PINURI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang China Customs dahil sa pagkakasabat ng packages na naglalaman ng kontrabandong droga na ibibiyahe sana papasok sa Pilipinas. Ayon kay PDEA Director General Wilkins M. Villanueva, ang Shenzhen Customs ay nagbigay ng impormasyon kaugnay sa drug trafficking sa PDEA International Cooperation and Foreign Affairs Service-Foreign Investigation and Intelligence Division (ICFAS-FIID) na nagresulta ng matagumpay na pagkakasabat ng ilegal na droga sa ikinasang controlled delivery operations. “PDEA promptly organised a controlled delivery team to thwart the smuggling attempt of the packages carrying illegal…
Read MoreAuthor: admin 2
AQUA SANTA BIBIDA SA MAYNILA
MATAPOS ang isang taon, nagbalik ang pinananabikang kakaibang Kapaskuhan sa isa sa mga pinakatampok na pasyalan sa lungsod ng Maynila – ang Ocean Park sa baybaying bahagi ng Manila Bay. Sa temang Aqua Santa in Water Wonderland, muling bibida si Santa Claus na simbolo ng kapaskuhan sa mata ng mga bata, subalit hindi sa anyong nakagawian kundi bilang isang Scuba Santa Claus sa natatanging ocean park sa pusod ng lungsod. Pagtitiyak ng pamunuan ng Manila Ocean Park, kalakip ng pagbabalik ni Scuba Santa Claus ay ang isang ligtas na pasilidad…
Read MoreBONGBONG, SARA KAPIT-BISIG SA PAGTULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG ‘ODETTE’
Pinakilos nila dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanilang mga volunteers upang makatuwang sa pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Odette. Ang BBM-Sara UniTeam volunteers ay naghanda ng mga relief pack na naglalaman ng 5kgs ng bigas, ibat-ibang delata tulad ng sardines, corned beef, meatloaf, gatas, at mga kape. “Ready na yung mga relief goods na ipamimigay namin, mayroon tayong bigas, grocery packs para sa mga nasalanta ng bagyo, nakaalerto na ang mga volunteers ng BBM-Sara…
Read MoreMAGSASAKA PABORAN HINDI IMPORTERS – SOLON
MULING hinimok ni Magsasaka Party-list (MPL) Rep. Argel Joseph Cabatbat ang mga ahensya ng gobyerno na paigtingin ang kampanya laban sa mga smuggled na produktong pang-agrikultura. Tanong ng mambabatas: mas pinahahalagahan ba ang mga importer kaysa sa mga magbubukid ng Pilipinas na luging-lugi na? Nitong Martes, ginisa sa Senado ang mga kinatawan ng Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry at Bureau of Customs (BoC) dahil sa patuloy na pagpupuslit sa bansa ng gulay, Korean strawberries at iba pang produkto. Duda ni Senador Ping Lacson, may sabwatan ang mga tauhan…
Read MoreSIARGAO UNANG HINAMBALOS NG BAGYONG ODETTE
NAGING ganap na super typhoon ang Bagyong Odette bago tumama sa Siargao Island bandang ala-1:20 ng hapon ng Huwebes. Sumentro sa nasabing isla ang bagyo at napanatili ang lakas na 185 kph at may pagbugsong 230 kph. Kasunod nito, itinaas ang signal number four (4) sa Southern Leyte, eastern portion ng Bohol, Dinagat Island, Surigao del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands. Ayon sa PAGASA, patuloy na kikilos sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran o Kanluran ang bagyo. Posible rin itong mag-landfall sa Dinagat Islands bago tahakin ang ilang…
Read MoreUMPUKAN BINATO NG GRANADA
APAT katao ang naitalang sugatan makaraang hagisan ng granada ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang tumpukan ng mga kalalakihan sa bayan ng Matalam sa lalawigan ng North Cotabato. Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktimang kinilala ni Matalam chief of police Major Junrel Amotan na sina Elizabeth Wahing, Florencio Wahing, 10-anyos na batang lalaki at isa pang hindi tinukoy sa ulat ng pulisya. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nahagip pa ng CCTV ang malagim na insidenteng naganap sa harap ng tindahan sa Purok Uno, Barangay Kilada…
Read MoreLOOSE FIREARMS, PAGS PRAYORIDAD NG PNP-PRO5
HABANG papalapit ang May 9, 2022 local and national elections, mas pinaigting ng PNP-PRO5 ang kampanya kontra loose firearms at private armed groups (PAGs). Ito ay upang tiyakin ang matapat, ligtas, maayos at malayang pagpili at pagboto ng publiko sa kandidatong kanilang napupusuan bilang mga lider. Maaga pa lang ay inalerto na ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, RD, PRO5, ang buong hanay ng pulisya ng Bicol upang patuloy na subaybayan ang sitwasyon at maagapan ang ano mang insidente na maaaring maganap sa nalalapit na pagsisimula ng kampanya bago ang araw…
Read MoreSa mga hindi pa bakunado VIRTUAL SIMBANG GABI MUNA
HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na dumalo na lang sa virtual Simbang Gabi o traditional early morning mass. “Sa mga hindi pa po bakunado, mas mainam po na mag-attend na lang po ng online or virtual Simbang Gabi. Mas mainam po, magpabakuna na po tayo. Ingat po ang lahat,” ayon kay Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Bilang general rule para sa pagdalo sa pre-dawn mass, hinikayat ni Nograles ang church-goers na patuloy na sundin ang minimum public health standards (MPHS). “Mag-mask po, hugas, iwas…
Read MorePROTOCOLS NASUNOD SA DAY 1 NG SIMBANG GABI
WALANG naitalang aberya sa unang araw ng tradisyunal na Misa de Gallo sa National Capital Region, batay sa ulat ng pulisya. Sa isang pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO), naging maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng misang dinaluhan ng hindi bababa sa 60,000 katao sa mahigit 300 simbahan sa 17 lokalidad ng nasabing rehiyon. Ayon kay Lieutenant Colonel Jenny Tecson na tumatayong tagapagsalita ng NCRPO, nasunod ang itinakdang panuntunan ng Inter Agency Task Force kaugnay ng venue capacity sa mga bahay dalanginan, ayon mismo sa ulat ng 3,000…
Read More