P280-MILYON NA SWITCHING STATION, ITATAYO NG MERALCO PARA SA METRO MANILA SUBWAY

Pumirma ang mga opisyal ng Meralco at ng DOTr ng kasunduan para sa pagtatayo ng 115kV Switching Station sa Valenzuela City para sa Metro Manila Subway, ang unang underground railway ng bansa. Makikita sa larawan (mula sa kaliwa) sina Meralco Senior Vice President at Chief Revenue Officer Ferdinand O. Geluz, Meralco Executive Vice President at Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho, Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista, at DOTr Undersecretary para sa Railways Jeremy S. Regino Bilang bahagi ng pangakong suportahan ang pagpapaunlad ng pampublikong imprastraktura, maglalaan ang…

Read More

Introducing Vdrink Tawa Tawa Apple Juice: Another Refreshing Taste of Nature in Every drink

Vdrink is proud to announce one of its latest ready to drink plant based juice, Vdrink Tawa Tawa Apple Juice, a delightful blend of premium apple juice infused with the natural goodness of Tawa Tawa herb. This unique combination offers a refreshing and nutritious beverage that is set to redefine the juice industry. Vdrink Tawa Tawa Apple Juice is made with 100% pure extracts from the Tawa Tawa plant combined with a fresh taste of apple. “Euphorbia Hirta” the scientific name of the plant is well known as remedy for…

Read More

QUEZON CITY VENDOR BUSINESS SCHOOL

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO KAILANGAN ng masusing pag-aaral patungkol sa Quezon City vendors. Isa sa mga hakbang ang paglulunsad kamakailan ng Quezon City ng Vendor Business School sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte. Ito ay upang tulungan ang mga market vendor na maging responsableng negosyante. Ito ang kauna-unahang programang Vendor Business School katuwang ang Consultative Group for International Agricultural Research Resilient Cities Project, isang international research group upang pahusayin ang estado ng daloy ng pagkain o mga sistemang pangangailangan sa buong mundo at makamit ang seguridad sa pagkain. Inaasahan…

Read More

QUEZON, CACAO CAPITAL SA CALABARZON

TARGET ni KA REX CAYANONG SA pagtitipon ng mga magsasaka ng kakaw sa Quezon, naipakita ang husay at kakayahan ng mga lokal na manggagawa sa agrikultura. Ang pagiging sentro ng produksyon ng mga produktong gawa sa cacao ay hindi lamang isang gantimpala para sa ating mga magsasaka kundi pati na rin para sa ating probinsya bilang isang buong. Ayon kay Gov. Helen Tan, ang pagpapalakas ng industriya ng cacao ay naglalayong magbigay ng dagdag na kabuhayan sa ating mga magsasaka. Sa kanilang patuloy na pagtitiyaga at sa suporta ng pamahalaang…

Read More

Marcos Jr. hinimok maging istrikto HINAY-HINAY SA PAGGASTA SA PERA NG BAYAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMAPELA ang minorya sa Senado kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging istrikto sa paggastos sa pondo ng bayan. Reaksyon ito ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kaugnay ng pagkakasingit umano sa 2024 budget ng P26.7 billion na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na hinihinalang nagamit para sa pangangalap ng lagda sa pekeng People’s Initiative o PI. Kailangang maging istrikto, ayon kay Pimentel, ang Punong Ehekutibo sa pag-awtorisa sa paggamit ng pondo bagama’t ang budgetary reforms ay nakasalalay sa pag-uugali ng lider ng bansa.…

Read More

PAMAMAHAGI NG BIGAS SA 4Ps MAHIRAP – DSWD

“LOGISTICALLY hard” kung ituring ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang panukalang bigas sa halip na pera ang uri ng tulong na ibigay sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Gatchalian na masusing pinag-aaralan ng DSWD at Department of Agriculture (DA) ang nasabing panukala. “We always say it’s logistically hard pero patuloy kaming nag-uusap ng Department of Agriculture kung paano ma-implement ito. Kaya logistically hard, kasi kung iisipin ninyo kalat-kalat ‘yung ating mga benepisyaryo… 4.4 million spread across different…

Read More

KAMARA HUGAS-KAMAY SA KUDETA SA SENADO

MISTULANG hugas-kamay ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa alegasyon na galing sa kanila ang impormasyong ikukudeta si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa gitna ng ‘hidwaan’ ng dalawang kapulungan hinggil sa People’s Initiative (PI). Sa press conference kahapon, itinanggi ng mga mambabatas ang pahayag ni Sen. JV Ejercito na posibleng galing sa Kamara ang coup rumors sa Senado dahil lumutang ito sa gitna ng kontrobersyal na PI kung saan nadadawit ang pangalan ng mga kongresista. “I don’t know they keep on tagging us every time there’s an issue coming…

Read More

RELOKASYON BAGO DEMOLISYON SA NORTH BAY BLVD., TONDO HIRIT SA MANILA LGU

BIGO umanong harapin ng pamunuan ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga nagprotestang kasapi ng Northbay Neighborhood Association (NCNA) sa harapan ng Manila City Hall. Hiling ng informal settler families (ISFs) na mabigyan sila ng relokasyon bago maganap ang demolisyon ng kanilang tahanan sa Northbay Boulevard, Tondo, Manila. HINILING ng may 34 informal settlers’ families (ISFs) sa pamahalaang lokal ng Maynila na mabigyan sila ng kaukulang relokasyon bago gibain ang kanilang tahanan na nakatirik sa isang pribadong lupain sa Northbay Boulevard, Tondo. Mapayapang naisagawa ng mga kasapi ng Northbay Neighborhood…

Read More

P8.1-M TAKLOBO NASAMSAM NG COAST GUARD

UMABOT sa P8.1 milyong halaga ng taklobo o giant clam shells ang nabawi ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isang recovery operation na kanilang isinagawa sa Barangay Sebaring, Balabac, Palawan. Ayon sa PCG, umabot sa 336 piraso ng fossilized giant clamshell na tinatawag ding “manlet” na nagkakahalaga P8.1 milyon, ang kanilang nasamsam at ibinigay sa pangangalaga ng local government unit kahapon. Hindi naman matukoy ng PCG kung sino ang may-ari ng narekober na suspected poach giant clams na natunton ng Coast Guard Station South Western Palawan, Coast Guard…

Read More