SORRY ‘DI KAILANGAN SA PAGTATAKDA NG HANGGANAN, SIKAT MAN O HINDI

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAHALAGANG malaman natin ang kahalagahan ng respeto at pagkapribado. Umaasa ang miyembro ng BINI na si Aiah Arceta, na igagalang ng mga tao ang kanilang personal space, matapos ang isang insidente sa Cebu kamakailan sa break ng grupo pagkatapos ng kanilang “BINIverse” concert. Gayunpaman, nag-viral sa social media ang isang video kung saan mukhang napakalapit ng isang lalaki kay Arceta habang naglalakad ito sa isang bar kasama ang kanyang mga kaibigan. Nangyari rin umano ito sa isa pang miyembro ng BINI na si Maloi…

Read More

ANG PABUYA NI DILG SEC. BENHUR ABALOS PARA SA IKADARAKIP NI PASTOR QUIBOLOY

TARGET NI KA REX CAYANONG ANG komunidad ay nananatiling isang mahalagang bahagi ng pundasyon ng ating criminal justice system. Iginiit nga ng Department of Justice (DOJ) ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat sektor sa lipunan, kabilang ang pribadong sektor, sa pagganap ng kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaayusan at hustisya. Isang kontrobersyal na isyu ngayon ang P10 milyong pabuya mula sa pribadong sektor para sa agarang pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ. Ang alok na ito ay nagbunsod ng mga katanungan mula sa kampo ni…

Read More

P35 DAGDAG MINIMUM WAGE SA NCR HINDI SAPAT SA MANGGAGAWA

BAGAMAN isang positibong hakbang ang dagdag P35 sa minimum wage sa Metro Manila ay hindi ito sasapat para sa araw-araw na gastusin ng mga manggagawa. Ayon kay Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, isinaalang-alang din ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa pagpapasya sa wage hike ang kakayahan ng mga employer. Sinabi ni Javier na sa mga susunod na dagdag pasahod, dapat ay sapat na para sa mga nagtatrabaho, at “sustainable” o mapananatili at masusuportahan ng mga employer at nagnenegosyo. Mas mainam din aniya kung…

Read More

3 PANG EX-CABINET MEMBERS DINADAWIT SA IREGULARIDAD

TATLO pang miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang idinadawit sa iba’t ibang anomalya. Ibinunyag ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco sa Senate hearing kamakailan na si dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque ay lumapit sa kanya para ipakiusap ang isang POGO site at maayos ang problema nito. Ayon kay Tengco, noong July 2023, nagtungo si Roque sa PAGCOR para ayusin ang atraso ng Lucky South 999. Si dating Economic Adviser Michael Yang naman ay ipinaaaresto na ng Kamara matapos hindi siputin ang hearing ng komite ng dangerous drugs…

Read More

ENERGY SUMMIT HIRIT NG NGO SA GOBYERNO

SINA ILAW National Convenor, Agnes “Beng” Garcia at Youth Convenor Francine Pradez sa pulong balitaan sa Lungsod ng Maynila. (DANNY BACOLOD) NANANAWAGAN ang isang non-government organization sa pamahalaan na bumalangkas ng national energy roadmap na may malinaw na hangarin at pamamaraan upang malutas ang suliranin sa kawalan ng sapat na supply ng elektrisidad. Ang panawagan ng grupong ILAW ay dahil sa negatibong resulta sa negosyo ng pagkawala ng daloy ng elektrisidad sa tatlong pangunahing lungsod sa bansa na madalas dumanas ng brownouts na isinailalim sa kanilang pag-aaral. Hiniling ng ILAW…

Read More

Paalala ng Globe: Panatilihing updated ang impormasyon sa SIM Registration

Nagpapaalala ang Globe sa mga customer nito na panatilihing updated ang kanilang impormasyon sa online SIM registration platform alinsunod sa SIM Registration Act. Ang batas na ipinatupad noong Disyembre 2022 ay nag-uutos ng pagre-rehistro ng lahat ng SIM para sa kaligtasan at seguridad ng publiko laban sa cybercriminals na gumagamit ng anonymous na SIM para sa panloloko at iba pang krimen. Dahil dito, mahalaga na mapanatiling tama at kumpleto ang personal na detalye ng mga SIM user lalo na kung may bagong address, nagbago ang pangalan dahil nagpakasal o kaya’y…

Read More

MICHAEL YANG PINAAARESTO

PINAAARESTO na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang at plano itong ikulong sa Bicutan, Taguig, imbes na sa Batasan Pambansa. Sa mosyon ni Antipolo City Rep. Romeo Acop na sinegundahan ni Sta. Rosa City, Laguna Rep. Dan Fernandez, inaprubahan ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers ang pagpapa-contempt kay Yang dahil sa patuloy na pagbalewala sa imbitasyon ng komite. Inaprubahan din ng komite ang mosyon ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na…

Read More

MAYOR ALICE GUO, 7 PA PINAARESTO NA NG SENADO

HINILING ni Senator Sherwin Gatchalian kay Senator Risa Hontiveros, chairman ng committee on women, children, family relations and gender equality na i-cite in contempt si suspended Mayor Alice Guo at iba pang hindi dumalo sa pagdinig kaugnay sa POGO Hub sa Bamban, Tarlac. Kalaunan, hiniling ni Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada na isyuhan ng warrant of arrest si Guo. (DANNY BACOLOD) IPAAARESTO na ng Senado si suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping kasama ang pitong iba pa. Ito ay dahil sa pang-iisnab nila sa subpoena na ipinadala…

Read More

NUCLEAR DEAL NI BBM SA US SISILIPIN NG KAMARA

(BERNARD TAGUINOD) PINAIIMBESTIGAHAN ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nuclear deal na pinasok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa United States (US) na itinuturing na pinakamabilis sa lahat ng nilagdaan nilang kasunduan. Ayon kay House deputy minority leader France Castro, nakababahala ang “civil nuclear cooperation agreement” na nilagdaan ng dalawang bansa kung saan pinapayagan ang US na magdala ng mga nuclear “equipment and material” sa Pilipinas. Tinawag umanong “123 Agreement” ng dalawang bansa, na ayon sa mambabatas ay maglalagay sa peligro sa kaligtasan ng mga tao…

Read More