21K PULIS ITATALAGA SA IKA-4 SONA NI PBBM

TIYAK na magmimistulang military garrison ang paligid ng Batasang Pambansa Complex kaugnay sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong buwan ng Hulyo, sa dami ng mga pulis at sundalong itatalaga para mangalaga sa kaayusan at seguridad ng publiko at ng mga dadalo sa SONA ng presidente. Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), magtatalaga sila ng hindi bababa sa 21,000 pulis sa araw ng SONA ng Pangulo na huhugutin mula sa iba’t ibang distrito ng Kalakhang Maynila. Hindi pa umano kasama…

Read More

PULIS PATAY, 1 KRITIKAL; SUSPEK PATAY RIN SA BARILAN SA PRESINTO

CAVITE – Patay ang isang pulis habang kritikal ang isa pa nang barilin ng suspek na kalalabas lang mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, ngunit napatay rin, matapos nitong agawin ang service firearm ng isa sa mga biktima sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Carmona nitong Miyerkoles ng umaga. Kapwa isinugod sa ospital ang mga biktimang sina PMSg. Joel Mendoza at PSSgt. Joseph Martin Fabula, kapwa nakatalaga sa Carmona Component City Police Station, dahil sa mga tama ng bala sa katawan subalit nalagutan ng hininga si Mendoza Namatay…

Read More

BARANGAY HEALTH CENTER SA CAVITE NILOOBAN

CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang manloob sa isang Barangay Health Center sa Trece Martires City noong Martes ng madaling araw. Hawak na ngayon ng Trece Martires Component City Police Station ang suspek na si alyas “Tuklas”, 26-anyos, ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite Ayon sa ulat, puwersahang pumasok ang suspek sa Barangay Health Station sa Block 2, Lot 1, Phase 1-A, Southville, Brgy. Inocencio sa lungsod, at tinangay ang double burner gas stove kasama ang LPG tank nito bandang alas-2:00 ng madaling araw saka tumakas. Ngunit may…

Read More

MAG-INANG INDIAN NAT’LS TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA MANTIKA

ISABELA – Kalaboso ang mag-inang Indian nationals sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group, sa pagbebenta ng hindi rehistradong mantika sa Barangay Patul, Santiago City. Kinilala ang mag-inang suspek na sina alyas “Kulvinder” at “Kamaljot”. Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang CIDG na nagbebenta umano ang mag-ina ng mantika na hindi rehistrado na nagresulta ng kanilang pagkaaresto. Ayon kay CIDG Acting Director BGen. Romeo Macapaz, nakumpiska sa mga suspek ang 273 container ng mantika na tinatayang nagkakahalaga ng P1.34 milyon. Wala umanong License to…

Read More

ARAGONES PORMAL NANG NANUMPA BILANG PUNONG LALAWIGAN NG LAGUNA

PORMAL nang nanumpa si Governor Marisol ” Sol ” Castillo Aragones- Sampelo bilang punong lalawigan ng Laguna pasado alas-3:35 ng hapon ng Miyerkoles sa Cultural Center ng Kapitolyo sa Sta. Cruz, Laguna. Nanumpa siya kay Quezon Province Governor Dra Helen Tan na sinaksihan nina Vice Governor JM Carait at mga nanalong Sangguniang Panlalawigan. Dumating din ang mga alkalde ng lalawigan. Sa kanyang pagdating, sinalubong si Gov.  Aragones ng kanyang Administrator na si dating mayor Jerry Pelayo at ilang opisyal ng Kapitolyo. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Aragones na ang…

Read More

Task Force FACTS binuo ni Mayor Isko MAYNILA NASA ‘FINANCIAL ICU’

NAGLUNSAD ng malawakang plano si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ipahayag na nasa “Financial ICU” ang lungsod. Upang makabawi ang lungsod, pangungunahan ng Task Force FACTS ang reporma habang ang lungsod ay nahaharap sa P10.2 bilyong hindi nababayarang obligasyon. Sinabi ni Domagoso sa kanyang inaugural State of the City Address, binuo ang FACTS o Fiscal Accountability, Cost Transparency, and Spending dahil na rin sa fiscal mismanagement sa ilalim ng nakaraang administrasyon na naging dahilan upang maubos ang laman ng kaban ng Maynila at maparalisa ang mahahalagang mga serbisyo. “Nasa…

Read More

P500-M FARM TO MARKET ROAD PROJECTS SA ALBAY SINIMULAN NA – DAR

MARIING tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na malaking tulong ang darating sa mga magsasaka sa Albay matapos simulan ang pagpapatayo ng Farm-to-Market Road (FMR) projects sa bayan ng Polangui na may kabuuang halagang P500 milyon ang nakalaang pondo para sa mga kalsadang ito. Sinabi ng DAR, ang naturang kalsada na may habang 9.2 kilometro ay layuning mapadali ang biyahe ng mga magsasaka at maihatid nang mas mabilis ang kanilang mga ani sa merkado. Pinangunahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) kasama ang Local Government Unit (LGU) ng Polangui,…

Read More

85,183 PDLs PINALAYA NG BJMP

IPINAGMALAKI ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nabigyan ng solusyon ang decongestion sa mga detention cell sa bansa at nakapagpalaya ang BJMP ng 85,183 persons deprived of liberty (PDLs) sa jail facilities. Sinabi ni BJMP chief, Jail Director Ruel Rivera, sa bilang na 85,183 na PDLs na pinalaya, umabot sa 296 percent ang napalaya simula noong taon 2023 hanggang 2025. Sa ginanap na BJMP 34th anniversary, sinabi ni Director Rivera, isa sa malaking pagbabago sa ating jail facilities ay naibsan ang jail decongestion para sa PDL welfare.…

Read More

No hospital arrest, no preferential treatment CONG. TEVES FIT FOR INCARCERATION – SEC REMULLA

MARIING inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang special treatment kay dating Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. kaya balik-kulungan ito oras na palabasin na ng Philippine General Hospital. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hindi nila pagkakalooban ng hospital arrest ang dating mambabatas at agad nila itong ibabalik sa kulungan. Magugunitang na-confine si Teves matapos sumailalim sa emergency appendectomy operation noong Hunyo 18 sa PGH at kinalaunan ay tuluyan ding pinayagang makalabas sa ospital matapos ang ilang araw na pananatili rito. Giit ni SILG…

Read More