COA PINURI PORT OF MANILA SA MATAAS NA KOLEKSYON NG BUWIS

PINURI kamakailan ng Commission on Audit (COA) ang Port of Manila (POM) District ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa napakataas na revenue collection performance nito noong 2024. Ayon sa Audit Observation Memorandum (AOM) ng COA na may petsang February 24, 2025, umabot sa 99.37 percent ang nakolektang buwis mula sa P84.813 billion tax collection target nito noong nakaraang taon. Lumalabas din na mas mataas ang naging koleksyon ng buwis ng Port of Manila noong 2024 kumpara noong 2023 na nasa P72.764 billion lang. Dagdag pa ng AOM report, malaking…

Read More

ATEACHER RATINGS TUMAAS KASUNOD NG PARANGAL KAY RODRIGUEZ SA DUBAI

MULING nakapagtala ng mataas na rating ang Ateacher party-list sa panibagong survey matapos bigyan ng parangal si nominee Virginia L. Rodriguez bilang distinguished Excellence in Agribusiness and Community Development Award ng Filipino Global Icon event sa Dusit Thani sa Dubai. Sa Global Filipino Icon Awards 2025 ay kinilala ang ilang huwarang Pilipino sa kanilang kontribusyon at kwento ng kanilang kahusayan, pamumuno, at paglilingkod sa mga Pilipino sa bansa at ibang lugar. Isinusulong ng ATEACHER party-list ang mga programang tunay na nakatuon sa serbisyo publiko, at hindi lang pangako kundi ito…

Read More

KAPAKANAN NG MGA PDL AT KANILANG PAMILYA, ISUSULONG NI ERWIN TULFO

MULING nakipagpulong si ACT-CIS Party-list Representative at kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa pagka-senador Erwin Tulfo sa mga pamilya ng persons deprived of liberty o PDLs upang talakayin ang kanilang mga hinaing at mungkahi patungkol sa kalagayan ng mga preso. Kabilang sa mga isyu na idinulog ng mga miyembro ng AID DALAW Nationwide Movement ang sobra-sobrang pananatili na ng kanilang mga kaanak na PDL kahit tapos nang bunuin ang kanilang sentensiya, mabagal na pagproseso ng pagpapalaya, kakulangan ng tulong-medikal at iba pa. “Makakatulong po ako na kapag naihalal…

Read More

FAKE NEWS, HINDI KRIMEN NAGDUDULOT NG TAKOT SA TAUMBAYAN – ROMUALDEZ

KINONDENA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkalat ng mga pekeng balita at gawa-gawang krimen sa social media na nagdudulot ng takot sa publiko at sumisira sa progresong nakakamit sa pampublikong kaligtasan. “‘Wag tayong maging tagapagsalita ng kasinungalingan. While real crime is going down, fabricated stories and scripted videos are spreading like wildfire online. Fear is being peddled for clicks and views. That’s not just irresponsible—it’s dangerous,” aniya. Nitong Martes, pinapurihan ni Romualdez ang Philippine National Police (PNP) sa mga nagawa nitong reporma sa ilalim ng administrasyong Marcos na…

Read More

CONG. FIDEL NOGRALES DINUMOG SA HOUSE TO HOUSE SA MONTALBAN

HALOS hindi makausad sa paglalakad ang grupo ni Cong. Fidel Nograles sa dami ng mga sumasalubong sa kanya at humihiling ng ‘selfie’ sa kanyang pag-iikot noong Sabado sa Kasiglahan Village, Barangay San Jose, Montalban. HALOS hindi mahulugan ng karayom ang daan sa dami ng mga residente ng Montalban na nakiisa at sumama sa isinagawang house-to-house campaign ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles sa Barangay San Jose nitong nakaraang Sabado, Abril 5, 2025. Dakong alas-2:00 ng hapon nang magsimulang magtipun-tipon ang mga supporter ni Congressman Nograles sa Kasiglahan Church sa…

Read More

MATAAS NA PONDO SA EDUKASYON ITUTULAK NG FPJ PANDAY BAYANIHAN

IPUPURSIGI ng FPJ Panday Bayanihan partylist na ipaglaban ang pagkakaroon ng mataas na pondo para sa edukasyon upang lalong sumigla ang ekonomiya ng bansa na huhubugin ng mga kabataan. Ito inspirasyon na inihayag ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Party-List  sa mga mag-aaral ng Virgen Milagrosa University Foundation, Inc., ng San Carlos, Pangasinan. Layunin din ng partido na tiyakin  na ang kabataang Pilipino ay may sapat na mapagkukunan at oportunidad upang maabot ang kanilang buong potensyal, saad ni Poe. Inilatag ni Poe ang iba’t ibang inisyatibong…

Read More

KALIGTASAN NG MANGGAGAWA SA SAKUNA SIGURUHIN – TRABAHO PARTY-LIST

MATAPOS ang mapaminsalang lindol na may lakas na 7.7 magnitude na yumanig sa gitnang Myanmar at kalapit na Thailand noong Marso 28, 2025, nanawagan ang TRABAHO Partylist ng agarang aksyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga mangaggawa. Ayon kay TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu, napakaimportante ng mahigpit na pagpapatupad ng Building Code gayundin ang workplace safety protocol. Binigyang-diin ni Espiritu ang kahalagahan ng maagap na paghahanda laban sa panganib na dulot ng lindol, lalo na’t ang Pilipinas ay isang bansang madalas makaranas ng malalakas na pagyanig. Sa pinakahuling…

Read More

P10-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Mahigit sa P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa arestadong tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si alyas “Sian”, 30-anyos, binata. Ayon sa naantalang report ng pulisya, dakong alas-6:25 ng gabi noong Martes, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) RO NCR-EDO, kasama ang Philippine National Police (PNP) sa…

Read More

P5.8-M KUSH NASABAT SA PORT OF CLARK

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency ang P5.844 milyong halaga ng high-grade “kush” na idineklarang dried broccoli. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, nadiskubre ng mga tauhan ng Customs, katuwang ang mga ahente ng PDEA, ang 3,896 grams ng high-grade marijuana, na mas kilala bilang “kush,” na may street value na umabot sa P5,844,000 sa isinagawang interdiction operation sa Port of Clark. Nabatid na nagmula ang kontrabando na unang ideneklarang “freeze dried broccoli”, sa Thailand at…

Read More