PAGTAAS NG MALAMPAYA PRICES KAILANGAN SILIPIN

KAILANGAN silipin ang pagtaas ng presyo ng Malampaya sa paggalaw ng bayarin na ipapataw ng Meralco. Ayon ito sa isang observer matapos kwestyunin ng Energy Regulatory Commission (ERC) kung nagkaroon ba ng kumpirmasyon kung tama ang singil ng suppliers ng Meralco kasunod ng anunsyo nito ng dagdag-singil ngayong buwan. Ayon sa ulat, dahil sa mataas na generation charge ang pagsipa ng singil, partikular ang presyo ng Malampaya gas prices na hindi pa pala nagkakaroon ng tamang validation. Pumasok kasi sa bagong kasunduan na tinatawag na Gas Sale and Purchase Agreement…

Read More

NAWAWALA SA LANDSLIDE SA DAVAO DE ORO, 38 PA

BUMABA na sa 38 ang nawawala sa landslide sa Masara sa Maco, Davao de Oro. Ito ay matapos makarekober pa kahapon ng 14 a bangkay ang search and retrieval team. Ayon sa Maco MDRRMO, hanggang 4:00 ng hapon nitong Miyekoles, umabot na sa kabuuang 85 dead bodies ang nakuha mula sa ground zero. Anim sa mga narekober ay mga bahagi na lamang ng katawan makaraan ang walong araw na pagkalibing sa lupa mula sa gumuhong bundok. Nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawala matapos mag-shift ang operation ng reponders…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA TRIKE VS BOOM TRUCK

BATANGAS – Patay ang driver habang sugatan ang pasahero nang makasalpukan ng sinasakyan nilang tricycle ang isang boom truck sa national highway, Bypass Road sa Brgy. Sta. Cruz, Sto. Tomas City noong Martes ng gabi. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Metro Lipa Medical Center sa Lipa City ang biktimang si Lito Orig, 37, habang nilalapatan naman ng lunas ang pasahero nitong si Bartolome Sogoni, 53, parehong taga Brgy. Ibabang Pagsabangon, Pagbilao, Quezon. Ayon sa report ng Sto. Tomas City Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang makasalpukan ng…

Read More

MANGINGISDA HINILA NG ISDA, NALUNOD

CEBU – Nalunod ang isang mangingisda matapos na hilahin ng kanyang nahuling isda sa bayan ng Boljoon sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ng biktimang si Gregorio Viñan, residente ng Barangay Baclayo. Ayon sa inisyal na report ng Boljoon Police, dakong alas-10 ng gabi, nangingisda ang biktima at isa pa nitong kasama sa karagatang sakop ng Barangay South Granada, sa pamamagitan ng pamamana. Tinamaan ng pana ng biktima ang isang malaking grouper fish na kilala sa lokal na pangalan na Pugapo . Subalit sa kasamaang palad, hinila ng isda…

Read More

MAIL ORDER BRIDE VICTIM NASAGIP SA NAIA

NAHARANG ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang isang Filipina na hinihinalang biktima ng mail order bride scheme, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bago makasakay sa kanyang flight papuntang China. Ayon sa report, ang biktima ay palabas ng bansa kasama ang kanyang ‘supposed husband to be’ na isang Chinese national, at pagpasok sa Immigration counter ay nagduda ang immigration officer on duty sapagkat sa unang arangkada ng ‘question and answer portion’ ay hindi ito kumbensido . Bagama’t maraming ‘inconsistencies’ sa kanilang mga sagot, nag-presenta…

Read More

PBBM DUMALO SA PNP COMMAND CONFERENCE

PINANGUNAHAN mismo ni Philippine National Police Commander-in-Chief, President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kauna-unahang pagkakataon, ang isinagawang command conference kahapon ng pambansang pulisya. Agad nilinaw ni PNP chief, Police General Benjamin Acorda Jr. na walang kakaiba rito kundi regular na Command Conference lamang ng PNP hierarchy kasama ang kanilang commander-in-chief. Sa nasabing pagpupulong ng senior PNP officers, nag ulat ang pambansang pulisya kay Pangulong Marcos Jr. hinggil sa accomplishments nito at maging sa kasalukuyang sitwasyong ng ‘peace and order’ sa bansa at internal security. Hindi agad inilahad kahapon ng pamunuan…

Read More

Misteryo sa pagkakarehistro sa 2 luxury cars pinasisiyasat TALAMAK NA KORUPSYON SA LTO MULING NAUNGKAT

MULING nalantad ang talamak na katiwalian at korupsyon sa Land Transportation Office nang magawang maparehistro ang dalawang hinihinalang smuggled luxury car na nagkakahalaga ng P165 million ang bawat isa. Kinumpirma ng Bureau of Customs na naparehistro ang dalawang unit ng 2023 Bugatti Chiron kahit na walang import documents. “We want to know who allowed this to happen,” ani BOC-CIIS Director Verne Enciso. Kinilala ang dalawang registered owner ng 2023 model sports car—isang asul (with plate number NIM 5448) at isang pula (with plate number NIM 5450)—na nakapangalan kina Menguin Zhu…

Read More

85 KATAO SINAGIP NG PHILIPPINE NAVY SA KARAGATAN

UMABOT sa 85 katao mula sa isang distressed vessel ang sinagip at pinakain ng mga tauhan ng Philippine Navy kasunod ng rescue operation sa gitna ng dagat sa Tawi-Tawi. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command (FOIC) Vice Admiral Toribio Adaci Jr., nagsagawa ng rescue operation ang kanyang mga tauhan mula sa patrol craft BRP JOSE LOOR SR (PC390) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Naval Forces Western Mindanao, para hanapin at iligtas ang mga sakay ng isang motor boat. Ayon kay Commander Benjo…

Read More

SM Supermalls, COMELEC, join forces for voter registration

It’s a RAP. Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia and SM Supermalls’ Vice President Junias Eusebio (2nd and 3rd from left), with COMELEC Commissioner Ernesto Ferdinand Macedo,Jr. and SM’s VP for Mall Business Units Queenie Dizon-Rodulfo, (extreme L, extreme R) at the signing of the Memorandum of Agreement (MOA) for this year’s voter registration and “Register Anywhere Program” held in Intramuros, Manila, recently. The Register Anywhere Program will allow eligible voters to register in any COMELEC office, satellite registration center, or designated registration area, further streamlining the process…

Read More