GROUNDWORK SA US VISIT NI PBBM INILATAG NI ROMUALDEZ

INILATAG ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang groundwork para sa makasaysayang pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ngayong weekend sa United States (US) para makipagpulong kay Pangulong Joe Biden at iba pang opisyal ng naturang bansa. Ilang araw bago ang pagbisita ni Pangulong Marcos, nagsimula ang Speaker ng dalawang linggong paglalakbay sa US upang makipagpulong sa mga mambabatas ng Amerika at talakayin ang kooperasyon sa depensa at seguridad at economic partnership sa pagitan ng Pilipinas at US. “I think the conditions are right for the meeting…

Read More

PANININGIL NG VENDORS NG SIM SA REGISTRATION NO PROBLEM SA DICT

WALANG nakikitang problema ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kung maningil man ang mga retail vendor sa SIM card users sa paggamit ng internet para irehistro ang kanilang SIM card. Napaulat kasi na may retail vendors ang naniningil ng P20 at P50 para sa paggamit ng “internet” ng mga bagong user para iparehistro ang  kanilang SIM card. Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na walang paglabag sa batas sa bagay na ito. “Well, actually it’s a private transaction between the SIM card holder and the, and the…

Read More

BARKO AT YATE BANTAY-SARADO SA REGION VII

SA hangaring tiyakin na walang makakalusot na kontrabando, sumipa na ang mahigpit na pagbabantay sa galaw ng mga foreign-registered vessel at pleasure yacht na naglalayag sa karagatang sakop ng Central Visayas Region. Katuwang ang Bureau of Customs (BOC), puspusang tututukan ng Maritime Industry Authority (MARINA) regional office ang paglalayag ng lahat ng uri ng sasakyang-dagat sa naturang rehiyon. Sa isang pulong, nagkasundo rin ang mga opis­yales ng dalawang nabanggit na ahensya na pabilisin ang documentation process ng mga ocean-sailing vessel at mga luxury yacht sa pagpasok sa mga karagatan sa…

Read More

MABILIS NA PROSESO SA AIR CARGO TINIYAK

PERSONAL na bumisita kamakailan ang mga opis­yales ng Embahada ng bansang China sa tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa hangaring magbahagi ng kaalaman at tulong para sa mas mabilis na kalakalan. Sa isang pulong sa pagitan ni BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan, Consul Wang Minhao at Cao Kaiwen ng Chinese Embassy, tinalakay ang pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa sa pagproseso ng air cargo shipments na lumalapag sa naturang paliparan mula sa China. Pag-amin ni Talusan, malaking hamon para sa kanyang distrito ang…

Read More

KALAKALAN PH-US, MAS PALALAKASIN

MAS malusog na kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ang sini­guro ng Bureau of Customs (BOC) sa bisa ng isang kasunduang nagsusulong ng mga bagong estratehiyang magbibigay-daan sa makabagong kawanihan. Sa pagbisita kamakailan ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson sa tanggapan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio sa Maynila, pinaksa ng dalawang opisyal ang pagbalangkas ng plano para sa mas maunlad na import-export trade relationship sa pagitan ng magkaalyadong bansa. Pasok din sa mga pinag-usapan ng dalawang opisyal ang Export Control and Related Border Security (EXBS) program…

Read More

48 IMPORTER, 19 BROKER ETSAPUWERA NA SA BOC

Ni JOEL O. AMONGO SA hangaring tiyakin ang maayos na pamamalakad sa kalakalang pinangangasiwaan ng Bureau of Customs (BOC), tuluyan nang nilaglag ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang nasa 48 importers bunsod ng kabi-kabilang bulilyaso. Bukod sa 48 importers, tablado na rin aniya ang 19 licensed customs brokers na pinaniniwalaang kasapakat sa indulto ng mga kum­panyang tinanggalan ng accreditation. Paliwanag ni Rubio, patong-patong na paglabag ng mga hindi pinangalanang importers sa umiiral na batas at reglamento ng kawanihan ang nagtulak sa BOC para tuluyang alisan ng accreditation ang mga naturang…

Read More

SABAYANG PAGKILOS KONTRA SMUGGLERS

Ni JOEL O. AMONGO GANAP nang nagsanib-pwersa ang mga pangunahing ahensya ng pamahalaan sa layuning tapusin na ang maliligayang araw ng mga sindikato at mga kasapakat sa gobyerno. Sa isang iglap, nabulabog ang mga smuggler matapos lumagda sa kasunduan ang National Security Council (NSC), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) para sa saba­yang pagtugis, pagsasampa ng kaso hanggang sa paglabas ng hatol ng husgado. Ang totoo, marami nang nagtangkang puksain ang illegal smuggling sa bansa. Kung ilang dekada na, wala akong…

Read More

Sa tangkang salvage sa pedicab driver 4 PULIS-QUEZON GUILTY SA ATTEMPTED MURDER

QUEZON – Hinatulan bilang ‘guilty’ ang apat na mga pulis na bumaril at nagtangkang pumatay sa isang pedicab driver noong Nobyembre 2018. Ayon sa ibinabang desisyon nitong Martes ni Judge Michael Vito ng Gumaca Regional Trial Court Branch 172, isinasaad na ‘guilty sa kasong  attempted murder ang mga akusadong sina PO2 Jhaymar Espedido, SPO4 Wilson Villegas, SPO3 Noel Malabayabas at SPO2 Bryan Nobo. Ang apat ay pawang hinatulan ng pagkabilanggo ng mula lima hanggang 10 taon. Batay sa record, ang biktimang pedicab driver na si Roger Herrero ay dinukot ng apat na kalalakihan…

Read More

KOLEKSYON SA YOSI TINANGAY NG HOLDAPER

CAVITE – Tinatayang P104,000 cash na mula sa koleksiyon ng bayad sa sigarilyo, ang natangay ng dalawang hinihinalang holdaper sa Imus City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga suspek sa gallery ng wanted persons, na sina Joshua Zamora y Trinidad at BJ Camaisa, kapwa residente ng Brgy. Anabu 2F, Imus City. Ayon sa salaysay nina Zaldy Jacob, 46, sales agent, at Erajel Tano, 38, driver ng JMetric Enterprises Corp., kay P/SSgt. Anthony Macario ng Bacoor City Police, sakay sila ng delivery truck na may plakang XMU 470, at nagparada sa Brgy. Pasong Buaya…

Read More