MGA SUSPEK SA RAPE-SLAY SA SLOVAKIAN NATIONAL KINASUHAN NA

SINAMPAHAN na ng kasong rape with homicide ang mga suspek na gumahasa at pumaslang sa isang Slovakian national sa Boracay Island sa Malay, Aklan noong Marso 1, 2025. Kinumpirma ni Aklan Police Provincial Office (APPO) PCol. Arnel E. Ramos, pormal na nilang sinampahan ng kaso ang mga suspek noong May 20, 2025, kasunod ng isinagawang malalimang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) Michaela Mickova. Sinabi ni Ramos, naging susi sa paglutas ng nasabing insidente ang pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno at suporta ng lokal na komunidad ng Aklan.…

Read More

BASAG-KOTSE GANG MULING UMATAKE SA CAVITE

CAVITE – Makaraan ang ilang buwang pagtatago, muli na namang umatake ang mga miyembro ng “basag-kotse” gang at nabiktima ang isang dalaga na tinangayan ng tinatayang P29,000 halaga ng cash at alahas sa General Trias City noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-7:50 ng gabi nang mangyari ang insidente sa F. Manalo St., Brgy. Navarro, General Trias City saan nabiktima si alyas “Aletah”, dalaga, ng Brgy. Biclatan, Gen. Trias City, Cavite. Ayon sa salaysay ng biktima, ipinarada niya ang kanyang sasakyan na isang Toyota Vios na may…

Read More

Roque, Bantag at Dumlao HIGH-PROFILE FUGITIVES NEXT TARGET NI GEN. TORRE

TARGET ngayon ng Philippine National Police sa pamumuno ni Police General Nicolas Torre III, ang high-profile fugitives. Nangunguna sa listahan ni Gen. Torre sina dating presidential spokesperson Atty Harry Roque, dating Bureau of Correction chief Gerald Bantag, at dating Police Lt. Colonel Rafael Dumlao III. Ipinangako ni Torre na tutugisin niya ang iba pang high-profile fugitives, katunayan bago pa siya nanungkulan bilang PNP chief, ay tinatrabaho na niya ang mga ito nang siya pa ang hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Inihayag ng heneral na may leads nang…

Read More

MANILA RTC NAGHAIN NG “NOT GUILTY PLEA” PARA KAY TEVES

MISMONG ang Manila Regional Trial Court na ang naghain ng ‘not guilty’ plea para kay dating Negros Oriental representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. sa mga kinakaharap na kaso nito sa Branch 12 ng Manila Regional Trial Court. Ito’y dahil sa pananatiling tahimik ni Teves sa mga kasong illegal possession of firearms at explosives ng iharap siya sa korte para basahan ang sakdal kaugnay sa umanoy mga baril at pampasabog na nakuha sa kanyang bahay sa Bayawan City, sa Negros Oriental noong salakayin ng mga awtoridad. Mismong ang mga abogado ng…

Read More

PAGDARAOS NG BARMM ELECTION HINILING ITULOY

HINILING ng grupo ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman Mohagher Iqbal ang pagsasagawa ng Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao o BARMM election sa October 13. Dumalo si Iqbal kasama si Senadora Imee Marcos sa Kapihan sa Senado upang iparating ang panawagan ng kanilang grupo na ituloy ang eleksyon. Ayon kay Iqbal, nakakuha sila ng impormasyon na may mga nagsusulong na muling suspendihin sa ikatlong pagkakataon ang halalan sa BARRM kung kaya’t nagtungo sila sa Senado upang iparating ang panawagan ng mamamayan ng BARMM na ituloy ang halalan…

Read More

PULIS BAWAL NA TUMAMBAY SA MGA PCP

pulis

POSIBLENG mabuwag na ang mga Police Community Precinct (PCP) ngayong nakatutok ang pamunuan ng pambansang pulisya sa police visibility upang maagapan ang posibleng krimen. Matatandaang kabilang sa tagubilin ni PNP Chief General Nicanor Torre lll, na hindi kailangang manatili sa mga PCP ang mga pulis kundi nasa kalye. Ayon sa hepe, mas mainam kung sa lansangan mananatili ang kapulisan sa halip nakatambay sa mga Police Community Precinct. Sinang-ayunan naman ito nina Police Brigadier General Bonifacio Guzman at NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin. Bukod dito, pinaboran din ang walong…

Read More

PARAMIHAN SANA NG DRUG LORDS NA MAHUHULI

DPA ni BERNARD TAGUINOD ISA sa nais ipatupad ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya na si Gen. Nicolas Torre III, ay paramihan ang mga pulis ng mahuhuli na mga sangkot sa ilegal na droga sa patuloy na anti-drug war ng gobyerno. Sa unang tingin, mas makatao ito kumpara noong nakaraang administrasyon na tila nagkaroon ng paligsahan ng paramihan ng mapapatay na mga taong sangkot sa ilegal na droga kaya marami ang napatay na mga inosente. Pero mukhang may problema rin sa patakarang ito ni Gen. Torre kung hindi muna didisiplinahin ang…

Read More

SENADO, HUWAG NAMAN TAYONG PAASA

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HUNYO na pero hindi pa rin nagsisimula ang impeachment trial kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte. Noong Pebrero pa inaprubahan ng Kamara ang articles of impeachment. Mahigit 200 na mambabatas ang bumoto para ito. Pero hanggang ngayon, wala pa ring aksyon mula sa Senado. Anong problema? Sabi ni Senate President Chiz Escudero, inuuna raw nila ang mga panukalang batas na galing sa administrasyon. Kaya ang orihinal na schedule na Hunyo 2 ay inilipat sa Hunyo 11. Kailangan daw tapusin ang mga urgent na batas bago…

Read More

BAGONG POLISIYA NI PNP CHIEF GEN. TORRE TINUTULAN NG CHR

PUNA ni JOEL O. AMONGO IKINABAHALA ng Commission on Human Rights (CHR) ang sinabi ng bagong talagang Philippine National Police (PNP) chief na si General Nicolas Torre III, na gusto niyang paramihan ng mahuhuling mga suspek ang mga kagawad ng pulisya sa buong bansa. Matapos na umupo bilang PNP chief si Torre noong Hunyo 2, 2025 kapalit sa nagretirong si General Rommel Marbil, sinabi nitong kasama sa kanyang matrix ay ang paramihan sa mahuhuling mga suspek ang mga pulis. Ang pahayag na ito ni Torre ay ikinabahala ni Commissioner Beda…

Read More