktima ay pinagbabaril ito ng backrider. Mabilis ding tumakas ang mga suspek matapos…
Read MorePULIS NA-HEAT STROKE SA DUTY, PATAY
CAVITE – Pinaniniwalaang namatay dahil sa heat stroke ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang makaramdam ng hirap sa paghinga habang nagpapatrulya sa Trece Martires City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si P/SMsgt. Joselito Alegre Amparo, 45, may asawa, ng Trece Martires City, at Patrol member ng Trece Martires City Police Station. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Frisian Marie Navarro ng Trece Martires City Police, nagpapatrulya ang biktima kasama si PSMSgt. Joseito Amparo sa kahabaan ng Conchu Hugo Perez Road ng nasabing lungsod nang makaramdam umano ito ng…
Read MoreWalang kadala-dala NAIA SAPOL MULI NG POWER OUTAGE
MULING binatikos ni Senate committee on public services chairperson Grace Poe ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport na anya’y tila walang natututunan sa mga nakalipas na aberya sa paliparan kasunod ng power outage nitong Labor Day. Sinabi ni Poe na ang panibagong insidente ay bunsod ng hindi maayos na sistema sa paliparan kayat libu-libo ang naaberya. Ang kawalan anya ng air conditioners sa ilang bahagi ng paliparan ay hindi lamang inconvenient sa mga pasahero kundi nagbibigay rin ng negatibong epekto sa kalusugan. Hindi anya katanggap-tanggap na tuwing may brownout,…
Read More