SUICIDE SINISILIP SA PAGKAMATAY NG ESTUDYANTE

PALAISIPAN sa mga imbestigador kung nagpakamatay ang isang 21-anyos na estudyante na natagpuang may sugat sa ulo at walang buhay sa kanyang kuwarto sa Southville Subd., Brgy. Inocencio, Trece Martires City noong Lunes ng hapon.

Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) ang biktimang si alyas “Edwin”, ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite subalit idineklarang patay na ito.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:35 ng hapon nang pumasok ang ina sa kuwarto ng biktima at bumulaga sa kanya ang anak na nakahiga ngunit wala nang buhay at may sugat sa ulo.

Dagdag pa ng ina, mag-isa lang sa kanyang kuwarto ang biktima.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, maayos ang kuwarto ng biktima at ang mga gamit nito ay intact bukod sa nakitang sirang cellphone.

Inaalam pa kung ano ang ikinamatay ng biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

69

Related posts

Leave a Comment