Class opening napaghandaan BULLYING ITAWAG SA 911 EMERGENCY HOTLINES – PNP

NAPAGHANDAAN ng Philippine National Police (PNP) ang pagbubukas ng klase nitong Lunes sa buong bansa habang tuloy-tuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa pamunuan ng mga paaralan para makatugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral, ayon kay PNP chief, Gen. Nicolas Torre. Tiniyak ni Gen. Torre ang mas pinatibay na ugnayan ng pulisya at mga eskwelahan para bantayan ang kaligtasan ng mga estudyante kontra bullying at iba pang krimen ngayong nagsimula na ang klase sa buong bansa. “Ang pag-iinspeksyon actually, idinelegate na natin sa ating mga district directors dito sa Metro Manila,…

Read More

Dagdag benepisyo sa mga nasa 4Ps P50K YEARLY ALLOWANCE SA COLLEGE STUDENTS IPOPORMA

TATANGGAP ng P50,000 kada taon bilang allowance ang mga estudyante sa kolehiyo na kabilang sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang batas para rito ay muling itutulak sa susunod na Kongreso upang masiguro na makatatapos hanggang kolehiyo ang mga anak ng 4Ps beneficiaries. Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, muli nitong ihahain ang kanyang ” Allowance is Essential Bill” para sagutin ang allowance ng mga anak ng 4Ps beneficiaries matapos itong hindi maaksyunan sa 19th Congress. Sa ilalim ng nasabing panukala, tatanggap ng tig-P5,000 kada buwan…

Read More

CLASS SUSPENSION NASA PODER PA RIN NG LGUs – DILG

IPINAALALA ni Education Secretary Sonny Angara sa mga paaralan na ang local government units (LGUs) ang responsable na ngayon sa pag-aanunsyo ng class suspensions base sa real-time weather conditions. “Hindi na sa amin po ‘yan (class suspension announcements), nasa local governments,” ang sinabi ni Angara sa ambush interview, araw ng lunes, sa unang araw ng School Year 2025–2026. Sa nakalipas, awtomatikong sinusunod ang suspension guidelines, suspendido ang kinder classes kapag may Signal No. 1 warning. Subalit sa ilalim ng bagong polisiya, pinahintulutan ng Department of Education (DepEd) ang mga eskuwelahan…

Read More

IMPEACHMENT PWEDENG IBASURA NG SC – EXPERT

KINONTRA ng isang constitutional law expert ang opinyon na hindi maaaring pakialaman o panghimasukan ng hudikatura partikular ng Korte Suprema ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Reaksyon ito ni Atty. Jennifer Reyes, patungkol sa petisyon na inihain kamakailan ni Atty. Israelito Torreon sa Supreme Court na humiling na ipawalambisa o ibasura ang impeachment process laban sa bise presidente. Magugunitang nagsampa ng petisyon ang isang grupo ng mga abogado, sa pangunguna ni Atty. Israelito Torreon sa Korte Suprema para maibasura ang ‘impeachment trial’ laban kay VP Sara. Naniniwala…

Read More

BATO, BASTE NAG-SHARE NG AI VIDEO KINASTIGO

BINATIKOS ng Malakanyang sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa pagbabahagi ng AI (artificial intelligence)-generated video sa social media, tinawag ang kanilang aksyon bilang ‘iresponsable’ at nakasisira sa tiwala ng publiko. Ang video, inilalarawan ang dalawang lalaking estudyante na nagpapaliwanag ng kanilang pagtutol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, ay ipinahayag na deepfake o gawa ng artificial intelligence. Sa kabila na may label ito at may hashtag na #AI, maraming mga manonood ang naniwala na ito’y tunay kabilang na si del Rosa,…

Read More

Babalang ‘wag kikilos hindi narinig BINGING OBRERO SUGATAN SA HOLDAPER

CAVITE – Sugatan ang isang 50-anyos na construction worker na mahina ang pandinig, nang barilin ng isa sa apat na mga holdaper na pumasok sa kanilang barracks, nang gumalaw ito makaraang magbabala ang mga suspek na huwag kikilos, sa Villar City, Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktimang si Alberto Mateo y Loyogog, stay-in sa construction site sa Villar City, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite dahil sa tama ng bala sa baba at kanang biceps. Tinutugis naman ng pulisya ang apat…

Read More

Sa mga pumaslang sa ABC president ‘GET THEM ALIVE!’ – GOV. FERNANDO

NAGBIGAY ng direktiba si Gobernador Daniel R. Fernando sa pulisya na hulihin nang buhay ang mga suspek na pumaslang kay Association of Barangay Captains (ABC) president Capistrano noong Oktubre ng nakaraang taon. “I want them alive,” ito ang binigyan-diin ni Fernando sa Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa ginanap na 2025 Second Quarter Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Advisory Council (PADAC) at ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos City…

Read More

8 ‘MAKUKUPAD’ NA CHIEF OF POLICE SA METRO MANILA SINIBAK

SINIBAK ni PNP chief, General Nicolas Torre III ang walong chief of police sa Metro Manila makaraang mabigong ipatupad ang 5-minute response time. Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, hindi nasunod ng mga opisyal ang kanyang direktiba matapos tumawag ang mga nangangailangan ng tulong. Ayon kay PNP spokesperson, Brig. Gen. Jean Fajardo, ang mga sinibak na chief of police ay mula sa mga lungsod ng Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan at Parañaque. Posibleng may susunod pa na masisibak sa pwesto, hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa…

Read More

PAGBILI NG HALAGANG P680-M BIGAS, BIGAS SA BARMM PINAIIMBESTIGAHAN

bigas12

HINILING ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang imbestigasyon sa umano’y pagbili ng bigas na nagkakahalaga ng P680 milyon ng Ministry of the Interior and Local Government noong 2024. Ang kahilingan ay nakasaad sa ipinadalang sinumpaang salaysay ng mga nagrereklamo sa Office of the Ombudsman-Mindanao, Office of the President, Senado, Office of the Speaker-BARMM at Commission on Audit. Nabatid pa sa mga complainant, na itinago ang pangalan upang maprotektahan ang kanilang sarili, ang mga transaksyon ay labag umano sa procurement laws, transparency standards, at fiscal…

Read More