Binarat sa umentong P50 OBRERO ININSULTO NG MARCOS ADMIN

(BERNARD TAGUINOD) INILARAWAN bilang pang-iinsulto sa hanay ng mga manggagawa ang dagdag-sahod na P50 sa National Capital Region (NCR) na inanunsyo ng Department of Labor and Employment kamakalawa. Para kay dating Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, walang kwenta ang singkwenta. Maituturing aniya itong pang-iinsulto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga manggagawa lalo na’t wala itong ginagawa para maampat ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. “Ang singkwenta ay walang kwenta sa nagtataasang presyo ng bilihin at sunod-sunod na oil price hike. Ang mumong P50…

Read More

PRIMEWATER HAHATULAN NA SA KAPALPAKAN

NAGSUMITE na ang Local Water Utilities Administration (LWUA) ng report nito sa Office of the President (OP) hinggil sa imbestigasyon sa operasyon ng water service na ipinagkakaloob ng PrimeWater. Sa katunayan, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na may isang folder at dalawang balikbayan boxes ang dokumentong isinumite sa OP. ”Opo. Nakatanggap na rin po tayo siguro nakalimutan ko lang pong dalhin, ipapakita ko po sana sa inyo isang folder po siya ang report at dalawang boxes ng balikbayan boxes…

Read More

MAYORYA NG PINOY PABOR BUMALIK PH SA ICC

SUPORTADO ng mayorya ng mga Pilipino na muling sumali ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC). Ito ang lumabas sa resulta ng OCTA Research survey na ipinalabas araw ng Lunes. Makikita sa Tugon ng Masa nationwide survey, isinagawa mula April 20 hanggang 24, na may 57% ng mga Pilipino ang nais na muling sumali ang Pilipinas sa ICC habang 37% naman ang kontra sa hakbang na ito at 6% ang nananatiling undecided. Ang mga nagpahayag ng suporta para sa muling pagsali ng Pilipinas sa ICC ay malakas sa…

Read More

3 OPISYAL NG BICOL POLICE MASISIBAK SA POOR PERFORMANCE

POSIBLENG mapalitan sa pwesto ang tatlong opisyal sa Bicol Region dahil sa kakulangan sa kanilang performance. Kasunod ito ng pagbisita sa Bicol nitong weekend ni PNP chief, PGen. Nicolas Torre III, kung saan nakita umano nito ang mga pagkukulang ng ilang opisyal doon. Napansin ni Torre na bigong mag-supervise ang Provincial Director sa kanyang mga tauhan dahil hindi ito marunong mag-radyo. Aniya, bilang ground commander, dapat ay marunong ang mga Regional Director, Provincial Director at Chief of Police na magbigay ng “command.” Kung kailangan umanong gamitan ng “micromanagement” ang mga…

Read More

Mapanganib na daan noon, moderno na ngayon CATANDALA BRIDGE SA BATANGAS BINUKSAN

MATIWASAY at ligtas nang makabibiyahe ang mga motorista sa mga bayan ng Rosario, Lobo, at Taysan sa  Batangas. Ito ay matapos pormal nang buksan sa publiko ang bagong Catandala Bridge na nag-uugnay sa tatlong bayan. Ang 121-meter long bridge ay may lapad na 13 metro at taas na 24 metro mula sa Calumpang River. May sidewalks, guardrails, at viewing decks para sa kaligtasan at ginhawa ng mga motorista at pedestrian. Ang nasabing  lugar ay minsan nang tinagurian at kilala bilang isa sa mga pinakamapanganib na daan sa Batangas. Ayon kay…

Read More

Succession rules ipinatupad ng DILG BASTE DUTERTE, ACTING DAVAO CITY MAYOR

PORMAL na inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na pinamumunuan ni Interior Secretary Jonvic Remulla, si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte na umaktong Acting Mayor ng Davao City bunsod ng temporary legal incapacity ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), na siyang iprinoklama bilang mayor-elect in absentia ng nasabing siyudad Nakabase ang kautusan ng DILG sa Section 46(a) ng Local Government Code, na malinaw na isinasaad na “in cases of temporary incapacity, whether physical or legal, the Vice Mayor shall automatically perform the duties…

Read More

LUCENA CITY MAYOR MARK ALCALA, MAY BABALA SA MGA EMPLEYADO NG CITY HALL

SA kanyang inagurasyon kahapon at pagsisimula ng bagong termino, nagbabala si Lucena City Mayor Mark Alcala na sinomang empleyado na hindi magbibigay ng “genuine” na paglilingkod ay hindi kabilang sa kanyang administrasyon. Binigyang-diin niya ang pagpapaganda ng “Sa Lucena VIP Ka” program sa pamamagitan ng pagkuha ng mahuhusay na “frontliners” sa city hall. Mahalaga aniya ang maayos na implementasyon ng programa at pagtrato sa constituents para sa tagumpay nito. Nais din niyang magkaroon ng pantay na pagtingin sa lahat ng Lucenahin, mayaman man o mahirap. Nangako si Alcala ng mas…

Read More

RAPE SUSPECT SA CALOOCAN, NABITAG SA MASBATE

MASBATE – Nadakip ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang lalaki na matagal nang wanted sa kasong panggagahasa sa Caloocan City, sa kanyang pinagtataguang lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD na nagtatago umano sa kanilang lugar sa Mobo, Masbate ang 25-anyos na tricycle driver na nakatala bilang no.7 most wanted person sa NPD. Sa koordinasyon sa iba pang mga unit, ikinasa ng mga tauhan ng DSOU-NPD ang joint operation na nagresulta sa…

Read More

GINANG INARESTO SA SHABU SA MAYNILA

ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 44-anyos na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga, sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District, noong Lunes ng umaga sa Arellano Avenue malapit sa Augusto Francisco Street, Barangay 753, Malate, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Obit”, jobless, residente ng Adriatico Street, Malate. Batay sa ulat Police Captain Armando Peñaflor Jr., hepe ng Warrant Section at ng Station Investigation Division Management Section (SIMDS), bandang alas-8:30 ng umaga nang…

Read More