Good governance, public trust at mahusay na serbisyo publiko ang ilan sa mahahalagang aral na iniuwi ng 100 young legislators mula sa kanilang recent learning program sa Singapore.
Kamakailan ay nagtapos ang mga piling mambabatas mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa Executive Education Program for Young Legislators ng Lee Kuan Yew School of Public Policy (LKYSPP), National University of Singapore (NUS), isang programa na pinapangunahan ng National Movement of Young Legislators (NMYL). Mula July 23 hanggang September 2, 2026, nagkaroon sila ng discussions at palitan ng ideas tungkol sa governance, policy-making at public service.
Kabilang sa mga napiling lumahok si Atty. Mike Gimelo, konsehal ng Agno, Pangasinan. Para sa kanya, isa sa pinakamahalagang aral mula Singapore ang kahalagahan ng tiwala ng publiko.
“Good governance is built on trust, at ang tiwala ay nakukuha sa consistent, tapat at makabuluhang serbisyo publiko. Bilang konsehal ng Agno, nakikita ko na nasa buhay ng ating mga kababayan at sa kalidad ng serbisyong naibibigay natin ang tunay na epekto ng governance,” aniya.
Para sa kanya, hindi naman kailangang basta kopyahin ng Pilipinas ang modelo ng Singapore kundi tutukan kung ano ang maaaring iangkop sa pangangailangan sa bansa.
“Sa Pilipinas, malaking hamon pa rin ang pagkuha ng tiwala ng publiko. Pero kailangan nating manatiling tapat sa ating mandato at tiyakin na inuuna natin ang ating mga pinamumunuan sa ating mga desisyon at aksyon. Para sa akin, tututok ako kung paano maisasalin ang mga natutunan ko sa mas mahusay na mga polisiya, serbisyo at oportunidad para sa kanilang sariling mga komunidad,” dagdag ni Atty. Gimelo.
Para sa 100 na batang mambabatas na naging bahagi ng program, ang hamon ngayon ay gawing konkretong aksyon ang mga aral mula Singapore—para sa mas maayos na pamamahala, mas mahusay na serbisyo, at mas matibay na tiwala ng mga Pilipino sa kanilang mga lider.
102 
