DEAD on arrival sa ospital ang isang 24-anyos na ginang makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa umpukan ng mga nag-iinuman, habang sugatan ang isang 27-anyos na Lalamove rider sa insidenteng nangyari sa Felina Extention, Barangay 429, Zone 44, Sampaloc, Manila noong Huwebes ng gabi Kinilala ang biktimang si “Marjorie”, may live-in partner at residente sa naturang lugar. Tinaman naman ng bala sa hita ang live-in partner ng biktima na kinilalang si alyas “Joseph”. Ayon sa ulat ni Det. Jason Ibasco, may hawak ng kaso, na isinumite kay Police Captain…
Read MoreAuthor: admin 3
SM, DENR unveil new “Save From Extinction” merch
(L-R): Zoological Society of the Philippines Country Director Mary Garchitorena, Forest Foundation Philippines Executive Director Atty. Jose Canivel, World Wide Fund for Nature Philippines Executive Director Katherine Custodio, SM Supermalls Assistant Vice President for Marketing Hanna Carinna Sy, DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, SM Prime Chairman of the Executive Committee Hans Sy, D’Aboville Foundation Project Operation Manager Rodolfo Santos Jr., KATALA Foundation Program Director Indira Dayang Lacerna-Widmann, and Philippine Eagle Conservation Program Foundation Executive Director Dennis Joseph Salvador. SM Supermalls and the Department of Environment and Natural Resources (DENR) launch adorable plushies and stylish apparel…
Read MoreMaayos, matinong gobyerno ng Maynila, ipinangako ni Yorme Isko
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SO very grateful — una sa Diyos, sabi ni Manila Mayor-elect Isko Moreno at sa mamamayan ng Maynila na muling nagtiwala sa napakalaking boto — sa mahigit na 340,000 na lamang — sa kanyang pinakamalapit na kalaban sa politika, ang kanyang ate, incumbent Mayora Honey Lacuna. Sa kabi-kabilang interbyu, nilinaw ni Yorme Isko, ang maraming naiwang tanong sa kampanya, ano ang mga reporma, mga serbisyo sa mamamayan, at pagbabalik ng dignidad ng Batang Maynila, at makapagbigay ng trabaho, kapanatagan sa mamamayan. Sa interbyu ni…
Read MoreFollowing the Lord
HOPE ni GUILLER VALENCIA Sa Psalms 23:4 ito ang awit ni Haring David ng Israel, “Yeah, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and your staff, they comfort me.” Sa paglalakbay sa buhay natin, mayroon magaganda at may masalimuot na karanasan tayo nakahaharap. Life wasn’t always sunshine and roses, ika nga. Hindi lahat ay sumasang-ayon sa kagustuhan natin at mabuti ang kalalabasan. Maganda sana kung laging kaayon at ayos ang takbo ng ating buhay.…
Read MoreBIGYANG-KAPANGYARIHAN ANG DOH SA PAGPAPASYA SA HOSPITAL BED CAPACITY — YAMSUAN
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng lumalalang pangangailangan para sa abot-kaya at de-kalidad na serbisyong medikal sa bansa, isang makabuluhang mungkahi ang inilatag ni Representative Brian Yamsuan—ang bigyang-kapangyarihan ang Department of Health (DOH), at hindi na ang Kongreso, sa direktang pagtatalaga at pag-apruba ng bed capacity ng mga pampublikong ospital na nasa ilalim ng kanilang pamamahala. Sa kasalukuyang sistema, kinakailangan pang dumaan sa masalimuot na proseso ng paggawa ng batas sa Kongreso para lamang madagdagan ang kama sa bawat ospital. Hindi ba’t isang napakabagal at ‘di praktikal na…
Read MoreNot President’s Playground
Kinontra rin ng isang mambabatas ang planong pag-upo ni Marcos sa Bicameral Conference committee ng 2026 nationals budget. “The bicam is not the President’s playground,” ani ACT Teacher party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas, walang karapatang umupo si Marcos sa Bicam ng pambansang pondo at pakialaman ang trabaho ng mga senador at congressmen na nakasaad sa Saligang Batas. “Ang bicameral conference committee ay tungkulin ng lehislatura—hindi dapat pinakikialaman o dinadaluhan ng Pangulo. Ang presensya ni Marcos o ng sinomang kinatawan ng ehekutibo sa bicam ay naglalagay ng hindi kinakailangang…
Read MoreLacson, Hontiveros nagkontrahan MARCOS ‘DI PWEDENG UMEPAL SA BICAM
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAGKASALUNGAT ang opinyon nina Senator Risa Hontiveros at Senator-elect Panfilo Lacson sa planong pag-upo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa deliberasyon ng bicameral committee para matiyak na maayos na mailalatag ang budget para sa susunod na taon. Ayon kay Lacson, maari lamang maging “observer” ang Pangulo pero hindi ito pwedeng sumali sa talakayan. Kinontra naman ito ni Hontiveros na nagsabing hindi maaaring sumawsaw si Marcos sa deliberasyon ng 2026 national budget. Paliwanag ni Hontiveros, hindi naaayon sa Konstitusyon kung sasali ang ehekutibo o sino mang miyembro…
Read MoreEDUKASYON TUNGKOL SA WPS GAGAWING MANDATORY
MAGKAKAROON ng mandatory education sa usapin ng West Philippine Sea (WPS) dahil maraming Pilipino umano ang nadadala at naniniwala sa mga maling impormasyon na ikinakalat ng Tsina hinggil sa nasabing bahagi ng karagatan. Ito ang nabatid kay in-coming Akbayan party-list Representative-elect Atty. Chel Diokno na nakatakda umanong maghain ng panukalang batas sa 20th Congress para gawing mandatory ang pagtuturo ng tungkol sa WPS sa mga paaralan. “Bilang Akbayan party-list representative sa darating na 20th Congress, isusulong po natin ang mandatory education dito sa West Philippine Sea sa lahat na lebel…
Read MoreHindi dahil weak ang gobyerno CABINET REVAMP BAHAGI NG PAGLILINIS – PALASYO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NILINAW ng Malakanyang na bahagi ng paglilinis sa gobyerno ang pagpapasumite ng courtesy resignation ng halos lahat ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi ito nangangahulugan na mahina ang gobyerno dahil ang revamp ay isang paraan ng pagpapakita ng Pangulo na walang puwang sa administrasyon ang mga tamad at korap na opisyal. Paalala pa niya, walang dapat ikapangamba ang publiko sa pagsusumite ng courtesy resignation ng halos lahat ng Gabinete ni Marcos Jr. Habang isinusulat ito, may 28…
Read More