MAG-ASAWANG DISCAYA NAGTUNGO SA DOJ PARA SA HIRIT NA WITNESS PROTECTION

MAGKAHIWALAY na dumating kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya. Unang dumating si Curlee pasado alas-8 ng umaga, kasama ang mga tauhan ng Senate Sergeant-at-Arms dahil nasa kustodiya siya ng Senado matapos ma-contempt. Naka-bulletproof vest ito bilang proteksyon laban sa anumang banta sa kanyang buhay. Makalipas ang dalawang oras, dumating naman ang misis niyang si Sarah na nakasuot ng cap at facemask. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, personal na nagtungo ang mag-asawa para sa inisyal na proseso kaugnay ng kanilang hiling na maisailalim…

Read More

BANK WITHDRAWALS NILIMITAHAN NG BSP SA P500K

SIMULA ngayong taon, hanggang ₱500,000 na lang ang puwedeng i-withdraw ng isang depositor sa malakihang transaksyon sa bangko. Sa inilabas na BSP Circular No. 1218 Series of 2025, iniutos ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona na anumang withdrawal na lalampas sa naturang halaga ay kailangang gawin sa pamamagitan ng tseke, fund transfer, direct credit sa account, o iba pang digital payment platforms ng bangko. Ayon sa BSP, ang ₱500,000 limit ay puwedeng gamitin sa isang transaksyon o sa serye ng transaksyon sa loob ng isang banking day.…

Read More

LABAN KONTRA KORAPSYON NG MARCOS ADMIN SUPORTADO NI GOITIA

MULING ipinahayag ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng ilang makabayang grupo, ang kanyang buong suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pinaigting na kampanya laban sa korapsyon. Ayon kay Goitia, ang panawagan ng Pangulo ay hindi lamang usaping pampulitika kundi isang moral at pambansang tungkulin. “Ang laban kontra korapsyon ay para ibalik ang dangal ng sambayanang Pilipino at matiyak na bawat pisong mula sa kaban ng bayan ay tunay na nakikinabang ang taumbayan,” ani Goitia. Kaugnay nito, nakatakdang isagawa ng September Twenty-One People’s Movement Against Corruption ang…

Read More

Mga opisyal ng DPWH at kontratista kinasuhan IBA PANG ‘GHOST PROJECTS’ TINUKOY NG COA

NAGPASOK ng panibagong fraud audit reports ang Commission on Audit (COA) sa Office of the Ombudsman matapos madiskubre ang apat na “ghost projects” ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Bulacan 1st District Engineering Office. Unang binusisi ng COA ang flood control project ng Wawao Builders sa Angat River, Plaridel, na nagkakahalaga ng P92.6 milyon. Bagama’t idineklarang “completed” noong Hunyo 11, 2024 sa Sumbong sa Pangulo website, nakita ng COA na ongoing pa ang construction noong Setyembre 10, 2025. Batay pa sa satellite images, walang flood control structure…

Read More

DISCAYA, NA-CONTEMPT NA SA WAKAS!

RAPIDO ni PATRICK TULFO SA wakas nga ay nakulong na sa Senado itong may ari ng kontrobersyal na construction companies na si Pacifico “Curlee” Discaya. Ito ay matapos irekomenda ni Sen. Erwin Tulfo, na i-cite in contempt nga itong si Discaya dahil sa pagsisinungaling. Magkakaiba kasi ang sinabi nitong si Discaya sa dahilan kung bakit wala ang kanyang asawa na si Cesarah Discaya. Una ay sinabi nitong may heart condition daw ang kanyang misis, taliwas sa ipinadalang sulat ng asawa niya na may meeting siya na ‘di pwedeng i-cancel. Nabuwisit…

Read More

PBBM KUMIKILOS NANG MABILIS VS KORAPSYON

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA BAKIT napakainit ng usapin ngayon tungkol sa flood control controversy — na ngayon ay naging dahilan ng kusang pagbibitiw sa puwesto ni Speaker Martin Romualdez. Hayan na, ang panawagan ng madlang bayan na totoo namang sobra na ang galit sa trilyong pisong pondo na kung maalaala, mismong si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagbulgar! Si PBBM sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay ipinamukha sa mga mambabatas ang kanyang pagkadismaya sa natuklasang palpak, gumuguho at guni-guning flood control projects, at hanggang…

Read More

BABAHA NG PROTESTA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMING ganap ngayong linggo. Aba, araw-araw na lang ata ay may nagaganap na umuuga sa katahimikan (sana) ng isipan ng madla. Mitsa talaga ang maanomalyang flood control projects. Ang pinakabagong ningas – pagpapalit ng liderato sa Kamara. Liderato ang nagpalit, hindi mga miyembro kaya dapat ituon ng mga mambabatas ang atensyon para sa interes ng mamamayan. Pero hindi solusyon sa mga problema, kahirapan at katiwalian ang pagpapalit ng mga lider. Kung hindi aayusin ang sirang sistema ay malamang mauuwi ito sa pagkabulok. Aba, bulok na nga…

Read More

WORD WAR! SANDRO VS. PULONG

TULUYANG sumiklab ang word war sa pagitan nina House Majority Leader Sandro Marcos, anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Unang umatake si Pulong matapos akusahan si Sandro na siya umanong pumili kay Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang kapalit ng nagbitiw na si dating Speaker Martin Romualdez. Aniya, “cover-up” lang ang pagpapalit ng liderato sa Kamara. Hindi nagpahuli ang batang Marcos na tumugon na: “Naku, baka style niya yun noong anak siya ng Pangulo. I…

Read More

Sa pagsibak kay Romualdez HIDWAAN LUMALALIM SA MARCOS ADMIN

LUMALALIM ang hidwaan sa loob ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gitna ng matinding galit ng taumbayan sa mga katiwalian sa gobyerno tulad ng flood control projects. Ganito ang basa ni House Deputy Minority Leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kasunod ng pagpapalit ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan pinalitan ni Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker ng Kamara. “The supposed deliberations on whether Speaker Romualdez will stay, take a leave, or resign altogether is…

Read More