ATEACHER RATINGS TUMAAS KASUNOD NG PARANGAL KAY RODRIGUEZ SA DUBAI

MULING nakapagtala ng mataas na rating ang Ateacher party-list sa panibagong survey matapos bigyan ng parangal si nominee Virginia L. Rodriguez bilang distinguished Excellence in Agribusiness and Community Development Award ng Filipino Global Icon event sa Dusit Thani sa Dubai.

Sa Global Filipino Icon Awards 2025 ay kinilala ang ilang huwarang Pilipino sa kanilang kontribusyon at kwento ng kanilang kahusayan, pamumuno, at paglilingkod sa mga Pilipino sa bansa at ibang lugar.

Isinusulong ng ATEACHER party-list ang mga programang tunay na nakatuon sa serbisyo publiko, at hindi lang pangako kundi ito ay nakatuon sa pagpapatupad ng mga plano kapag nahalal sa Kongreso sa darating na midterm elections sa Mayo 12.

Isang matagumpay na negosyante, sinabi ni Rodriguez na magpapatupad sila ng mga hakbangin na naglalayong makinabang ang mga Filipino community.

Kasama sa mga hakbangin na ito ang libreng bitamina para maiwasan ang kanser at ang pagbibigay ng libreng pagkain sa lahat ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, at pamimigay ng pagkain sa senior citizens at mga barangay at terminal ng transportasyon, at pagbibigay ng karagdagang benepisyo para sa guro at mga senior citizen.

Nakatuon si Rodriguez sa pagpapababa ng presyo ng bigas at iba’t ibang produktong agrikultura sa pamamagitan ng pagsusulong ng paggamit ng organic fertilizers sa buong bansa.

Ang inisyatiba na ito ay umaayon sa layunin ni Pangulong Marcos Jr. na magbigay ng abot-kayang pagkain at mga produktong pang-agrikultura sa bawat Pilipino.

Ang ATEACHER kung saan kabilang si Rodriguez at ng kanyang mga kasamahan, ang aktibong pumupunta sa malalayong lugar upang ipatupad ang kanilang mga programa sa tulong sa mga komunidad.

Sinabi ni Rodriguez na gagawa siya ng mas maraming silid-aralan upang matugunan ang tumataas na bilang ng mga mag-aaral at tututukan ang pagpapabuti ng mga pangunahing imprastraktura tulad ng farm-to-market na mga kalsada, tulay, ospital, at abot-kayang pabahay para sa mga pamilyang Pilipino gayundin ang produksyon ng mga bitamina na gawa sa mga gulay na maaaring maiwasan ang kanser at gawing cancer-free ang bansa.

“Upang makamit ang masaganang ani ng palay at iba pang produktong pang-agrikultura, mahalagang gamitin ng mga magsasaka ang mga makabagong kagamitan sa pagsasaka at makabagong pamamaraan sa paggawa ng iba’t ibang produktong agrikultural sa bansa,” dagdag ni Rodriguez.

117

Related posts

Leave a Comment