NASILO ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, ang isang 38-anyos na lalaking matagal nang wanted sa batas sa kasong murder, nang matunton ito sa Meycuayan, Bulacan. Kinilala ni MPD District Director, Brigadier General Bonifacio Guzman ang suspek na si alyas “Ison”, tubong Bicol, warehouse staff, at residente ng Guiguinto, Bulacan. Ayon kay Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng DPIOU, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel John Guiagui, chief ng District Intelligence Division (DID), nagsagawa ng “Oplan Pagtugis” ang mga tauhan ng…
Read MoreAuthor: admin 3
Daanan ng fire trucks ginawang parking ILANG OPISYAL NG MAKATI BFP SINIBAK
MALINAW na sumasalamin sa matibay na commitment ng administrasyong Marcos sa public safety ang nangyaring pagsibak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla sa ilang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod ng Makati. Sa press briefing sa Malakanyang. sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na winelcome nito ang naging hakbang ni Remulla na sibakin ang ilang opisyal ng fire station matapos masaksihan sa kanyang sorpresang pagbisita ang mga nakaparadang sasakyan ng mga opisyal na humaharang…
Read MoreInireklamo sa kahalayan KAGAWAD SA TAGUIG SINUSPINDE
SINUSPINDE sa pwesto ang opisyal ng barangay na umano’y tauhan ng natalong kandidato sa Taguig dahil sa pagkakasangkot sa kahalayan. Si Barangay Kagawad Apolonio Kibral Fulo Jr. ng Barangay Pinagsama, kilalang malapit na tauhan at bodyguard umano ni Pammy Zamora, natalong kandidato sa pagka-Kongresista ng District 2, ay sinuspinde ng anim (6) na buwan ng Sangguniang Panlungsod ng Taguig dahil sa reklamong grave misconduct, immoral acts, at gawaing labag sa tiwala ng publiko. Batay sa Resolution No. 828, Series of 2025, na inaprubahan nitong Hunyo 30, 2025, epektibo agad ang…
Read MoreCHINESE OFFICIALS NA NAGKAKALAT NG FAKE NEWS PINAPA-BAN SA PINAS
HINDI dapat hayaan ipagkibit-balikat lamang ng Pilipinas ang ‘parusa’ na ipinataw ng China laban kay dating Sen. Francis Tolentino dahil sa pagtatanggol sa West Philippine Sea (WPS) bagkus ay gawin din ito sa Chinese officials na nagkakalat ng maling impormasyon laban a bansa. Ginawa ni Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang pahayag matapos i-ban ng China si Tolentino hindi lang sa China kundi maging sa Hong Kong at Macao. “The Philippine government should undertake a commensurate and proportional response to the travel sanction against former Senator Francis Tolentino. It…
Read MoreHYBRID DIGITAL FILING INILUNSAD NG SC
INILUNSAD ng Supreme Court (SC) nitong Hulyo 1 ang hybrid digital filing system na nag-uutos sa mga abogado na magsumite ng ilang petisyon sa elektronikong paraan gamit ang eCourt PH app, bukod sa tradisyunal na papel na pagsusumite. Kailangang magparehistro ang mga abogado sa Philippine Judiciary Platform bago magsumite ng pleadings. Saklaw nito ang mga petisyon sa review on certiorari, mga kaso mula sa Comelec at COA, mga petisyon para sa certiorari, prohibition, mandamus, contempt, prerogative writs tulad ng habeas corpus at amparo, at quo warranto actions. Mula Hulyo 1,…
Read MoreOFW PAUWI NA SA PINAS MATAPOS HUMINGI NG TULONG SA OFW JUAN
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG malaking tagumpay para sa ating kababayan sa ibang bansa ang muling naitala matapos ang mabilisang aksyon ng Migrant Workers Office (MWO) sa Saudi Arabia, kasunod ng sumbong na naiparating sa OFW JUAN sa DWDD 1134 kHz at sa kolum ng Saksi Ngayon. Ang ating kababayang si Judylen Alisoso, isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa Jeddah, Saudi Arabia sa ilalim ng kumpanyang Thawabet Resources Company, ay humingi ng agarang tulong dahil sa kanyang mahirap na kalagayan. Sa pamamagitan ng kanyang local…
Read MoreQUO VADIS JUAN DE LA CRUZ?
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MARAMI ang nagulat sa balitang ipinagbibili na ang bahay ni dating Presidente Rodrigo Duterte sa Davao City. Ito ‘yung simpleng haybol sa isang subdibisyon na tinitirahan ni Digong at ng kanyang partner na si Honeylet Avanceña. Sa bahay na ito may litrato si Duterte na natutulog sa kama na may kulambo para hindi siya lamukin. Pagkalipas ng ilang araw ay tinanggal na rin ang “for sale” signage sa tarpaulin sa harap ng bahay. Tinutulan daw ni Digong at mga anak ang desisyon ni…
Read MorePROBLEMA SA BASURA AGAD NA TINUGUNAN NI MAYOR ISKO AT 10 BILLS INIHAIN NI SEN. ERWIN!
TARGET ni KA REX CAYANONG PAGKABALIK pa lamang sa puwesto bilang alkalde ng Maynila, agad na hinarap ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang suliraning matagal nang pinapasan ng lungsod — ang tambak ng basura. Isang matibay na pahayag ito na ang liderato ni Domagoso ay hindi para sa pag-uurong-sulong, kundi para sa maagap na aksyon at responsableng pamamahala. Sa gitna ng problemang iniwan ng mga dating kontratistang Phileco at Metrowaste, na biglaang tumiwalag sa kanilang obligasyon na hakutin ang basura ng lungsod, hindi nagpatumpik-tumpik si Mayor Isko. Imbes na…
Read MoreREPORMA SA K-12 PROGRAM TINULUGAN NG SENADO
WALANG magaganap na reporma sa basic education sa gitna ng bagsak na kalidad ng edukasyon sa bansa dahil tinulugan ng Senado ang panukalang batas na amyendahan ang K-12 basic education program. Sa isang panayam, sinabi ni House committee on basic education chairman Rep. Roman Romulo na ipinasa ng Kamara sa ikatlo at ang huling pagbasa noong Enero ang House Bill (HB) 11213 o “Education Pathways Act” subalit hindi naisalang sa bicameral conference committee dahil walang kahalintulad na panukala ang ipinasa ng Senado. “Naipasa namin ang amin version noong January pero…
Read More