PANUKALANG PONDO NG SENADO SA SUSUNOD NA TAON, BUMABA NG HALOS KALAHATI

HALOS 50 porsyento ang ibinaba ng budget ng Senado para sa susunod na taon kumpara sa pondo nilang ngayong 2025. Ang pondo ngayong 2025 ng Senado ay umaabot sa P13.93 billion habang para sa susunod na taon ay ipinapanukala ito sa P7.52 billion. Sa pagtalakay sa panukalang pondo sa Senado, sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. na ang orihinal na hiniling ng Senado na pondo para sa susunod na taon ay P9.67 billion subalit binawasan ito ng DBM ng P2.1 billion. Tiniyak naman ni Senate Committee on Finance chairman…

Read More

‘BIYAHENG ARANGKADA’ IPATUTUPAD SA UNDAS

MULING isinaaktibo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang “Biyaheng Arangkada” Motorists Assistance Program nito para matiyak ang ligtas at maginhawang paglalakbay sa darating na Undas. Sa inaasahang pagtaas ng trapiko sa NLEX, SCTEX, NLEX Connector, CALAX, CAVITEX, at CCLEX, ang MPTC ay paiigtingin ang mga operasyon sa pamamagitan ng pagtaas ng deployment ng mga tauhan, 24/7 na pagsubaybay sa trapiko, at mabilis na pagtugon na mga koponan. Ang free towing naman para sa Class 1 at Class 1M sa CCLEX na mga sasakyan patungo sa pinakamalapit na labasan ay…

Read More

MALACAÑANG IGINIIT ‘DUE PROCESS BAGO PARUSA’ SA FLOOD CONTROL SCANDAL

IGINIIT ng Malacañang na hindi puwedeng apurahin ang pagpaparusa sa mga sangkot sa flood control corruption scandal dahil kailangang igalang ang due process. Sa press briefing sa sidelines ng ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi maaaring isakripisyo ang batas at karapatang pantao sa pagmamadali. “Sa mga naiinip, ang pamahalaan po ay nasa tamang pagkilos na naaayon sa batas. Minamadali, oo — pero hindi pwedeng magmadali na lalabag tayo sa batas at sa human rights,” ani Castro. “Kayo…

Read More

Kaya nagpapasaklolo sa taumbayan – Polong PBBM GUSTONG MAISALBA SA SARILING KAPALPAKAN

PINASARINGAN ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang Marcos Jr. administration na nananawagan aniya sa taumbayan para siya sagipin sa sariling kapalpakan. Binanggit ito ni Duterte sa kanyang pagbwelta kay Presidential Spokesperson Claire Castro. Tinawag ng kongresista na ignorante sa kasaysayan si Castro matapos nitong sabihin na inutil ang nakaraang administrasyon pagdating sa agresyon ng China sa West Philippine Sea (WPS). “Before the Palace spokesperson lecture anyone about “being inutile” in defending our seas, she should first study the timeline and check the facts. Hindi pwedeng puro satsat lang…

Read More

Nawawalang kita paiimbestigahan GSIS MEMBERS ‘BINULAG’ SA DIBIDENDO

BINATIKOS ng Makabayan bloc sa Kamara ang Government Service Insurance System (GSIS) dahil umano sa pagtatago ng taunang dibidendo ng mga miyembro, kahit ipinagmamalaki nitong lumaki ang kita ng ahensya. Sa ilalim ng House Resolution (HR) 416, nanawagan ang grupo na imbestigahan kung bakit itinigil ng GSIS ang pagsasapubliko ng dibidendo noong Mayo 5, 2025, kasunod ng paglabas ng Board Resolution No. 20 o “Approval of Non-Declaration of 2023 for Compulsory Life Insurance Policies.” Ayon sa Republic Act 8291 (GSIS Act of 1997), obligadong isapubliko ng GSIS ang mga dibidendo…

Read More

STAND-OFF SA TIPO-TIPO: BANGGAAN NG MILF, LOKAL NA GRUPO

NAGKAROON ng stand-off sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan matapos ang karahasang kinasasangkutan ng mga armadong grupo na umano’y may kaugnayan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ayon kay Tipo-Tipo Mayor Ingatun G. Istarul, kasalukuyang may negosasyon sa pagitan ng magkabilang panig. “Nakikipag-ugnayan po tayo sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng ating mga mamamayan,” ani Istarul. Dagdag pa niya, nananawagan siya sa publiko na manatiling kalmado, huwag magpakalat ng maling impormasyon, at sundin lamang ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan. Dahil sa tensyon, sinuspinde ng…

Read More

PPA tiniyak seguridad ngayong Undas 2.2M PASAHERO INAASAHANG DADAGSA SA MGA PANTALAN

AABOT sa 2.2 milyong pasahero ang inaasahang bubulwak sa mga pantalan sa buong bansa mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5, kasabay ng paggunita ng mga Pilipino sa Undas 2025, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA). Mas mataas ito ng halos 300,000 pasahero kumpara sa nakaraang taon na nagtala lamang ng 1.9 milyon. Tiniyak nina PPA General Manager Jay Santiago at Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na handa at ligtas ang lahat ng pantalan para sa inaasahang dagsa ng mga biyahero. Ipinag-utos din ng PPA chief ang suspensyon ng lahat ng…

Read More

12 HIGH POWERED LOOSE FIREARMS ISINUKO

MULING ipinamalas ang matatag na ugnayan sa pagitan ng komunidad at militar matapos isuko ang 12 kagamitang pandigma at matataas na kalibre ng armas sa Poblacion, Talitay, Maguindanao del Norte nitong Martes, Oktubre 28, 2025. Iprinisinta kay Brig. Gen. Edgar Catu, Brigade Commander ng 601st Infantry Brigade, ang iba’t ibang uri ng armas na nakalap mula sa iba’t ibang barangay mula sa munisipyo ng Talitay, Maguindanao del Norte. Ang nasabing pagsuko ng mga armas ay bunga ng mahigpit na pagtutulungan ng Local Government Unit (LGU) ng Talitay, kasama ang 1st…

Read More

DQ VS TARLAC MAYOR IPATUTUPAD – COMELEC

IPATUTUPAD ngayong linggo ng Commission on Elections (Comelec) ang disqualification order laban kay Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit. Sinabi ng Comelec na hindi nito natugunan ang one-year residency requirement o napatunayang hindi residente ng Barangay Tibag, Tarlac City, isang kasong unang ibinasura ng Second Division. Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, babawiin ang proklamasyon ni Yap-Sulit bilang nanalong alkalde sa koordinasyon ng DILG. Sinabi naman ng nadiskwalipikang alkalde na gagawin nila ang lahat ng legal na hakbang para ipaglaban ang katotohanan. Aniya, handa siyang magsumite ng mga dokumento at…

Read More