3 ROBBERY GROUP MEMBERS, TIMBOG SA BATANGAS PORT

NAPIGILAN ang pagbiyahe patungong Calapan, Oriental Mindoro ng tatlong lalaking umano’y miyembro ng Fernandez syndicated group matapos arestuhin sa Port of Batangas.

Sasakay na sana ang tatlo ng FastCat nang isilbi sa kanila ang kani-kanilang warrant of arrest ng PNP Regional Intelligence Unit CALABARZON at Batangas Maritime Police, sa pakikipag-ugnayan sa Port Police Station.

Ayon sa pulisya, nahaharap ang mga ito sa mga kasong robbery at isinailalim na sa kustodiya ng Batangas City Police para sa kaukulang proseso at dokumentasyon bago iharap sa korte.

(NILOU DEL CARMEN)

51

Related posts

Leave a Comment