NAHUKAY ng mga tropa ng 105th Infantry (Saifullah) Battalion ng Philippine Army, ang nakatagong mga kagamitang pandigma ng mga komunistang terorista sa Sitio Maughan, Brgy. Tbolok, Tboli, South Cotabato. Ayon kay Lt. Col. Erikzen C. Dacoco, commanding officer ng 105IB, naisagawa ang operasyon matapos magsuplong ang dalawang dating rebelde na ngayon ay nagsisilbing Civilian Active Auxiliaries (CAA) sa ilalim ng nasabing yunit. Isa sa kanila ay dating pinuno ng isang Communist Terrorist Group (CTG) unit na matagal nang tumiwalag sa armadong pakikibaka. Dahil sa kanilang tiwala sa militar at hangaring…
Read MoreAuthor: admin 3
MAGING RESPONSABLE SA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA – PRO 4A CHIEF
HINIMOK ang publiko ng PRO 4A Regional Director na maging responsable sa paggamit ng social media at huwag magpakalat ng fake news sa kalagitnaan ng paglaganap nito kung saan maging ang mga pulis ay nabibiktima rin. Ayon kay PBGen. Jack L. Wanky, Regional Director, PRO 4A, hinikayat niya ang publiko na maging mahinahon at umiwas sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon sa online. Paliwanag ni Wanky, nakasasagabal ito sa kanilang operasyon at nakadaragdag lamang ng takot at kalituhan sa publiko. Bunsod ito sa muling paglutang ng maling impormasyon kaugnay ng…
Read MorePDEA AGENT COMATOSE SA BUY-BUST SHOOTOUT
LAGUNA – Nasa kritikal na kondisyon ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang makipagbarilan ito sa dalawang target drug personalities sa ikinasang anti-narcotics operation sa lalawigan. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, bandang alas-9:15 ng gabi nitong nakalipas na Linggo, isang buy-bust operation ang inilunsad ng magkasanib na pwersa ng PDEA Regional Office IV-A Regional Special Enforcement Team 2, at Laguna Provincial Office, sa pakikipag-ugnayan sa mga kasapi ng Calamba City Drug Enforcement Unit. Target ng buy-bust operation…
Read MoreVIETNAMESE, 11 PA INARESTO SA ‘DI REHISTRADONG BEAUTY CLINIC
CEBU CITY – Arestado ang 12 indibidwal kabilang ang isang Vietnamese national, makaraang salakayin noong Linggo ng mga awtoridad isang hindi rehistradong beauty clinic sa lungsod. Ikinasa ang operasyon makaraang makatanggap ng reklamo ang Regional Special Operations Unit 7 (RSPU7), sa pamumuno ni PLt. Col. Wilfredo T. Taran Jr., kaugnay sa pag-ooperate ng nasabing beauty clinic nang walang kaukulang permit. Ayon kay PRO 7 Director Police Brig. Gen. Redrico Maranan, isang police asset ang nagpanggap na kliyente na kunwari ay magpapagawa ng lip treatment na dapat ay gagawin ng isang…
Read MoreDSWD, PGB NAGHATID NG AYUDA SA NASALANTA SA BAHA SA BULACAN
PERSONAL na ipinamahagi ni Health Sec. Rex Gatchalian (2nd from left) ang food packs mula sa (DSWD) kasama sina Gov. Daniel Fernando (kaliwa) at Balagtas Mayor Andy Santiago (2nd, right) para sa 251 pamilyang evacuees na nasalanta ng baha dulot ng patuloy na pag-ulan dala ng Bagyong Crising at Habagat sa isinagawang relief operation sa bayan ng Balagtas, Bulacan noong Lunes, July 21. (Kuha ni ELOISA SILVERIO) NASA 251 pamilyang Bulakenyo na apektado ng Bagyong Crising at Habagat ang tumanggap ng food packs at emergency kit buhat sa Department of…
Read MoreSOLON NAG-OVERNIGHT SA NLEX
HINDI naitago ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkadismaya sa pamunuan ng Northern Luzon Expressway (NLEX) matapos itong bahain na naging dahilan ng matinding trapiko. “San ka nakakitang binabaha ang expressway?,” tanong ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña matapos mag-overnight umano sa gitna ng NLEX noong Lunes ng gabi dahil sa matinding trapik. Base sa advisory ng NLEX Corp. kamakalawa ng gabi, hindi makadaan ang lahat ng uri ng sasakyan sa Valenzuela Interchange Northbound, Valenzuela Interchange Southbound at Paso del Blas Southbound Entry and Exit dahil sa…
Read MorePANUKALA NI BAM NA MAGPAPABILIS SA PAGTATAYO NG MGA SILID-ARALAN, SUPORTADO NG DEPED
NAKAKUHA ng matibay na suporta mula kay Education Secretary Sonny Angara ang panukalang batas ni Senator Bam Aquino na naglalayong pabilisin ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa bansa. Buong suporta ang ibinigay ni Angara sa Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act ni Aquino, na magbibigay ng awtorisasyon sa mga kwalipikadong local government units (LGUs) at pribadong sektor na magtayo ng silid-aralan na sumusunod sa mga pamantayan, sa tulong ng pondo mula sa pambansang gobyerno. Ayon kay Angara, tugma ang panukala sa mga hakbang ng Department of Education (DepEd) upang tugunan ang…
Read MoreGOBYERNO PINAGLALATAG NG LONG-TERM STRATEGIES SA EPEKTO NG KALAMIDAD
SA gitna ng malawak na epekto ng panibagong kalamidad sa bansa, iginiit ni Senador Jinggoy Estrada ang pangangailangang makapaglatag ang gobyerno ng long-term strategies at practical solutions upang mabawasan ang panganib na dala ng iba’t ibang kalamidad. Kaya naman, isinusulong ng senador ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience o DDR isang ahensya na pag-iisahin, palalakasin at isasaayos ang disaster preparedness, response, at recovery efforts. Iginiit din ni Estrada ang pagsasabatas ng Disaster Food Bank and Stockpile para sa pagbuo ng nationwide network ng food banks at relief supplies…
Read More821 PAMILYA SA MAYNILA INILIKAS SA BAHA
UMABOT sa 821 pamilya ang inilikas ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig-baha sa lungsod dulot ng masamang panahon. Sa pahayag ni MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente, karamihan sa inilikas na mga pamilya ay inabot ng tubig-baha ang loob ng kanilang bahay. Nasa 2,823 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers tulad ng sports complex, barangay hall, pampublikong paaralan, multi-purpose hall, at covered court. Karamihan sa inilikas ay mga nakatira sa gilid ng estero…
Read More