P7.2-M shabu nasamsam 6 TULAK LAGLAG SA PNP-PRO5

kulong

TINATAYANG umabot sa P7,243,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska makaraang madakip ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkakahiwalay na anti-narcotics operation katuwang ang PDEA ROV. Ayon sa ulat na isinumite sa Bicol PNP chief, dalawang umano’y drug pusher ang nahulihan ng 100 gramo ng shabu matapos na bentahan ang isang pulis na umaktong poseur buyer. Kinilala ang mga suspek na sina Hiroji Tesorero y Clarion, 39, at Froilan Teves y Tud, 41-anyos. Bukod sa…

Read More

NPA REVOLUTIONARY TAX COLLECTOR, SUMUKO

UNTI-UNTI nang nanunumbalik ang tiwala ng mga kasapi ng rebeldeng NPA sa gobyerno at patunay rito ang kanilang sunod-sunod na pagbabalik-loob. Sa probinsya ng Masbate, isa na namang miyembro ng rebeldeng samahan ang piniling muling tahakin ang maayos, marangal at tahimik na pamumuhay. Sumuko sa pinagsamang mga operatiba ng Pio V. Corpus MPS; PIU at 2nd PMFC ng Masbate PPO; PIT-RIU5, at IOS FIID PNP-SAF ang isang rebeldeng itinago sa pangalang “Marita”. Siya ay aktibong miyembro ng Larangan 2, Komite ng Probinsya 4 sa ilalim ng COMPROB ng Rogelio Suson…

Read More

PUBLIKO HINIKAYAT LUMAPIT SA MALASAKIT CENTERS

NAGSAGAWA ng relief operation ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa low-income families sa Guagua, Pampanga, na nahaharap sa problemang pinansiyal dahil sa kasalukuyang global health crisis. Sa isang video message, hinikayat din ni Go, na siyang chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang publiko na gawing pangunahing prayoridad ang kanilang kalusugan. Hinimok niya ang mga ito na bisitahin ang alinman sa dalawang Malasakit Centers sa kanilang lalawigan, na matatagpuan sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City, at Rafael Lazatin Memorial Medical Center…

Read More

ACT CIS, MAINIT NA SINALUBONG NG MGA BICOLANO

MAINIT na tinanggap ng mga taga-Sorsogon City ang ACT-CIS Partylist sa isang motorcade noong isang araw. Kasama ang ACT-CIS sa motorcade ng UniTeam na dinaluhan ni dating Senador Bongbong Marcos at ilan sa kanilang senatorial line-up. Agad naman nagpasalamat si ACT-CIS nominee Edvic Yap, sa mainit na pagtanggap at pagsalubong sa kanilang grupo ng mga “Uragon” o taga-Sorsogon. Ani Yap, Hindi namin inakala na magsisigawan ang mga tao na madadaanan namin sa kalsada kapag kumakaway ang kasama naming si  Erwin Tulfo. Ang nasabing motorcade ay tumagal din ng kalahating oras…

Read More

5 TULAK TIKLO SA P.3-M SHABU

LIMANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado makaraang makumpiskahan ng P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Valenzuela City. Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 nang madaling araw nang damputin sa Bohol St., North Ville 1, Brgy. Bignay ang mga suspek na sina Mark Dominic Borcelis, 30, at Gigi Borja, 47, at nakumpiskahan ng P47,600 halaga ng shabu. Habang dakong alas-5:00 ng umaga nang isagawa ang operasyon sa Jacinto St., Brgy. Canumay West matapos ingusong nagtutulak ng shabu si Wilter Abainza, 43, ng Northville 2-A…

Read More

3 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA TONDO

DALAWANG lalaki na nasa drug watch list ng pulisya, ang binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District-Station Drug Enforcement Team (SDET) noong Biyernes ng hapon sa Tondo, Manila. Kinilala ang mga suspek na sina Felix Amahan Jr., 52, vendor, at Allan Velilla, 42. helper, at kapwa residente sa Barrio Menu St., Dagupan, Tondo. Samantala, timbog din ang sinasabing parukyano ng ilegal na droga na si Mark Lopez, 30-anyos, construction worker, ng Quiricada St., Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD-Station 2, bandang…

Read More

TOP 4 MOST WANTED SA RAPE ARESTADO

ARESTADO ang isang 26-anyos na helper na may kasong rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest, sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya. Ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 266 A, par. 1 (a) ng Revised Penal Code na inamiyendahan sa Republic Act 8353, ay kinilalang si Rico Balagos y Marfil, stay-in helper sa Barangay 2, Zone 1, Tondo. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, bandang alas-5:30 ng hapon…

Read More

KULANG NA AYUDA NG DSWD SASAGUTIN NG NAVOTAS

NANGAKO ang pamahalaang lungsod ng Navotas na babalikatin ang P3,000 kakulangan ng Department of Social Welfare and Development para sa 4,820 kwalipikadong family-beneficiaries ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program 2nd tranche. Ito ay bahagi ng serye ng pandemic recovery programs na inilinya ng pamahalaang lungsod para sa Navoteños. Kaugnay nito, umabot sa 673 ang naging mga unang benepisyaryo ng P1,000 tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng Navo-Ahon Ayuda program. Kasamang nabiyayaan ang 38 naghahanap ng trabaho na nagtapos ng pag-aaral mula 2020 hanggang 2021; 339 displaced workers;…

Read More

BBM LABIS ANG TUWA SA MAINIT NA PAGTANGGAP SA UNITEAM NG MGA BICOLANO

bbm

LABIS-LABIS ang pasasalamat at paghanga ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga Bicolano sa mainit nilang pagsalubong sa pagbisita ng BBM-Sara UniTeam sa Sorsogon noong Biyernes. Ang buong Sorsogon City Capitol compound ay nagkulay pula at berde nang dumagsa ang libu-libong supporters ng UniTeam. “Napakataas ng araw at napakainit ng panahon pero ‘yung salubong pala na ibibigay n’yo sa akin ay mas mainit pa. Alam ko po na marami sa inyo ang maaga pa kaninang nandito. Nagtiyagang nakatayo sa ilalim ng araw, pero hindi…

Read More