SCAM LANG BA ANG SIM REGISTRATION ACT?

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAKAYAYAMOT na ang halos araw-araw ay makatatanggap ka ng hindi bababa sa tatlong (3) text scam mula sa mga hacker. Maaalala noong hindi pa naipapasa ang Sim Registration Act, sinabi ng ilang senador na matatapos na ang maliligayang araw ng mga scammer sakaling maipasa at gawin itong batas. Pero ano ito? Sangkaterbang text messages mula sa mga hacker ang sumusubok na mapasok ang bank account details ng kanilang mga biktima. Ang mga text scam na ito ay hindi para sa mga edad 40 pababa, ang pangunahing…

Read More

MAMANGHA SA MERAKI GARDEN

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO UNA sa lahat gusto muna nating bumati ng Maligayang Araw ng mga Puso. Dahil panahon ngayon ng pag-ibig ay ito rin ang tema ng ating paksa ngayon. Para sa mga may ka-date ngayong Valentine’s Day, ang lugar na ito ang perfect pasyalan dahil sa ganda ng tanawin at mga bulaklak sa buong paligid. Ito ay ang Meraki Garden. Ang Meraki Garden ay may mahigit 3,000 iba’t ibang varieties ng mga bulaklak na bougainvillea. Super tatanda na rin ng mga bulaklak na ito na karaniwan ay…

Read More

GOV. HELEN TAN AT MAYOR RJ MEA HUMATAW SA SURVEY

TARGET ni KA REX CAYANONG ISA na namang patunay ng tagumpay ni Gov. Helen Tan ng lalawigan ng Quezon sa kanyang kahusayan bilang pinuno ang pagkakamit ng ikatlong pwesto bilang pinakamahusay na gobernador sa buong Region 4-A o CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon). Ayon sa pinakabagong survey ng Hypothesis Philippines mula Enero 1 hanggang 13, 2024, nakamit ni Gov. Tan ang kahanga-hangang 93.2% job performance rating. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang basta estadistikal na numero kundi patunay sa ‘di mabilang na sakripisyo at dedikasyon ng gobernadora sa paglilingkod…

Read More

TRAHEDYA SA DAVAO DE ORO IIMBESTIGAHAN NA NG KAMARA

MAG-IIMBESTIGA na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa trahedyang naganap sa Maco, Davao de Oro na ikinamatay ng 54 katao at 63 pa ang nawawala. Sa House Resolution (HR) 1587 na inakda ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, nais nitong itutok ang imbestigasyon sa large-scale mining operations ng Apex Mining Corporation sa pangunguna umano ng tycoon na si Enrique Razon Jr. “Environmental advocates oppose large-scale and open pit mining operations due to their destructive, lasting impact on our communities. Ang nangyari sa Davao ay isang buhay na halimbawa kung gaano…

Read More

HALOS P2-M SHABU NASABAT SA ILOILO

ILOILO CITY – Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National police ang tinatayang P1.9 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-narcotics operation sa Iloilo River Plains Subdivision, Barangay Lanit, Jaro District, noong Lunes. Sa ibinahaging ulat ng Regional Drug Enforcement Unit-6 ng PNP-Police Regional Office-6, kinilala ang mga nadakip sa inilunsad na buy-bust operation na sina Joemarie, Rufino, Jhon, Elner, at Antonio matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong poseur buyer. Nakumpiska mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o…

Read More

2 NPA PATAY SA MILITARY OPERATIONS SA MISAMIS ORIENTAL AT SURIGAO DEL SUR

DALAWANG kasapi ng CPP-NPA Terrorists (CNTs) ang napatay habang dalawang matataas na kalibre ng baril ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Army 4th Infantry Division sa inilunsad na magkasunog na focused military operation sa mga lalawigan ng Misamis Oriental at Surigao del Sur noong Pebrero 11 at 12. Unang nakasagupa ng mga tauhan ng 58th Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Christian C. Uy, ang siyam na mga kasapi ng New People’s Army SRSDG MTG Eagles, SRC 1; North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) sa Sitio Kayagan, Brgy.…

Read More

PANELO HINAMONG TUMIRA SA MINDANAO

Spokesperson Salvador Panelo-3

HINAMON ng isang Mindanao Congressman si dating Presidential Spokesman Salvador Panelo na tumira sa Mindanao para malaman ang pulso ng mga naroon kaugnay sa ninanais na Mindanao secession. Sinupalpal din si Panelo sa kanyang pahayag na OA o overacting ang reaksyon ng mga tao sa nais na Mindanao secession ng kanyang among si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa press conference kahapon sa Kamara, hindi nagustuhan ni Lanao del Sur Rep. Zia Adiong ang pahayag ni Panelo na nagsasalita gayung hindi nito pinagdaanan ang naranasan ng mga taga-Mindanao dahil sa giyera.…

Read More

P50K NA SAHOD NG GURO ITINULAK SA KAMARA

DAHIL hindi libre sa inflation ang mahigit walong daang libong public school teachers, isang panukalang batas ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para gawing P50,000 ang entry salary ng mga ito. Sa House Bill (HB) 9920 na inakda ni ACT party-list Rep. France Castro, panahon na aniya para bigyan ng disenteng sahod ang mga pampublikong guro na isa sa mga propesyonal sa gobyerno na napag-iiwanan sa sahod. Ayon sa mambabatas, ang kasalukuyang entry salary ng Teacher 1 ay mahigit P22,000 lamang habang ang Teacher III ay P33.570 kada buwan…

Read More

PNP PINAKALMA PUBLIKO SA SERYE NG BOMB THREATS

(CHRISTIAN DALE/JULIET PACOT) PINAWI ng Philippine National Police (PNP) ang pangamba ng publiko sa mga napaulat na bomb threat sa ilang lugar sa bansa. Nauna nang sinabi ng PNP na batay sa kanilang monitoring ay hindi lamang dito sa Pilipinas nagpapadala ng bomb threat via email kundi maging sa iba ring mga bansa. Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Japanese government para magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa panloloko lamang na bomb threats na natanggap ng ilang ahensya ng pamahalaan at paaralan sa Pilipinas.…

Read More