BINATA TINARAKAN NG GUNTING SA ULO

TINARAKAN ng gunting sa ulo ang isang 19-anyos na binata ng kanyang kapitbahay nang naramdamang dehado siya sa suntukan sa Barangay Paradahan II, Tanza, Cavite nitong Linggo ng madaling araw.

Nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Paul”, ng Brgy. Paradahan II, Tanza, Cavite dahil sa sugat sa ulo makaraang tarakan ng gunting ng kapitbahay nitong si alyas “Gil”, 26, ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. Paradahan, Tanza, Cavite kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek na nauwi sa suntukan.

Nang maramdaman ng suspek na dehado siya sa suntukan, kumuha ito ng gunting at ibinaon sa ulo ng biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital habang ang suspek ay naaresto ng nagrespondeng mga opisyal ng barangay at dinala sa istasyon ng pulisya.

(SIGFRED ADSUARA)

61

Related posts

Leave a Comment