HINIMOK ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Biyernes ang mga opisyal ng Taguig City na gawing inspirasyon ang mga kritisismo upang lalo pang paghusayin ang lungsod at serbisyo-publiko.
“Let’s not get upset if anyone pushes us to be better, to do more. Kung may [nagagalit] kasi hindi pa perfect,” pahayag ni Cayetano sa pagdiriwang ng Councilors’ Week sa Taguig noong Setyembre 4, 2026.
“Let’s be upset if it’s a witch hunt, if it’s a demolition job. Sobra ‘yon at mali. But let’s take it as an inspiration when people want to do it better,” aniya.
Pinasalamatan ni Cayetano ang mga opisyal ng lungsod sa “pagtatanim nang tama” na aniya’y nagbunga ng malaking pag-unlad sa Taguig sa loob ng maikling panahon.
“While we’re not perfect, the present mayor, kayo po (councilors), and many many of our previous officials ay nagtanim ng maganda sa Taguig. Nagtanim ng vision, nagtanim ng pangarap, nagtanim ng tama sa edukasyon, sa kalusugan, nagtanim ng righteousness,” ani Cayetano.
Maging sa pagkontrol sa baha ay malayo na rin umano ang narating ng Taguig kahit mas maliit ang lawak ng lungsod kumpara sa ibang mga lungsod sa Metro Manila.
“Ang layo na ng [naging improvement] ng baha sa Taguig. Dati three to four months, hanggang leeg,” kuwento niya.
Sa kabila ng mga pag-unlad, hinikayat ni Cayetano ang mga opisyal na patuloy na magsikap na maging “excellent” at laging mag-“remake,” gaya umano ng Singapore na madalas nangunguna sa maraming human development indicators, kabilang ang kalusugan, edukasyon at seguridad.
“Nasanay sila na parating excellent. So kahit na excellent daw, they still demand more,” kuwento ng dating Foreign Affairs Secretary.
“Wala pa ako nakitang Singapore official na nasabing napapagod na ako. They take it as a challenge,” dagdag niya.
Para maisagawa ito, ibinahagi ni Cayetano sa mga opisyal ng Taguig ang konsepto ng “one audience.”
“One audience lang, which is God. Then trust God that the public will eventually see it,” aniya.
“So Taguig might not be fully appreciated now, but let’s turn this trial and struggle into an opportunity,” dagdag ni Cayetano.
75 