INILUNSAD ni Gob. Doktora Helen Tan ng lalawigan ng Quezon ang STAND UP Quezon bilang bagong local political party. Ito ay nilahukan ng mayorya ng lahat ng kasalukuyang nakaupong halal na opisyal sa buong probinsya. Isusulong ng Solidarity for Transformation, Advancement and Nationalism towards a Dynamic, United and Progressive Quezon Province o STAND UP Quezon ang malawakang pagkilos upang labanan ang matinding kahirapan na nararanasan ng maraming mamamayan sa lalawigan. “Malinaw ang ating layunin. Tayo ay naririto dahil nakahanda tayong tumayo para sa kagalingan ng ating mga kalalawigan. Ang panawagan…
Read MoreAuthor: admin 3
LALAKING PINILIT MAG-SHABU, NANAKSAK
QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na saksakin ng kainumang kanyang pilit na pinagamit ng shabu sa Purok Kaimito, Brgy. Ilayang Talim, Lucena City noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Darwin Panelo, tubong Padre Burgos, Quezon, idineklarang dead on arrival sa Lucena United Doctors Hospital dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa report ng Lucena City Police, mag-aalas-2:00 ng madaling araw, nag-inuman ang biktima at ang suspek na si Anthony Albutra Alegre sa bahay ng isa nilang kaibigan na…
Read MoreMAG-ASAWA PATAY SA LAND DISPUTE
BUTUAN CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang isang mag-asawa na dadalo sa ipinatawag na pagdinig sa barangay, nang tambangan ng hindi pa kilalang riding in tandem gunmen sa lungsod. Ayon sa ulat ng Butuan City Police Office, namatay ang mag-asawa makaraang pagbabarilin sa loob ng kanilang sasakyan . Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat, dadalo ang mga biktima sa pagdinig sa barangay hall subalit ipinagpaliban ito. Bunsod nito, nagpasya ang mag-asawa na umuwi na lamang at habang binabaybay ang daan pabalik ay dinikitan sila ng hindi pa kilalang mga…
Read More2 DATING PULIS ARESTADO SA PAGPATAY SA BEAUTY QUEEN, ISRAELI BF
DALAWANG dating pulis ang dinakip ng mga awtoridad kasama ang isang real estate middleman at isa pang person of interest na hinihinalang sangkot sa pagkawala ng Pampanga beauty pageant candidate na si Geneva Lopez at Israeli fiancé nito na si Yitzhak Cohen, natagpuang naaagnas nang bangkay noong Sabado, Hulyo 6, 2024, sa isang quarry site sa Tarlac. Kinumpirma nina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at PNP chief, General Rommel Francisco Marbil ang pagkakaaresto kay Michael Angelo Guiang kaugnay sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions…
Read MoreLABANAN ANG PAGNANAKAW NG METRO AT KURYENTE
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO TALAMAK pa rin ang paggamit ng mga illegal service connection sa kuryente kagaya ng mga jumper, at talagang lumalalang problema ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Bukod pa riyan, lumalalang problema rin ang pagnanakaw ng kable at metro ng kuryente. Pati sa online channels kagaya ng Facebook marketplace, ibinebenta na ang mga ito! Kamakailan nga ay pinaigting pa ng Meralco, ang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa, ang kampanya nito laban sa pagnanakaw ng mga metro ng kuryente. Aktibong nakikipagtulungan ang Meralco sa pulisya…
Read MoreHUWAG SANANG SUMABLAY SI SONNY
CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI pa man sumasayad ang puwet sa silya ng katungkulan ay pasan na ni incoming Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Manalang Angara ang ilang utos ni President Ferdinand Marcos, Jr. Malamang madaragdagan pa ang mga tagubilin, medyo malambot na haliling kataga sa utos, kaya baka pag ganap na siyang bossing ng DepEd ay salampak ang gawin imbes na upo. Utos number 1: Ibalik ang pagtuturo ng kasaysayan o Philippine History sa mga estudyante para maintindihan ng mga kabataan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang Pilipino.…
Read MorePagtutok ni Mayor Emi Calixto-Rubiano sa nutrisyon, kalusugan
TARGET NI KA REX CAYANONG SA pagdiriwang ng ika-50 ‘Buwan ng Nutrisyon’ ngayong Hulyo, muling ipinakita ni Mayor Emi ang kanyang walang kapantay na dedikasyon sa kalusugan ng kanyang mga nasasakupan sa Pasay City. Pinangunahan niya ang pagdiriwang na ginanap sa Covered Court ng Brgy. 65, kung saan makulay na parada ng mga batang naka-costume bilang mga gulay at prutas ang naging tampok, kasama ang kanyang Cooking Demonstration. Ang kahalagahan ng tamang nutrisyon ay hindi lamang para sa mga indibidwal, kundi para sa buong komunidad. Ayon kay Mayor Emi, “We have…
Read MoreSI LEONARDO DICAPRIO NABABAHALA SA LAGAY NG MASUNGI, SI PBBM KAYA?
NAGPAHAYAG ng pagsuporta sa Masungi Georeserve ang Hollywood actor at bantog na environmental advocate na si Leonardo DiCaprio, at sinabing dapat protektahan at alagaan ang georeserve. Sa Instagram, sinabi ni DiCaprio na ang Masungi Georeserve ay nasa panganib at nahaharap sa banta mula sa mining at logging. Nanawagan ang bantog na celebrity kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makialam na sa pagprotekta sa Masungi, na umano’y maaaring pasukin ng mga property developer dahil sa nakaambang pagpapawalang-bisa sa kontrata nito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ikinabahala ni House…
Read MorePNP PALDO SA P4-B PERFORMANCE BONUS
INAASAHANG nasa kanya-kanya nang ATM card ng 200,000 miyembro ng Philippine National Police, ang kanilang Performance-Based Bonus matapos aprubahan ang pagre-release ng P4 billion pondo para rito. Base sa Special Allotment Release Order, ang PBB ay nagkakahalaga ng halos P4 billion na ipinamamahagi na ng pamunuan ng PNP para sa kanilang mga tauhan para sa Fiscal Year 2022. Matatanggap ito ng mahigit 200,000 PNP personnel na mayroong “exceptional performance” at nakakuha ng total score na 80 points base sa itinakdang PBB Criteria and Conditions. Sinabi ng PNP, sisimulan ang pamamahagi…
Read More