DISCAYA LUMUTANG SA P2.4-B NBI PROJECT

BINUNYAG ni NBI Director Jaime B. Santiago na maging ang P2.4-bilyong bagong gusali ng NBI sa Maynila ay hawak din ng mga kontratistang sina Pacifico “Curlee” at Rowena Cesarah Discaya.

Sa isang presscon kahapon, inamin ni Santiago na dalawang kompanya ng mga Discaya ang contractor ng proyekto, na posibleng napanalunan pa sa bidding bago siya maupo bilang direktor.

Tiniyak ni Santiago na isasama sa imbestigasyon ng NBI ang nasabing proyekto na ngayon ay pinagdududahan din ng publiko.

Samantala, pursigido rin ang Department of Justice (DOJ) na silipin ang naturang kontrata.

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, rerepasuhin niya ang deal at kakausapin mismo ang mga Discaya para tukuyin kung sino ang kanilang kausap at kung may pera bang inilakad sa likod ng proyekto.

“We have to look deeper into it, ‘yung budget kung saan nanggaling, kung merong ‘funder’ na nag-ninong ng proyekto,” ayon kay Remulla.

Giit pa ng kalihim, walang ligtas sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control at iba pang proyekto.

“Ang lahat ng dapat managot ay mananagot,” diin ng DOJ chief.

(JULIET PACOT)

145

Related posts

Leave a Comment