Dahil sa pag-flex ng Manila SK officials DILG ORDERS REVIEW OF GOV’T-FUNDED TRAVELS

IPINAG-UTOS ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang agarang rebisyon ng travel policies para sa local officials matapos ang kontrobersyal na biyahe ng ilang Manila Sangguniang Kabataan (SK) officers sa Thailand. Tinuligsa ni Remulla ang ginawang pagpopost ng SK officials sa social media ng kanilang “capacity development” trip na ginastusan umano mula SK funds, pero mas umangat ang mga larawan ng leisure at pasyal kaysa sa tunay na training. “Maybe it’s time to review the policy to ensure that all travel, if government-funded, is legitimate and serves a specific purpose,” ani…

Read More

ATONG ANG ITINURO SI ‘TOTOY’ SA AREGLUHAN SA SABUNGEROS CASE

IDINIIN ng kampo ng gambling icon na si Charlie “Atong” Ang si Julie Dondon Patidongan, alyas Totoy, bilang utak umano ng aregluhan o bentahan ng kaso kaugnay ng pagkawala ng mahigit 100 sabungeros. Mariing pinabulaanan ni Ang ang mga paratang laban sa kanya sa unang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kung saan kasama rin sa mga akusado ang aktres na si Gretchen Barretto at mahigit 60 iba pa. Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, abogado ni Ang, wala umanong kinalaman ang kanyang kliyente sa sinasabing suhulan ng mga kaanak…

Read More

“LILIIT LAW” KONTRA SA MAPAGSAMANTALANG NAGPAPAUTANG

INILATAG ni Tarlac 2nd District Rep. Cristy Angeles ang isang makabuluhang panukalang batas laban sa mga abusadong nagpapautang. Kasama siya sa mga co-author ng House Bill 572, na tinaguriang Loan Interest Limitation and Itemization (LILIIT) Law — batas na layong tapusin ang pang-aabuso sa mga nangungutang. Sa ilalim ng panukala, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod: May maximum interest rate para hindi sobra-sobrang singilin ang mga tao, Malinaw na kontrata sa bawat pautang, walang palusot o itinatago. Bawal kanselahin ang permit o lisensya ng nangutang hangga’t hindi pa tapos magbayad.…

Read More

BADYET NG DOST, PH SPACE AGENCY PARA SA 2026 TINALAKAY

PINAMUNUAN ni Sen. Camille A. Villar ang pagdinig ng Senate Finance Subcommittee L para talakayin ang 2026 budget ng Department of Science and Technology (DOST), Philippine Space Agency (PHILSA), at mga attached agencies. Binigyang-diin ni Villar na ang agham, teknolohiya, at inobasyon ay susi sa pambansang pag-unlad, competitiveness, at pagtugon sa mga hamon ng panahon. “Binubuksan ng mga sektor na ito ang mga pinto para sa ating kabataan, nagpapalakas sa ating kakayahan sa research, at nagbibigay ng solusyon sa mga hamon sa agrikultura, klima, kalusugan, at disaster preparedness,” ani Villar…

Read More

PBBM KUMIKILOS NANG MABILIS VS KORAPSYON

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA BAKIT napakainit ng usapin ngayon tungkol sa flood control controversy — na ngayon ay naging dahilan ng kusang pagbibitiw sa puwesto ni Speaker Martin Romualdez. Hayan na, ang panawagan ng madlang bayan na totoo namang sobra na ang galit sa trilyong pisong pondo na kung maalaala, mismong si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagbulgar! Si PBBM sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay ipinamukha sa mga mambabatas ang kanyang pagkadismaya sa natuklasang palpak, gumuguho at guni-guning flood control projects, at hanggang…

Read More

‘DI PA RIN KAKALMA SA PAGBIBITIW NI ROMUALDEZ

DPA ni BERNARD TAGUINOD KAHIT nag-resign na si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, hindi pa rin kakalma ang mga tao na galit na galit na malawakang katiwalian sa flood control projects. Tuloy pa rin ang kilos protesta sa Setyembre 21 na itinaon sa anibersaryo noong magdeklara ng Martial Law ang dating diktador at ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong 1972. Nais ng mga tao na sa pagkakataong ito ay may maparusahan, may makulong at mabawian ng ari-arian sa mga sangkot sa anomalyang…

Read More

BAKIT WALANG CROWD? TINGNAN MO ANG PRESYO NG TICKET

GEN Z ni LEA BAJASAN NOONG una kong narinig na rito gaganapin ang FIVB Men’s World Championship, sobrang saya ko. Isa itong bihirang pagkakataon para ipakita sa buong mundo kung gaano kainit ang suporta ng Pilipinong fans. Matagal na nating pinapangarap na makita nang personal ang pinakamagagaling na teams. Ini-imagine na natin ang punong arena, malalakas na sigawan, at mga manlalaro na magkukwento kung gaano nila kamahal ang crowd dito. Pero hindi iyon ang nangyari. Hindi problema ang players o ang schedule. Ang tunay na problema ay ang presyo ng…

Read More

BBM HUGAS-KAMAY SA FLOOD CONTROL PROJECT ANOMALIES?

PUNA ni JOEL O. AMONGO KASUNOD ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malaki ang binawas sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026 — halos 30% ang kaltas matapos burahin ang pondo para sa flood control projects. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mula sa P881.3 bilyon, ibinaba ng DPWH ang kanilang budget proposal sa P625.8 bilyon. Tinanggal ang P252 bilyong locally funded flood control projects na inulan ng batikos dahil sa sari-saring iregularidad. Imbes na flood control, hiniling ng DPWH na…

Read More

P252-B FLOOD CONTROL BURADO SA 2026 BUDGET

KASUNOD ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malaki ang binawas sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026 — halos 30% ang kaltas matapos burahin ang pondo para sa flood control projects. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mula sa P881.3 bilyon, ibinaba ng DPWH ang kanilang budget proposal sa P625.8 bilyon. Tinanggal ang P252 bilyong locally funded flood control projects na inulan ng batikos dahil sa sari-saring iregularidad. Imbes na flood control, hiniling ng DPWH na i-reallocate ang P252 bilyon sa…

Read More