(BERNARD TAGUINOD) POSIBLENG abutin pa ng tatlong taon bago maibaba ang presyo ng bigas sa bansa subalit hanggang bente (20) porsyento lamang mula sa kasalukuyang halaga nito. Ito ang inamin ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel sa pagdinig ng House committee on agriculture sa panukalang amyendahan ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law. Sa interpelasyon ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara, direkta nitong tinanong si Laurel kung kailan pwedeng bumaba ang presyo ng bigas lalo na kung maipatupad ang mga pagbabagong gagawin ng Kongreso sa nasabing…
Read MoreAuthor: admin 5
ALVAREZ BINIGYAN NG 10-ARAW PARA SUMAGOT SA REKLAMO
BINIGYAN ng House Ethics Committee ng 10 araw si Davao del Norte Ist District Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez para sagutin ang tatlong kasong isinampa ni Tagum City Mayor Rey Uy laban sa kanya. Sa press conference kahapon sa Kamara, kinumpirma ni Rep. Raul Angelo Bungalon na naipadala na ng House Secretary Generals’ Office noong Biyernes, sa tanggapan ni Alvarez ang kautusan na sagutin ang reklamo. “Basically the complaint alleges three violations code of conduct that tantamount to disorderly behavior of public officials, conduct unbecoming as well as violation of libel…
Read MoreFARMERS GROUP POSITIBO SA ANTI-AGRICULTURAL ECONOMIC SABOTAGE ACT
NANINIWALA ang grupo ng mga magsasaka na magiging batas ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na matagal na nilang hinihintay, na magbibigay sa kanila ng pag-asa at liwanag gayundin sa mamamayang Pilipino. Sa isang media forum nitong Martes, sinabi ni AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, tinatalakay na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang batas. Giit ni Briones, sa Anti-Agri Economic Sabotage Act na ito, dapat alisin ang Bureau of Customs (BOC) at magkaroon ng national council kasama ang Department of Finance, Department of Justice at iba’t ibang sektor ng agrikultura. Ang…
Read MoreSa pagpapakalat ng fake news MEDIA GINAGAMIT NG CHINA – NSC
TAHASANG inihayag ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año na nililinlang ng Chinese Embassy ng mga kasapi ng media upang magpakalat ng kanilang fake news Ayon sa inilabas na statement ng National Security Council, ang China ay nagpapakalat ng disimpormasyon sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga mamamahayag, sa pamamagitan ng Chinese Embassy. Sa nasabing pahayag ni Año, bahagi ng panlilinlang ng China ang pagpapakalat ng kanilang narratives hinggil sa umano’y new model na napagkasunduan ng Pilipinas at China patungkol sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Año, maituturing na walang…
Read MoreSOKOR MAN NA WANTED SA TELCO FRAUD PINALAYAS
ISANG South Korean national na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa, ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) sa Seoul dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang South Korean man na si Kwon Hyuckkeun, 41, inaresto sa kanyang bahay sa Quezon City ng mga operatiba ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU). “He will thus be deported as soon as we have secured the necessary clearances for his departure. His name was already include in our blacklist, hence he is barred from re-entering…
Read MoreSUNDALO NAGPALAMIG SA ILOG, NALUNOD
RIZAL – Isang miyembro ng Philippine Army ang nalunod sa ilog sa Brgy. Daraitan, sa bayan ng Tanay sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Kinilala ng biktimang si Pvt. James Tacuyan, 27, tubong Iloilo at residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan. Ayon sa report ng Tanay Police, base sa pahayag ng dalawang kasama nito na sina Pvt. Nelson Sales, at Pvt. Marlou Vigo, nakita na lamang nila na pinagkakaguluhan ng iba pang mga nagpi-picnic sa Daraitan river, ang biktima habang ito ay walang malay na nakahandusay at hinihinalang…
Read MoreLALAKI PINASOK SA BAHAY, PINATAY
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkamatay ng isang 49-anyos na lalaki na natagpuang walang buhay at may tama ng bala sa katawan, sa kanilang bahay sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Alvin”, ng Brgy. Ibayo, Estacion, Naic, Cavite. Ayon sa salaysay ng isang saksi, panay ang tahol ng isang aso sa bahay ng biktima kaya pinuntahan nito at binuksan ang kanilang bahay subalit tumambad sa kanya ang wala nang buhay na si Alvin bandang alas-4:30 ng…
Read MoreAsawa’t anak sugatan PASTOR PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO
RIZAL – Patay ang isang 59-anyos na pastor habang sugatan din ang angkas niyang misis at kanilang 2-anyos na anak na paslit, nang maaksidente at sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Inarawan, Antipolo City noong Linggo ng umaga. Kinilala ang namatay na biktimang si Caesar Cabiles, residente ng Brgy. Pinugay, Baras, Rizal; isang Doctorate of Ministry pastor ng Born Again Christian group na Jesus Our Rock and Hope Church. Nasugatan naman ang misis nito na si Arlene Cabiles, 49, at ang kanilang paslit na anak. Ayon sa report ng Antipolo Police,…
Read MoreSPEAKER ROMUALDEZ: BIGAS NA MAS MABABA SA P30 PER KILO SA JULY
INANUNSYO nitong Lunes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang House of Representatives at Department of Agriculture ay seryoso at patuloy na tinatrabaho para gawing mas mababa sa P30 kada kilo ang bigas sa ilang bahagi ng bansa simula ngayong Hulyo. “We are confident that it is possible to offer rice below P30 per kilo as early as July this year. The Department of Agriculture is currently identifying the areas where affordable, well-milled rice will be made available to the public,” ayon kay Speaker Romualdez. “Although we cannot yet…
Read More