LACSON NAGPALIWANAG SA LARAWAN KASAMA ANG MGA DISCAYA

NAGLABAS na ng paliwanag si Senate President pro-tempore Ping Lacson kaugnay sa kumakalat na larawan niya na kasama ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Sinabi ni Lacson na kuha ang larawan noong huling linggo ng Abril na pagtatapos ng 90-day campaign period para sa 2025 midterm elections. Isinalaysay ng senador na bago ito ay binisita siya sa kanyang opisina sa Taguig ng campaign supporter mula sa Davao City na si Fred Villaroman at kasama nito ang anak ni Discaya. Iniimbitahan anya siya nina Villaroman na dumalo sa…

Read More

3RD NOMINEE NG AKO BICOL IPOPROKLAMA KAPALIT NI ZALDY CO

MAAARING maupo na ang ikatlong nominado ng Ako Bicol Party-list bilang kapalit ni Representative Zaldy Co na nagbitiw sa puwesto. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Erwin George Garcia, nakakuha ng dalawang puwesto ang Ako Bicol noong nakaraang halalan kaya’t ang ikatlong nominado sa kanilang listahan ang awtomatikong aangat bilang kinatawan. Batay sa tala ng Comelec, si Jan Franz Norbert Joselito Almario Chan ang ipoproklama ng National Board of Canvassers kapalit ni Co. Nilinaw ni Garcia na hinihintay lamang nila ang pormal na abiso mula sa House of Representatives…

Read More

2 SUSPEK SA BARAYUGA MURDER HAWAK NA NG NBI

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang akusado sa pagpatay kay dating pulis at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga nitong Lunes. Sa bisa ng warrant of arrest, ikinasa ng NBI-Organized and Transnational Crime Division (OTCD) ang pagdakip matapos kusang loob na sumuko ang mga akusado. Ang arrest order ay kaugnay ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ), NBI, at Philippine National Police (PNP) sa pamamaril at pagpatay kay Barayuga at kanyang driver noong Hulyo 30, 2020 sa Mandaluyong City. Namatay si Barayuga sa…

Read More

SAN SIMON MAYOR PUNZALAN, HUMARAP SA SANDIGANBAYAN SA KASONG GRAFT AT EXTORTION

SI San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Punzalan Jr. nang dumating sa Sandiganbayan kasama ang kanyang mga abogado para sa arraignment sa kasong graft at extortion nitong Miyerkoles ng umaga, Oktubre 1, 2025. QUEZON CITY – Dumating nitong Miyerkoles, Oktubre 1, 2025, si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Punzalan Jr. sa Sandiganbayan kasama ang kanyang mga abogado upang dumalo sa kanyang arraignment sa 7th Division ng korte. Nahaharap si Punzalan sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Robbery Extortion sa ilalim…

Read More

MERALCO NAGHATID NG LIWANAG SA MGA RESIDENTE NG NOVALICHES

Pinailawan kamakailan ng Manila Electric Company (Meralco) sa pamamagitan ng One Meralco Foundation (OMF) ang 169 na kabahayan mula sa anim (6) na barangay sa Novaliches, Quezon City. Sa pamamagitan ng Household Electrification Program ng OMF, magkakaroon na ang mga residente ng ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente. Pinangunahan ang lighting ceremony nina (L-R):  Meralco Valenzuela Sector-Logistics Team Lead John Paul D. Bunag, Meralco Valenzuela Sector Manager Abraham Eñeres, Meralco Head of North Distribution Services Sante Buella, Meralco Head of Home & Micro North Business Area Alleni O. Pascual, Quezon…

Read More

PROBLEMA NG MGA OFW PATONG-PATONG

RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI pa man tuluyang natatapos at lubos na napipigilan ang pagdagsa pa ng lumalaking problema sa mga inaabandonang balikbayan box, marami pa rin sa mga kababayan natin ang pinababayaan ng kanilang agency. Ilang kababayan na po natin ang pumanaw sa ibang bansa at tumulong tayo sa pagpapauwi ng kanilang labi. Ito ay sa kadahilanang pinabayaan na ang mga ito ng ahensyang nagpadala sa kanila sa Gitnang Silangan. Karamihan po sa mga ito ay namasukang katulong at laborer. Namatay sa oras ng trabaho pero hindi na ma-contact…

Read More

‘YANG MGA BALIMBING

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ALAM n’yo ba na mayroong mahigit 200 political parties na accredited ng Comelec na ang tayo o sakop ay nasyonal at lokal, kasama ang party-lists? Noon ay dalawa lang ang political party sa bansa: Nacionalista Party (NP) na itinayo noong April 1907 nina dating Pres. Manuel L. Quezon at dati ring Pres. Sergio Osmena para isulong ang pagkalas ng Pilipinas sa pananakop ng US. Matapos ang liberation sa kamay ng Hapones noong 1945, kumalas ang tropa ni dating Senador Manuel Roxas at itinayo ang…

Read More

ALLAN “ALI” LABASAN, UMALMA SA ISYU NG SCAM – “AKO ANG BIKTIMA!”

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP MATAPOS mag-ingay ang Saksi Ngayon sa inilathalang reklamo ng ilang OFW sa Al Khobar, Saudi Arabia na may pamagat na “Pinoy ini-scam ang mga OFW gamit ang pangalan ng MWO”, biglang sumabog ang reaksyon mula mismo sa isinusumbong na si Allan Joseph “Ali” Labasan. Mariing itinanggi ni Ali ang mga paratang at iginiit na siya’y hindi kailanman nanloko ng kapwa OFW. Ayon sa kanya, pawang kasinungalingan ang mga isinusumbong ng mga nagrereklamo. Mas matindi pa rito, siya raw mismo ang tinatakot! “Sabi nila,…

Read More

BARZAGA SINIPA BILANG AFP RESERVE

KINUMPIRMA kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na inirekomenda na ang pagtanggal kay Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa talaan ng kanilang Reserve Force. Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office chief Col. Louie Dema-ala, lumabas sa masusi at impartial na imbestigasyon ng Army-NCR Regional Community Defense Group (NCRRCDG) na may basehan ang rekomendasyon para sa “delisting” ni Barzaga. Batay sa ulat, si Barzaga ay lumabag umano sa General Headquarters (GHQ) Standard Operating Procedure No. 07 matapos maglabas ng mga pahayag sa social media na tila nagsasaad na…

Read More