GUEST CONVENIENCE PRAYORIDAD NG HOTEL SOGO MOBILE APP

Dahil nasa digital landscape na tayo, hindi maikakaila ang kahalagahan ng pagkakaroon dedicated mobile application na tunay na mapakikinabangan – lalo na sa hospitality sector. Para sa Hotel Sogo, na kilalang hotel chain sa bansa, ang isang mobile app ay nagsisilbing invaluable tool para sa pagpapahusay ng pakikipag-ug­nayan sa guests at pagpapadali ng mga operasyon.

Sa panayam ng SAKSI Ngayon, ibinahagi ng Hotel Sogo – Corporate Marketing Head na si Sue Geminiano kung anong benefits ng isa sa kanilang mga bagong proyek­to.

“Nowadays after pandemic, everything becomes digital. Mula sa food, deliveries, it’s all on app. Now, dahil nga ‘So Clean, So Good’ si Hotel Sogo, we have to be good also in all terms and channels. Puwede tayong mag-book sa mobile app. Although you can use browser to check in, iba pa rin ang mobile app. Ito kasi, easy to understand and easy to use para sa modern lifestyle,” ayon kay Geminiano.

Hotel Sogo – Corporate Marketing Head Sue Geminiano

Sa Hotel Sogo mobile app, nagbibigay ito nang mas maayos at mahusay na proseso ng pag-book. Madaling mai-input ng users ang gusto nilang room type, petsa at oras ng pag-check-in. Matutukoy din sa app ang pinakamalapit na branch o anumang lokasyon na gusto, habang pinaaalam sa users ang availability para mai­wasan ang booking conflicts. Mahalagang benefits din ng paggamit ng app ay ang exclusive access sa special discounted rates.

Isa pang kagandahan sa paggamit ng Hotel Sogo app, ito lamang ang hotel mobile app na available ang 3, 6 o 12-hour stay. Ito ang flexible check in time o sachet philosophy business model ng Hotel Sogo na highly af­foradable ang packaging.

Pagdating naman sa serbisyo, ipinagmamalaki rin ng Hotel Sogo na lahat ng kanilang guests ay maayos na ina-accommodate, bilang prinsipyo ng hotel na may­roon laging inclusivity – napahahalagahan ang seniors, differently abled, at LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender/Transsexual, Queer/Questioning, Inter­sex, Asexual at iba pa).

Samantala, maaari ring ilagay ng mobile users kung anong classification sila nahahanay para magkaroon ng discounts partikular sa seniors at guests na differently abled.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ng Hotel Sogo ang isa pang serbisyong para sa convenience ng kanilang ma­giging guests.

“We are also developing – hindi ko pa maa-announce kung kailan – the “Sundo-Hatid” program kung saan sa mobile app ay puwede na ring mag-book ng ride mo. We are really making sure na once you used Hotel Sogo app, everything will be convenient,” paliwanag pa ni Geminiano.

PRIDE PASS, BAHAGI NG HOTEL SOGO CSR

Ngayon lamang naging masyadong household term ang “inclusivity” pero matagal nang practice ito na pinaprayoridad ng Hotel Sogo bilang bahagi rin ng kanilang corporate social responsibility (CSR). Tinitiyak ng popular na hotel chain na ang tao, anuman ang kanilang kasarian, kakayahan, kultura, o pinagmulan, ay nakararamdam na sila ay kabilang, pinahahalagahan, at may pantay na oportunidad.

Kaugnay nito, ang Hotel Sogo ay may inclusivity work­space kung saan ang kanilang Hotel Management Institute of the Philippines ay nagsasanay ng mga under­graduate na na-hire ng kanilang kompanya. Hinihikayat nila ang mga hindi naka-graduate na mag-apply sa kanila at kung nakitaan ng potensyal ay idadaan nila ito sa proper training. Bukas din sila sa mga gustong maging working student o sa mga hindi nakapag-aral.

Proud din ang Hotel Sogo sa kanilang Pride Pass, na gi­nawa hindi lamang para sa LGBTQIA+ community. Ang pass na ito ay nagbibigay ng discounts hindi lamang sa Hotel Sogo kundi pati na sa partners nila tulad ng Angels Pizza, Cut Encarnacion Group of Salons, Figa­ro, at iba pa. Isang scannable QR code sa Pride Pass ang nagbibigay ng access sa isang listahan ng partner locations, na nag-o-offer ng benefits.

SOGO BEEP CARD DAGDAG SERBISYO NG HOTEL SOGO

Ang Hotel Sogo ay nasa proseso ng pagbuo ng sari­li nitong Beep Card, na magbibigay-daan sa users na mag-load ng pamasahe para sa LRT (Light Rail Transit Authority) o MRT (Metro Rail Transit). Ang card na ito ay magbibigay din ng reward points na maaaring ipalit sa pag-check-in sa hotel o sa pagbili ng mga item at pagkain sa loob ng hotel.

Para sa iba pang mga detalye, magsadya sa social me­dia accounts ng Hotel Sogo.

HOTEL SOGO BRANCHES PATULOY DUMARAMI

Ang Hotel Sogo ay mahigit tatlong dekada na sa hospi­tality industry, at may kabuuang 53 branches sa buong bansa. Sa mga ito, 35 ang matatagpuan sa Metro Ma­nila habang ang natitirang branches ay nasa iba’t ibang lalawigan. Kabilang sa kabuuang branches ang limang bagong bukas na sangay nito.

Tinatarget ng Hotel Sogo na magkaroon ng limang branches kada taon para makapagsilbi pa sa dumaraming guests, higit pa rito gusto nilang maging available at affordable ang 5-star hotel service sa lahat ng klase ng mga Pilipino. Malaking bagay din na mayroon silang flexible check in at check out time para makabawas sa stress dala ng hapit na schedule ng mga tao. Nag­bibigay ito ng match na room access base sa actual travel plans na mayroon ang hotel guests.

90

Related posts

Leave a Comment