IHAHAIN ngayon ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo kasama sina ACT-CIS Rep. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd Dist. Ralph Tulfo ang isang panukalang batas na layong protektahan ang mga senior citizen at persons with disability (PWD) laban sa panloloko o scam ng ilang indibidwal at mga sindikato. Ayon kay Cong. Tulfo, “ilang reklamo na kasi ang natatanggap ng aking tanggapan ukol dito sa panggogoyo sa mga senior citizens ng ilang walang pusong indibidwal”. “Sa kanilang pension o konting ipon lang umaasa ang mga…
Read MoreAuthor: admin 3
NUCLEAR ENERGY PARA SA KINABUKASAN
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MATAGAL nang usapin ang paggamit ng nuclear energy para matugunan ang patuloy na lumalaking pangangailangan ng suplay ng kuryente sa bansa. At kamakailan nga, naging matunog ang ilang mga development na may kinalaman sa posibleng adoption nito. Isa na rito ang pagpapatupad ng 123 agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na pinirmahan noong nakaraang taon. Inilalatag ng kasunduang ito ang legal na framework na makatutulong na mapabilis ang pagdating ng nuclear energy technologies sa bansa. Inaasahang makatutulong ang humigit-kumulang 40 kumpanya mula sa…
Read MoreNAUUMAY NA BA SI DIMALANTA SA ABOITIZ?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAGKAUTUTANG dila sina Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Mona Dimalanta at dati niyang boss na Aboitiz. Dati yun, pero iba na pala ngayon ang sitwasyon. Nalanta na ang magandang bukluran. Madalas kasing ipatawag si Dimalanta sa kaharian mula nang siya ay maupo bilang ERC chairperson. Lagi rin laman ng Malacañang ang kanyang dating bossing na si Sabin Aboitiz dahil ito ang lead convenor ng binuong Private Sector Advisory Council ni Pangulong Bongbong Marcos. May nasilip ang mata natin sa Palasyo. Kapag naroroon si Dimalanta ay bidang-bida…
Read MoreEDUKASYON AT PAGKAKAISA SA KOMUNIDAD PINAHAHALAGAHAN NG PHILRECA PARTY-LIST
TARGET NI KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang hakbang ang isinagawa kamakailan ng PhilRECA Party-List sa pamamagitan ng pag-organisa ng isang oryentasyon para sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) sa Ambaguio, Nueva Vizcaya. Ang pagtitipong ito ay naglalayong palakasin ang kaalaman at kamalayan ng mga MCOs tungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad bilang aktibong bahagi ng sektor ng enerhiya. Isa sa pangunahing mga paksa na tinalakay ay ang pagiging proactive na member-consumer-owner. Ang aktibong pakikilahok ng mga MCOs ay mahalaga upang masiguro na ang kanilang mga boses ay maririnig at mabibigyan ng halaga…
Read MoreCO-ACCUSED NI PASTOR QUIBOLOY ARESTADO SA MILITAR AT PULIS
SA tulong ng Philippine Army, nadakip sa isinagawang law enforcement operation ng Philippine National Police ang isa sa mga kasama at kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy, na may patong sa kanyang ulo. “Lumiliit na ho ang mga pinagtataguan ninyo… Hindi ho titigil ang kapulisan, ang military, ang buong puwersa ng gobyerno para kayo ay dakipin” ito ang inihayag kahapon ni Secretary of the Interior and Local Government Benhur Abalos, nang iharap sa media ang nadakip na si Paulene Canada. Si Paulene Canada na co-accused…
Read MoreNAGGAGANDAHANG MGA BANGKA, IPINARADA SA KARAKOL SA TAAL, BATANGAS
BATANGAS – Ipinarada at nagpaligsahan sa dekorasyon ang mga bangka na may naggagandahang disenyo sa prusisyon sa dagat sa isang barangay sa bayan ng Taal sa lalawigan, kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang Patron na si Apostol San Pedro. Ang prusisyon na tinawag na Karakol sa Butong ay isinagawa sa karagatan ng Balayan Bay sakop ng Barangay Butong, Taal na siyang nagdiriwang ng kapistahan. Ang “karakol” sa Brgy. Butong ay isang makulay na selebrasyon kung saan ang mga bangka na may naggagandahang disenyo ay ipinaparada. Ito ay isinagawa noong…
Read MoreBANGKAY NATAGPUAN SA LOOB NG TAXI
CAVITE – Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa natagpuang bangkay sa loob ng abandonadong taxi sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi. Pinaniniwalaang ilang minuto nang patay ang ‘di pa nakikilalang biktima. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Bacoor Component City Police Station mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang abandonadong taxi sa Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. Habay 2, Bacoor City, Cavite, na namataan bandang alas-10:45 ng gabi. Ayon pa sa saksi, ilang minuto na umanong nakatigil ang nasabing sasakyan sa nasabing lugar dahilan…
Read MoreMAG-IINA, ‘KINIDNAP’ SA LAGUNA
LAGUNA – Isang babae at dalawang menor de edad na anak nito ang kinidnap umano sa Sta. Rosa City sa lalawigan at humihingi ang mga “kidnaper” ng halagang P1,500,000 ransom money sa dating biyenan ng ginang, na lola ang mga bata. Ayon sa unang report ng Santa Rosa City Police Station, alas-12:36 ng tanghali noong Huwebes nang kidnapin umano ang ginang na si Mariedon at dalawa nitong anak na may edad 7 at 9, sa Brgy. Aplaya. Agad nagsumbong sa pulisya ang dating biyenan ng ginang na si Milagros Vallejo…
Read More2 LALAKI PATAY, 4 PULIS SUGATAN SA SHOOTOUT SA TONDO
PATAY ang dalawang lalaki habang sugatan ang apat na pulis sa nangyaring engkwentro sa Tondo, Maynila noong Huwebes ng gabi. Ito’y matapos umano manlaban ng mga suspek sa mga awtoridad na magsisilbi ng warrant of arrest. Ayon sa Manila Police District (MPD), pinuntahan ng mga awtoridad ang isang bahay sa Balut, Tondo para sa target na si alyas “RJ” na nahaharap sa kasong murder. Ngunit imbes na sumuko sa mga pulis, mabilis itong tumakbo paakyat ng bahay at tumalon sa bubong ng kapitbahay. Sa puntong ito, nagsimulang magpaputok ng baril…
Read More