Kurdapyo ni TOTO NABAJA
NANGUNGUNA ang Police Regional Office (PRO) 6 sa lahat ng Police Regional Office sa buong bansa sa kampanya nito laban sa mga wanted person.
Ay abaw ah! Walang duda na mag-Rank 1 ang (Western Visayas) dahil ramdam na ramdam sa limang probinsya ng Aklan, Antiques, Capiz, Guimaras at Iloilo ang paghahabol nito sa mga nagtatago sa batas.
Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, nakakuha ng 29.56 percent overall performance ang PRO-6 simula nitong Agosto 01 hanggang 31 nitong kasalukuyang taon.
Mabuhay ka! PBGen. Randulf Tuaño Sir, ang Regional Director ng PRO-6 dahil sa serbisyong nararamdaman.
Ops, teka lang! Base sa datus ng PNP Accomplishment ay nakapagtala ang PRO6 ng 323 wanted persons mula sa itinakdang 1,110 na monthly target kabilang ang 73 most wanted persons (MWPs) at 255 other most wanted persons (OMWPs).
Aray! Naku Pakak! Walang puwang ang mga wanted person sa
Western Visayas dahil ang nasabing accomplishment ay bunga ng pinaigting na munhunt operations, intelligence driven policing, masusing koordinasyon ng tracker teams at police units.
Kasimanwa ko sa Western Visayas, ano masasabi n’yo sa kampanya kontra wanted person? May alam ba kayong nagtatago sa batas? Sumbong n’yo na… Hahaha… Ambot sa bakang biyuda.
Pinuri naman ni Tuaño, ang mga kapulisan, mamamayan at sa aktibong pakikipagtulungan ng mga komunidad sa buong Western Visayas na nagresulta sa matagumpay na kampanya.
“Ang pagiging Rank 1 ng PRO6 sa buong bansa ay malinaw na patunay ng sipag, dedikasyon, at mahusay na koordinasyon ng ating mga kapulisan sa pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas. Ang bawat matagumpay na pag-aresto ay hindi lamang accomplishment sa ating talaan, kundi mahalagang hakbang upang maipatupad ang mga kautusan ng hukuman at mabigyang-daan ang proseso ng hustisya,” pahayag ni PBGen Tuaño.
Sa mga wanted person ng Western Visayas sumuko na kayo dahil patuloy na paiigtingin ng PRO6 ang kampanya laban sa inyo sa pamamagitan ng PRO6 Way, kaakibat ng pagsusulong ng RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING for a Safer Western Visayas.
Kaakibat nito ang bisyon ng Philippine National Police (PNP) na “BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN,” sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr, chief, PNP.
90 