(BERNARD TAGUINOD) HINDI bet ng pamilya Duterte ang pagkakatalaga kay Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang bagong House Speaker kapalit ni Leyte Rep. Martin Romualdez, matapos itong pumalit bunsod ng pagbibitiw ng pinsan ni Pangulong Marcos. Sa kanyang pahayag, mariing tinuligsa ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang pagpili kay Dy, na umano’y itinutulak mismo ng House Majority Leader at presidential son Sandro Marcos, kapartido ng Pangulo sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP). “Ngayon, pinalitan si Romualdez, tapos si Dy daw ang ipapalit. Sino ang pumili? Walang iba…
Read MoreAuthor: admin 3
Sa nakaambang “Trillion March” PBBM PINATIYAK KATAPATAN NG MILITAR
(CHRISTIAN DALE) Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling tapat ang military sa Saligang Batas at sa mamamayang Pilipino. “Huwag kalilimutan, ang panunumpa ninyo ay sa Republika at sa bawat Pilipino. Dahil sa inyo, sila ay mabubuhay nang ligtas at may dangal,” pahayag ni Marcos matapos pangunahan ang swearing-in ceremony ng mga bagong promoted na heneral at mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Giit ng Pangulo, ang promosyon ay hindi lang milestone kundi panibagong panata ng katapatan sa Konstitusyon at sa bayan. Hinimok din…
Read MoreMAG-ASAWA TIMBOG SA P1.5-M SUHOL SA KINAKASAMA NG MISSING SABUNGERO
KALABOSO ang mag-asawa makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) dahil sa panunuhol sa isa sa mga complainant sa “missing sabungeros”. Dahil dito, kaagad na ipinag-utos ni Philippine National Police chief, Police Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., ang malalimang imbestigasyon kaugnay pagkaaresto sa mag-asawa. Ayon sa ulat, dinakip ang mga suspek noong Setyembre 15 sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal matapos iabot ang P1.5 milyong cash kay Jaja Peralta, kinakasama ng isa sa mga nawawalang sabungero na si Jean Claude Inono. Ayon kay CIDG Director Police…
Read MoreBARMM ENGINEER NILIKIDA
PATAY ang isang inhinyero ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman noong Martes sa Maguindanao del Norte. Ayon sa inisyal na ulat, pauwi sakay ng kanyang motorsiklo si Engr. Romeo Livelo, naninirahan sa bayan ng Upi sa Maguindanao del Norte at nakatalaga sa MSSD Engineering Division, bandang alas-6:30 ng hapon. Sinasabing dinikitan at binaril ang biktima ng unidentified gunman sa national highway sakop ng Sitio Tenorio, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del…
Read MorePERYODISTA ‘PERSONA NON GRATA’ SA BULACAN
IDINEKLARANG ‘persona non grata’ ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang isang mamamahayag dahil sa umano’y malisyosong post nito sa social media kaugnay ng pagdiriwang ng Singkaban Festival 2025 sa lalawigan. Ang mamamahayag ay kinilalang si Orlan Mauricio, correspondent ng Manila Standard na siyang publisher ng Metro News weekly newspaper sa lalawigan ng Bulacan. Noong Lunes, Setyembre 15 sa isang resolusyon na inilabas ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna nina Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro kasama ang board members ng Sangguniang Panlalawigan, inanunsyo matapos ang isinagawang Special Session sa…
Read MoreHIGH VALUE TARGET NAHULIHAN NG P8.9-M COCAINE AT SHABU
ISANG itinuturing na high value individual ang nahulihan ng P8.9 milyong halaga ng cocaine at shabu sa inilunsad na anti-narcotics operation ng Philippine National Police at militar sa Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Police Colonel Fidel Fortaleza Jr., Zamboanga City Police Office (ZCPO) director, nadakip ng kanilang mga operatiba ang isang alyas Moadz, 32-anyos na naninirahan sa Barangay Baliwasan. Si Moadz ay naaresto matapos ang ikinasang buy-bust operation bandang alas-6:40 noong Martes ng hapon sa loob ng motel room sa Putik village, Zamboanga City. Nakuha sa pag-iingat…
Read MoreASEANA BABALUTIN NG DILIM
MAGKAKAROON ng power interruption sa ilang bahagi ng Parañaque City dahil sa line reconstruction works ng Manila Electric Company (Meralco) sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue, Aseana Business Park, Baclaran ngayong Setyembre 18 at 19. Ayon sa anunsyo ng Parañaque Public Information Office (PIO), apektado ang bahagi ng circuit Aseana 415ASE, circuit PAGCOR 415PAG at Aseana 413ASE. Pinayuhan ang publiko na mag-charge ng cellphone at power bank bago ang nakatakdang brownout. Makikita sa post ng Parañaque Public Information Office (PIO) ang mga lugar na maaapektuhan ng pagkawala ng kuryente. Sa…
Read MoreNBI CHIEF: KASONG ARBITRARY DETENTION HARASSMENT LANG
TINAWAG ni NBI Director Jaime Santiago na isang uri ng “harassment” ang reklamong arbitrary detention na isinampa laban sa kanya at kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Giit ni Santiago, kung mayroon mang arbitrary detention, siya at ang kanyang mga ahente lamang ang dapat idawit at walang kinalaman si Remulla. “Pakay lang ng mga nagreklamo na harangin ang clearance ni SOJ Remulla sa Ombudsman,” pahayag ni Santiago. Ang kanyang depensa ay kasunod ng pagsasampa ni Atty. Ferdinand Topacio ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kina Remulla at Santiago…
Read MoreDISCAYA LUMUTANG SA P2.4-B NBI PROJECT
BINUNYAG ni NBI Director Jaime B. Santiago na maging ang P2.4-bilyong bagong gusali ng NBI sa Maynila ay hawak din ng mga kontratistang sina Pacifico “Curlee” at Rowena Cesarah Discaya. Sa isang presscon kahapon, inamin ni Santiago na dalawang kompanya ng mga Discaya ang contractor ng proyekto, na posibleng napanalunan pa sa bidding bago siya maupo bilang direktor. Tiniyak ni Santiago na isasama sa imbestigasyon ng NBI ang nasabing proyekto na ngayon ay pinagdududahan din ng publiko. Samantala, pursigido rin ang Department of Justice (DOJ) na silipin ang naturang kontrata.…
Read More