LALAKING PUGOT NA ITINAPON SA CAVITE POSIBLENG DAYUHAN

CAVITE – Kumpyansa ang mga awtoridad na sa susunod na mga araw ay mahuhubaran na ng maskara ang nasa likod ng pagpugot sa ulo ng isang ‘di kilalang lalaki na itinapon ang hubo’t-hubad na katawan sa gilid ng kalsada sa Carmona City noong Sabado ng hapon. Sa panayam kay Lt. Colonel Jefferson Ison, hepe ng Carmona Component City Police Station, nakita sa isinagawang backtracking sa footage ng Closed Circuit Television (CCTV), ang sasakyang ginamit ng suspek nang itapon ang bangkay ng biktima sa Davilan Road, Brgy. Lantic, Carmona City noong…

Read More

4 ESKWELAHAN SA LAGUNA BINULABOG NG BOMB THREAT

LAGUNA – Nakansela ang klase sa apat na elementary at high school sa San Pedro City noong Lunes dahil sa bomb threat. Ayon sa San Pedro Police, agad humingi ng tulong ang barangay officials matapos makatanggap ng mensahe ang mga eskwelahan sa kanilang mga Facebook page mula sa isang nagpakilalang “Vamir Muhhamad” na nagbabantang may sasabog na mga bomba. Kabilang sa mga eskwelahan na nakatanggap ng bomb threat ay ang Pacita 1 Elementary School, Pacita National High School, Landayan Elementary School, at Chrysanthemum Elementary School na pawang nasa Brgy Pacita…

Read More

NA-DOUBLE CROSS SA SMUGGLED YOSI 1 PATAY, 1 SUGATAN

ZAMBOANGA DEL SUR – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nito matapos na pagbabarilin ng grupo ng mga suspek na umano’y kanilang katranskyon o kasosyo sa hinihinalang puslit na mga sigarilyo sa Pagadian City sa lalawigan. Ayon sa report ng Pagadian City Police, nangyari ang pamamaril sa Pajares Avenue, Barangay San Jose, noong Linggo ng gabi nang makipagkita ang mga biktima sa kanilang mga ‘kasosyo’. Kinilala ang napatay na si Abdul John Amerol Sali, 39, habang sugatan si Nurhan Hadjarani Saruddin, 31-anyos. Ayon sa report ng Pagadian City…

Read More

4.3M PINOY INALISAN NI SEN. IMEE NG 4Ps AYUDA NOONG 2023

HALOS 900,000 pamilya o 4.3 milyong Pilipino na kabilang sa pinakamahirap na bahagi ng lipunan ang hindi nakatanggap ng tulong mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong 2023 dahil inalis ni Sen. Imee Marcos ang pondo para sa kanila. Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon, inilipat ni Sen. Marcos ang pondo para sa 4Ps beneficiaries sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program. “If we do the math, P13-billion divided by P15,000 per household per year, means 867,000 families or 4.3-million poor individuals got zero cash…

Read More

Kumbinsidong may dayaan sa 2022 polls MGA BOTO SA ILANG LUGAR MULING BILANGIN – KONTRA DAYA

NANAWAGAN ang election watchdog na Kontra Daya noong Lunes sa Commission of Elections (Comelec) na muling bilangin ang mga boto na nakuha sa piling lugar upang ayusin ang umano’y mga iregularidad sa pagsasagawa ng 2022 national and local elections. Sa ikinasang rally sa Plaza de Roma, Intramuros, Manila, hinamon ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) undersecretary Eliseo Rio Jr. ang poll body na muling buksan ang ilang ballot boxes lalo na sa bayan ng Santo Tomas sa Batangas. Bilang tugon, sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na…

Read More

Sa disaster response and rescue operations sa Masara landslides DISASTER RESPONSE TEAMS, 2 ASO PINARANGALAN

PINARANGALAN ng Philippine Army 10th Infantry Division ang mga kasapi ng Masara Landslide incident disasters response teams, kasama ang dalawang search and rescue canine, sa 10ID Parade Ground, Camp Gen. Manuel T. Yan Sr., sa bayan ng Mawab. Ayon sa ibinahaging ulat na ipinarating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, pinarangalan ng 10th Infantry (Agila) Division ang ilang piling mga tauhan na nagsagawa ng disaster response and rescue operations kaugnay sa landslide incident sa Zone 1, Masara, Maco, Davao de Oro . Mismong si Major General…

Read More

PRESYO NG BILIHIN POSIBLENG TUMAAS SA P100 DAILY WAGE HIKE

NAGBABALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa posibleng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa gitna ng posibleng ipatutupad na P100 legislative hike sa daily minimum wage. Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, bagama’t siya ay sumasang-ayon na ang wage hike ay magtataas ng purchasing power ng mga manggagawa, nagbabala ang kalihim na maaaring magkaroon din ito ng epekto sa micro at small businesses. Ayon kay Laguesma, kapag may pag-uusap tungkol sa pagtaas ng suweldo ay medyo nakararamdam ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin. Kaugnay…

Read More

Kampanya vs illegal gambling pinaigting ng NCRPO; LIDER NG MGA ILEGALISTA SA QC TIMBOG

SA pinaigting na kampanya ng National Capital Region Police Office laban sa naglipanang mga ilegal na sugal ay naaresto kamakalawa ang hinihinalang administrador ng malaking ilegalista sa Lungsod Quezon. Kinilala ng mga tauhan ni NCRPO chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang naarestong isa sa mga pasimuno ng ilegal na sugal sa QC na isang Bryan Z. Encarnacion, 38 anyos at nakatira sa Barangay Krus na Ligas. Si Encarnacion ang pinaniniwalaang engkargado o administrador ng isang Alyas Perry na umano’y nasa likod ng malawakang lotteng operations sa Lungsod Quezon. Sa…

Read More

MARAMING CONGRESSMAN GUSTONG MAGING SENADOR

DPA ni BERNARD TAGUINOD AMININ man o hindi, maraming congressman ang gustong maging senador pero hindi sila makaporma dahil ang labanan sa Senado ay dapat sikat ka dahil ang mga botante ay tumitingin sa mga sikat at hindi sa kakayahan ng kandidato. Sabi ng lolo ko kapag bumoboto sila noon, ang batayan nila ng pagpili ng kandidato ay dapat edukado, hindi pawardi-wardi lang dahil ang nakataya sa kanilang desisyon ay ang kapakanan nila at ng bayan. Sa paglipas ng panahon, nawala na ang batayan na ‘yan dahil ang pinipili at…

Read More