IPON BALDE NI PBBM PRAKTIKAL – WIN

SINUPORTAHAN ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na maghanda ng mga balde upang makapag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Super El Niño.

Ayon kay Gatchalian, mahalagang samantalahin ang mga pag-ulan upang makapag-imbak ng tubig na maaaring gamitin sa panahon ng matinding tagtuyot at posibleng pagkaantala ng suplay ng tubig.

Sinabi rin ng senador na makatutulong ang panukala ng Pangulo sa mga negosyong nagtitinda ng balde, kasunod ng mga ulat ng pagtaas ng kanilang benta.

Tiniyak naman ni Gatchalian na sisikapin ng Senado na matiyak ang sapat na pondo para sa mga programa at hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang mga epekto ng El Niño.

Partikular niyang binigyang-diin ang pangangailangang maglaan ng sapat na pondo para sa Department of Agriculture upang matulungan ang mga magsasaka, gayundin para sa disaster risk reduction and management upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga maaapektuhan ng matinding tagtuyot.

(DANG SAMSON-GARCIA)

64

Related posts

Leave a Comment