27 INSIDENTE NG KARAHASAN SA ELEKSYON NAITALA NG PNP

BAGAMAN iniulat ng Pambansang Pulisya na batay sa kanilang datos ay mapayapa sa pangkalahatan ang katatapos na halalan, nakapagtala ng 27 insidente ng karahasan nitong Mayo 12, election day. Sinabi ni PNP-PIO chief PCol. Randolph Tuaño, na may kabuuang 46 validated related incidents simula sa buwan ng Enero 2025. Sa mismong araw ng eleksyon ay nakapagtala ng 27 insidente na may kinalaman sa eleksyon, lima ang naitalang pamamaril, tatlong pagsabog, pambubugbog at iba pang insidente. Ayon kay Tuaño, 14 ang naganap sa Bansamoro Autonomous Region (BARM) kung saan lima ang…

Read More

ERWIN TULFO HANDANG MAKIPAGTRABAHO SA LAHAT

SA pagtatapos ng bilangan ng mga nanalo sa Halalan 2025, ipinahayag ni Erwin Tulfo, isa sa mga inaasahang panalo sa Senado, ang kanyang kagustuhan na makipagkaisa sa mga kasalukuyang senador at mga kapwa niya senator-elect, saanman sila nanggaling. Sa isang pahayag, sinabi ni Tulfo, “Pagod na ang mga Pilipino sa mga away-pulitika. Ang dapat na makita nila ay yung nagkakaisang mga senador, mga lingkod-bayan. Kaya iyan ang una kong gagawin kapag ako ay maupo sa Senado: kausapin ang bawat hanay.” Sabi pa niya, “Uupo tayo kasama ang Senate President, ang…

Read More

PINAGBAWALANG UMIGIB NIRATRAT; 1 PATAY, 1 KRITIKAL

CAVITE – Patay ang isang construction worker habang inoobserbahan sa ospital ang kasama nito makaraang pagbabarilin ng suspek na nagbawal sa kanila na mag-igib ng tubig sa isang water pump sa bayan ng Noveleta sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Kinilala ang namatay na si Johnwil Fulipinas, 41, habang kritikal ang kalagayan sa ospital ni Crispin Delos Santos, 35, kapwa construction worker. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Tomasito”, ng Brgy. San Rafael 33, Noveleta, Cavite na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, nagtungo ang…

Read More

MT. KANLAON, BULUSAN MULING NAG-AALBURUTO

NAGLABAS ng alert warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng patuloy na pag-alburuto ng Mount Kanlaon at Mount Bulusan na sinabayan ng matitinding mga seismic activity. Ayon kay Phivolcs director Teresito Bacolcol, nakapagtala sila sa nakalipas na 24 oras, ng aabot sa 72 volcanic earthquake sa Kanlaon Volcano Network (KVN) sa pagitan ng alas-12:00 ng umaga at alas-12:00 ng gabi. “Also, a total of 135 volcanic earthquakes have been recorded since 12 a.m., Sunday, including relatively strong volcano-tectonic or VT earthquakes,” inihayag ni Bacolcol. “VTs are…

Read More

Eleksyon natuloy sa magulong lugar 800 PULIS PUMALIT SA NATAKOT NA MGA GURO

NASA walong daang mga tauhan ng Philippine National Police mula Luzon ang tumayong Board of Election Inspectors kapalit ng mga guro na umatras bilang BEIs sa ilang bayan sa Lanao del Sur at Maguindanao del Sur, noong araw ng eleksyon. Nabatid na sadyang may mga sinanay na kagawad ng PNP para magsilbing BEI sa mga lugar na posibleng may banta ng karahasan at o kasaysayan ng matinding tunggaliang pulitikal. Ayon kay Maguindanao del Sur election supervisor Allan Kandon, kabilang ang Buluan, Maguindanao del Sur sa mga lugar ang isinailalim sa…

Read More

HARESCO HINDI MAN NADISKWALIPIKA, SIBAK DIN SA HALALAN

Ni Tracy Cabrera KALIBO, Aklan — Nabigo si incumbent Aklan District II representative Teodorico ‘Nonong’ Haresco Jr. sa kanyang reelection bid sa kanyang distrito matapos maungusan lang ng mahigit tatlong libong boto ng kanyang karibal na si Florencio ‘Joeben’ Miraflores ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Sa partial count ng nakakuha si Miraflores ng 88,795 boto habang si Haresco nama’y hindi nakahabol dito sa bilang na 85,253 boto na lubhang napakalayo sa 285 boto ng ikatlong aspirante bilang congressman na si Felicisimo ‘Jun’ Tanumtanum ng Ibajay. Matatandaang inireklamo si Haresco ng…

Read More

PNP MANANATILING NAKA-FULL ALERT STATUS

ITO ang inihayag ni PNP Public Information Office chief, Colonel Randulf Tuaño kahit natapos na ang botohan para sa National and Local Election. Ayon kay Col. Tuaño, kahit tapos na ang botohan at may naiproklama na ring mga kandidato ay mananatiling nasa full alert status. “Ito po ay mananatili hanggang matapos nang 100 percent ang bilangan [at proklamasyon].” Magugunitang nagsimulang magpatupad ng kanilang pinakamataas na antas ng alerto ang pambansang pulisya noong Mayo 3, 2025, ilang araw bago ang May 12, 2025 Midterm polls. Hindi pa naglabas ng actual figure…

Read More

3 NOMINADO PASOK SA PANGUNGUNA NG AKBAYAN PARTY-LIST

INTRAMUROS, Maynila — Nakatakdang pumasok ang unang nominado ng Akbayan party-list na si Atty. Jose Manuel Tadeo ‘Chel’ Diokno, kasama ang dalawa pang nominee ng grupo bilang kinatawan sa Kamara de Representantes. Nanguna ang Akbayan Citizens’ Action Party sa hanay ng mga party-list group na lumahok sa midterm elections na isinagawa nitong nakaraang Mayo 12 makaraang makakuha ng 2.2 milyong boto sa partial count ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na humigit sa 2 porsyentong threshold na itinakda para magwagi ang alin mang grupo sa halalan ngayong taon.…

Read More

YAMSUAN BAGONG PARANAQUE 2ND DIST. CONGRESSMAN

IPRINOKLAMA si Representative Brian Raymund Yamsuan kahapon ng Commission on Elections (Comelec) bilang nanalong kinatawan ng 2nd District ng Paranaque. Sa nakuhang 9,935 na boto, ang independyenteng kandidatong si Yamsuan ay natalo si incumbent congressman Gus Tambunting ng National Unity Party (NUP). Ang pinal na bilang batay sa City Canvass Report ng Comelec ay nagpakita na nakakuha si Yamsuan ng 82,700 boto; Tambunting na may 72,765 boto; at tatlong iba pang kandidato na may pinagsamang kabuuang boto na mas mababa sa 7,000 boto. Na-canvass ang mga boto mula sa 246…

Read More